24.

366 38 29
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

WHEN I CAME TO, immediately I recognized I was in an unfamilar room. Masyadong malambot ang aking hinihigaan. At iba rin ang amoy ng silid. Maangahang. Like mint?

Muli kong isinira ang aking mga mata. I groaned as pain shot through me. Mayroong mga karayum na tumutusok-tusok sa aking ulo.

Where am I?

Sinubukan kong tumayo. Ngunit sa pag-angat pa lang ng bewang ko, nanlambot kaagad ang mga kamay ko. Muli akong napahiga pabalik sa kama.

Goddess!

"Huwag mo nang pilitin. You're too weak." Dinig kong sabi ng isang lalaki. Naramdaman ko ang mainit nitong palad nang hawakan niya ang aking noo. "Mabuti at hindi masyadong mataas ang temperatura mo. Kailangan mo lang ipahinga 'yan" dagdag nitong saad.

Panandalian kong nakalimutan ang sakit ng katawan ko. Bagkus, ang laman ng isip ko ngayon ay kung sino ang lalaking ito. At kung nasasaan ako. Kung kaninong kama ang hinihigaan ko.

This wasn't mine. This was far much softer that the one I had been sleeping in.

I tried to speak. But as I forced words to come out of my mouth, it was like thousands of needles were being forced down on me. My throat was too dry. Dinilaan ko ang mga labi ko. Sa sobrang pagkakatuyo nito, nagkabiyak-biyak na ang labi ko.

Teka, gaano na ba ako katagal na nandito?

Ang huli kong naalala ay ang tagumpay kong pagpa-pagaling kay Lord Keiv. Matapos noon ay nilisan ko ang infirmary upang tumungo sa aking silid at magpahinga. Naalala ko ang pag-ikot ng mundo, ang paglambot ng sahig, ang panginginig ng hangin.

The memories came flashing back. I passed out. I must have pushed myself too much. Hindi pa nga magaling ang katawan ko ay ibinuhos ko pa ang natitirang enerhiya ko upang pagalingin siya. I knew that healing lord Keiv in that current state would take a toll on my body. But I had hoped that I would be able to make it to my room before that happened. I was wrong. Kahit inisip kong kaya ko, bumigay naman ang katawan ko.

I could hear the stranger moving about. A minute later, he dipped his fingers in water and spread it across my lips. The touch of water seemed to have made me realized how parched I was. I opened my mouth, asking for more.

He let out a raspy chuckle. "You're dehydrated," puna niya. "Here."

Naramdaman kong inalalayan ako nitong makaupo. Isinandal niya ang likuran ko sa pinagpatong-patong niyang mga unan. Bagama't hindi ako sigurado kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang estranghero, hinayaan ko lang ito. I didn't have the energy to fight anyways. I couldn't even open eyes.

Inilapit nito ang baso sa aking bibig. Walang tanong-tanong, kaagad kong inubos ang laman nito. Para akong isang hayop na napakatagal na namalagi sa disyerto at uhaw- na uhaw. Tatlong baso pa ang ininom ko bago ko naimulat ang aking mga mata.

Nang makita ko kung sino ang lalaki--na aking napagtantong hindi pala isang estranghero--ay kaagad na naningkit ang aking mga mata.

"Really? Is that how you say thank you?" He smirked.  

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko.

"Nagpapahinga." maikling tugon niya.

Aba't! Tinaasan ko siya ng kilay. "Maari namang sa sarili kong silid mo ako pinunta, bakit dito pa?"

"Well, for starters, ayaw kitang buhatin. Just so you know, you were quite heavy. Malayo-layo pa ang silid mo sa parte kung saan ka nawalan ng malay. At isa pa, you should consider yourself lucky, you're the first woman to ever sleep in my bed." He said it as if he wanted me to be grateful about it.  

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon