39.

281 24 14
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

"Ang lalim ng iniisip mo."

I blinked. Resca's anxious face came into focus.

"Ano?" wala sa sarili kong tanong.

Tumawa si Resca ng pagak."Ang sabi ko, ang lalim ng iniisip mo," pagu-ulit niya.

"Ah," maikli kong tugon.

Kami ay nakaupo ilang milya ang layo mula sa imbakan ng palasyo.Ito ay nasa likurang bahagi ng kastilyo, malapit sa pulang tore, kung saan kami dinala ng Order of the Blood noong inumpisahan ang Blood Trials.

Sa aking pagtingala, nakita ko ang kumpulan ng hindi hihigit sa dalawampung mga kawal. Armado at protektado ng kanilang mga bakal na baluti.

"Ano bang iniisip mo?" singit ni Taron.

Nilingon ko siya. Nakasuot siya ng purong itim. Ang kanyang pangitaas at pangibaba ay likha sa katad. Mayroong siyang hawak na kustilyo. Ganoon rin ang suot ko. Kaming dalawa ang papasok sa loob ng imbakan upang kunin ang ikalwang scroll. Naisip nilang ako ang sasama dahil ang aking abilidad ay malaking tulong kung sakali mang magkaroon ng aberya sa loob at sa plano.

"Wala," maikli kong tugon sa tanong ni Taron. Nagsinungaling ako. Matapos ang aming munting imbestigasyon ng prinsipe kanina, hindi mawal sa isipan ko ang impormasyong nalaman ko. Mayroong mga batang nawawala. At malaki ang aking kaiguraduhan na ang mga ito ay konektado sa mga bankay na lumitaw, at sa berdeng bagay na pinag-aaralan ni Genesis at Demora. Hindi ko alam, ngunit ang mga bagay na iyon ay lubha akong binabagabag.

"Adelaine," pagtawag sa aking atensyon ni Ruaire. Ngumunguya ito ng mansanas.

Nagtama ang aming mga mata ni Ruarie. Ang kanyang puting buhok ay sumasayaw sa dumadaang hangin.

"Ano?" tanong ko. Medyo naiinis ako sa mga tanong nila.

Ruarie straightened his back. And then threw me a serious look. "You are distracted." He said matter-of-factly. I hissed, annoyed.

I let out a heavy breath. "Kaunti." pag amin ko.

Resca clicked his tongue mockingly. I threw him a confused look. What was that for? Really? With all that happened earlier, and what's about to happen, somehow, I realized I was on edge.

Resca explained himself, "You are distracted. And we can't have that kind of attitude right now." reklamo niya.

Nagsalita rin si Taron. "Tama. Mahirap ang gagawin natin. Hindi makakatulong kung wala ang atensyon mo sa ating misyon," paalala niya.

I bit my lip. Tama sila. Hindi ko dapat hayaan ang aking sariling maging ganito. Maliban sa imbestigasyon, ang Blood Trials ang mas dapat kong pagtuunan ng pansin. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit nandirito pa ako, kung bakit buhay pa ako. Ang problema ng prinsipe ay hindi ko na dapat problemahin pa.

But still, something about his discoveries were rubbing me the wrong way. These new informations I acquired is getting into my skin, crawling, distracting and ruining my focus.

I couldn't have that right now.

Kung bakit ba naman kasi napakarami mga problema ang pinasok ko?

Joining arms with Lord Areling was necessary, that was the reason I got out alive. Joing hands with prince, that was me being an idiot.

One of these days, these games I am playing, will take its toll on me.

Umiling ako at bumuntong hininga. Iwinaksi ko ang mga katanungan tungkol sa mga nawawalang bata, sa imbestigasyon ng prinsipe,at sa paninisi ko sa aking sarili. Bagkus, itinuon ko ang pansin ko sa kung ano man ang gagawin namin ngayon sa lugar na ito.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon