37.

270 28 15
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

MULI, NAHANAP KO ang sarili ko sa pamilyar ng lugar kung saan magaan ang lahat. Walang responsibilidad. Walang mga pangakong kailangang tuparin. Isang lugar kung saan malaya ako sa lahat---maging sa aking nakaraan. Maging sa kinabukasan. 

Strange enough, I am aware that this place wasn't real. I am dreaming.

Nasa isa akong burol. Payapa at maaliwalas ang asul na kalangitan. Naririnig kong humuhuni ng mga ibon, ang musikang nililikha ng mga sumasayaw na mga sanga ng puno. Balot ang kalupaan ng mga mababango at makukulay na bulaklak. Saan ko man ibaling ang mga mata ko, hanggang sa kalayuan, mga bulaklak ang natatanaw ko. Nagmistulang isang karagatan ng mga bulaklak ang burol na ito.     

Napangiti ako.     

Tumakbo ako. Nararamdaman ko ang humahampas ng hangin sa pisngi ko, ang pagtangay nito sa aking nakalugay na kulay pulang buhok. Nakapaa ako. Sa bawat hakbang ko, ang mga basang dahon sa ilalim ng aking mga paa ay parang kumot. Mas lalo ko pang binilisan ang pagktakbo ko. Walang paga-atubili. Sinasamsam ang panandaliang kapayapaan.     

Hanggang sa may isang bagay sa lupa ang hindi ko nakita. Natalisod ako. Bumagsak ako sa lupa. Kahit panaginip, halos mawalan ako ng ulirat sa pagbagsak ko. Kumikirot ang ulong bumangon ako. Habang hinihilot ko ang ulo ko, ibinukas ko ang mga mata ko. Malabo noong una, ngunit mayamaya, luminaw rin ang lugar.     

Nawala na ang magandang paraiso.     

Nalanta ang mga bulaklak, sumusuray-suray ang kaninang masisiglang mga talulot at mga sanga ng mga ito. Nawala ang sariwang hangin, napalitan ng masangsang na amoy ng mga naagnas na mga bangkay. Bumaliktad ang sikumra ko. Tila masusuka ako. Ang asul na kalangitan ay napalitan ng pula, na tila ba anong segundo ay uulan ng dugo. Sa ilalim ng aking mga paa, pagkatingin ko, imbes na mga dahon, nakababad ako sa putikan.    

At ilang dipa sa akin, nakita ko ang bagay na tumalisod sa akin.    

Isa itong bangkay. Nakatalikod, nakasudsod ang mukha sa putikan.    

Huwag kang gagalaw, utos ko sa sarili ko. Hindi ito sumunod. Tila ba may mga utak at sariling diwa ang katawan ko sa lugar na ito. Dahan-dahan, lumapit ako sa bangkay. Gumalaw ang mga kamay ko, ipinatong at humigpit ang mga daliri sa balikat nito, sabay hinila paharap. Umikot ang bangkay, at lumantad ang harapan nito.     

Napasinghap ako. Kilala ko ang bangkay na ito. Ito ang babaeng nakita kong natagpuang patay sa palasyo, ang babaeng itinago ng korona ang bangkay. Ang babae na kanina lang ay binisita namin ng prinsipe. Suot nito ang kulay berde niyang damit. Ang kanyang katawan ay nakatali ng mahigpit ng lubid.    

Ang mga mata ko ay napako sa kanyang naagnas na mukha. Nakabukas ang mga mata nito, purong puti. Naagnas ang mga pisngi, sumisilip ang mga laman at ngipin dito. Habang pinagmamasdan ko ang mukha nito, biglaang nanginig ito na tila ba may buhay pa. Gulat at takot, hindi ko pa rin nagawang bitawan ito. Bagkus, hinele ko ito na para bang sanggol. Sa butas sa kanyang pisngi, mayroong kulay berdeng likidong unti-unting bumulusok palabas.     

Nanigas ang katawan ko. Dahan-dahang umagos ang berdeng likido mula sa pisngi nito, parangaasidong kinain nito ang dinaan nitong natitirang balat sa bangkay. Bibitawan ko na ang bangkay, nang biglaang kumislot ito. Ang mga mata ay umikot hanggang sa napalitan ang puti ng itim, at bumukas ang bunganga nito. Sa pagkauwang ng nanunuyong labi nito, lumabas ang mga paniki. Isa.Dalawa. Simisigaw. Pumapagaspas.     

Narinig ko ang isang malakas na paghiyaw. Ngunit nang maramdaman ko ang sakit sa aking lalamunan, napagtanto kong sa akin nanggaling ito. Sumabay ang aking sigaw sa musikang nilikha ng mga pumpapagaspas na mga paniki. 

Nasa lupa na ako ngayon. Gumagapang patalikod. Umaagos ang maalat at mainit na luha sa aking maduming pisngi. 

Hanggang sa tumama ang likuran ko sa isang bagay. Tumingala ako. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Lilang mga mata, makinis at makintab na itim na kompleksyon, puting kulot na buhok, at tatlong mga tuldok sa gilid ng mga mata. 

Si Meree. Naalala ko siya. 

Yumuko ito, idinantay ang mga palad sa magkabing gilid ng noo ko. Pinasiklaban niya ang katawan ko ng isang hindi mapaliwanag na init. Nilukod ang sistema at ulirat ko ng isang hindi nakikitang apoy. 

"Lady Adealaine, gising!" I heard a familiar voice say.

"Gising, nanaginip ka, Lady Adelaine."

There. I heard it again.

Lady Adelaine.

Who's Lady Adelaine?

And then, it dawned on me. Adelaine, that was me. Somebody was calling me. 

Muli, narinig ko ang tawag. 

I was feeling drowsy. Para akong lumulutang-lumanalangoy-sa kaulapan. Malalakas ang mga alon, hindi ako makalangoy nang maayos. Ang nakapagtataka, hindi ako hinihila ng mga alon paibaba. Bagkus, tila ba ako ay hinihele ng mga ito. 

"Gumising ka, Lady Adelaine." marahas na ginungon ang aking katawan. Doon, ba natauhan ako. 

Bumukas ang mga mata ko. 

Nasaan ako? 

"Lady Adelaine? Dali, Arianne, kumuha ka ng tubig."

Arianne? 

I blinked. A blur of light and lines. I blinked again. Ang naga-alalang mukha ni Cheena ang bumungad sa akin. And then, I gasped. Violently. I could feel my lungs compressing, celebrating as air returned.

"Ayos ka lang ba, Lady Adelaine? Kumalma ka, nanaginip ka, " Cheena said, her voice gentle and warm. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang balikat. Sinusuportahan ng kaliwa niyang kamay ang aking bigat, ang kanan naman ay hinahaplos ang aking mukha.

"C-cheena," I asked, still confused. 

"Ako nga. Lady Adelaine," she assured me. "Kumalma ka. Nanaginip ka lamang."

And then, Arianne came with the water. Tinulungan ako ni Cheena, inilapit niya ang baso sa aking bibig, Bahagyang tinagilid ang baso upang umagos ang tubig papunta sa aking lalamunan. Uhaw na tinanggap ng aking bibig ang malamig na tubig. 

Habang nauubos ko ang laman ng baso, siya namang unti-unti kong pagkakaintindi sa nagaganap. Naginip ako. Hindi iyon totoo. 

Tatlong baso pa ang nainom ko bago ko nagawang umalis sa mala-inang bisig ni Cheena. Inalalayan ako ng dalawa na umupo sa aking kama.

"Ayos ka lang ba, Lady Adelaine," tanong ulit ni Arianne.

Marahan akong tumango. Nakatingin lamang ako sa kawalan. Pinagmamasdan ko ang pagsayaw ng apoy ng kandilang nakapatong sa lamesita. Mayrooong kakaibang pakiramdam ang lumukob sa akin. Hindi ko matukoy kung ano. Hindi takot. Hindi kapayapaan. 

Muli kong inalala ang panaginip. O marahil, mas maganda kung tatawagin ko itong bangungot. Oo, naalala ko ang bawat tagpo. Ang hardin, ang aking pagkadapa, ang pagkalanta ng mga bulaklak, ang putik, ang pulang kalangitan, ang bangkay. At higit sa lahat, ang mukha ni Meree.

Sigurado akong si Meree iyon.

Bakit? Ano ang ibig sabihin nito?

Nanatili akong nakaupo sa kamang iyon. Hindi ako iniwan ni Cheena at Arianne buong gabi. Nanatili ang mga ito sa silid, natulog sa mga upuan. Sa labas, unti-unting nagigising ang araw. Hindi na ulit ako nakatulog. Ang mga oras na sumunod ay ginugol ko upang isipin kung ano ang ibig sabihin ng bangungot na iyon. Alam ko, hindi lamang ito isang panaginip. Isa itong pahiwatig. 

Naalala ko ang huling tagpo bago ako pumunta dito sa kapitolyo. Ang naging tagpo sa pagitan namin ni Meree. Mayroong itong sinabi, ngunit pinasintabi ko lamang ito Kadalasan ay hindi ako naniniwala sa mga sorsera, at hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga katagang binigkas niya sa akin.

Nagkamali ako. 

Lalo pa ngayon, mayroong akong isang bagay na napagtanto. Ang babalang ibinigay ng mga sorsera sa prinsipe ng ito ay tumungo sa Savanagh, ito ay katulad ng babalang natanggap ko mula kay Meree.

Ang kadilimang unti-unting nagigising.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon