71.

107 7 0
                                    


Bagama't hindi nakatutok ng direkta ang mga mata ng kawal sa akin, batid ko ang pagmamatyag nila sa bawat kilos ko, sa bawat kilos ng mga tao sa loob ng palasyo.

Sa naging pag-atake noong nakaraan, humigpit ang pagbabantay sa palasyo. Dumoble ang bilang ng mga kawal sa palasyo. Kung dati ay may dalawa sa isang pasilyo, ngayon ay mayroong apat. Binawasan ang mga numero ng mga kawal na nagpapatrol sa mga kalsada at eskinita, halos lahat ngayon ay nai-destino at nakatutok sa pagbabantay sa palasyo atsaka sa mga pader at bulwagan ng syudad.

The stares were unwelcome, they always were. But I tried to shake them off. I have none to be afraid of. Ang kailangan kong isipin ngayon ay ang pagtitipon mamaya. Oo nga pala, naghihintay sa aking silid si Cheena at Arianne (O Shad'han) para sa magiging suot ko mamayang gabi.

I tried to think of that. The color of the dress. The fabric. Will it be velvet? Cotton?

And now, thinking of the gathering, I couldn't help but wonder, was it a good idea? Sa naging pag-atake noong nakaraan, iisipin na ipagpapaliban muna ang mga kanitong klaseng pagtitipon.

But I am not the king, I do not advise him, nor do I have the say which was best to do in times like these. King Briar thinks it was high time to celebrate his guards trimuph, and the recapture of Fra Pavel. At isa pa, malakas ang kutob ko na na mayroon pang ibang pakay ang hari sa pagtitipong ito maliban sa pagbabalik ng kapitan. Paniguradong hindi lamang basta pagtitipon ang magaganap mamayang gabi. Regalo, iyon ang sinabi ng hari kay Lord Areling, para kay Kapitan Keiv. Kung ano ang regalong iyon, paniguradong hindi ito basta-basta.

I turned to the left, past a giant column, when I saw a familiar face. Nagtama ang mga mata namin.

Ngiti ang remehistro sa mukha ng prinsesa Yvana. Matingkad na asul na kamiseta ang suot ng prinsesa, isang rubing bato ang nakasabit sa kanyang leeg. She was not wearing her usual jewelled crows, instead she had thin silver band across her forehead, swirling to meet in the middle where an emerald was encrusted.

I curtsied and lowered my head to greet her. It had been a while since I last saw her, a while since I talker to her. Nang huli ko siyang makita, o marinig, ay noong sinabihan niya sa Gestalt na hindi siya nababagay na maging hari. Not that the princess knew that. She'd have my head if she did.

Narinig kong tumawa siya. That pulled me from my thoughts.

"That is unnecesarry," komento niya.

Napangiti na lang ako. "Magandang hapon, prinsesa Yvana," maikli kong tugon sabay tayo upang harapin siya.

"Yes, indeed," she beamed her perfect set of pearls. And then she tilted her head towards the open windows, staring into the skies. "It is a beautiful afternoon." Masayang dagdag ng prinsesa, kapansin-pansin ang kinang sa mga mata niya.

Someones' in a good mood. Hmmm.

"Mukhang masaya ka prinsesa," saad ko.

Hinarap niya ako. Mas lumawak pa ang malawak na niyang ngiti. "Happy? No. I am ecstatic," she empasized. "Finally, I decided to get involve! Someone's got to, considering men around here don't do anything useful." Makahulugan niyang dagdag, "Someone has to move before our throats our slit while we sleep."

Tumaas ang kilay ko. That was...ominous. Anong ibig niyang sabihin?

Bubuksan ko sana ang bibig ko upang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng mga kataganing iyon, gayunpaman ay nagpatuloy ang prinsesa sa pagsasalita na kinatuwa ko. I was curious what had gotten the princess to be so lively.

"I have an important task to do," simula niya. "I'm trying to look into the recent attacks. My brother and my father says their looking into it, but I hardly believe they will. Their too focus with the big picture, striking at the heart of the fire. Siguradong ang magiging pakay nila ay si Fra Pavel. They will try to break him, get things out of him. Men are too impatient to focus on the small things. But I know there is more to this." The princess said knowingly.

Batid kong nalukot ang mukha ko sa sinabi ng prinsesa. That was a lot.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin? Hindi ko alam kung ano ang ipinapakay niya.

The princess must have realized the confusion on my face.

Tumawa siya. "The word must have spread already, someones is helping the rebels from the inside. Kung sino man ang nagpakawala sa mga bilanggo ay tiyak na nandirito sa palasyo. May traydor sa mga pader na ito, at ako ang hahanap sa kanila." Naningkit ang mga mata ng prinsesa, isang indikasyon na seryoso ito sa mga sinabi.

Kumalabog ang puso ko.

Ang nagpatakas sa bilanggo.Ang batang alila na pinakawalan ng isang traydor.

I know who she was referring to. Kilala ko ang hinahanap ni prinsesa Yvana, at tama siya, nandirito sa loob ng palasyo ang taong hinahanap niya. Pero ang hindi sigurado ay ang pakay niya. Kaaway nga ba? Hindi ko alam kung ano ang papel ni Arianne sa nangyayari, kung alam ba at kasabwat ba niya si Cheena. Were they working with the rebels? Were they rebel themselves? Naniniwala bva sila na hindi si Gestalt ang tunay na tagapagmana at buhay ang prinsipe at tagapagmana ng mga Everards?

Hindi ko alam. In fact, I don't know anything.

"Ayos ka lang ba, Lady Adelaine? Parang namutla ka?"

I blinked.

Sinapo ng prinsesa ang noo ko. "Are you sick?"

"Ah..." I stuttered. Nanuyo ang lalamunan ko.

Umiling ako. Compose yourself.

"A-ayos lang ako, prinsesa. Nakalimutan ko lang kumain ng pananghalian. Kaninang umaga pa ang huli kong kain at isang tinapay lang ang laman ng tiyan ko," palusot ko nang diretsong nakatingin sa mga mata niya. I couldn't give her a reason to suspect.

"Skipping meals? Hindi mo ba gusto ang mga handa ng mga kusinero? Kung gusto mo, maari mo silang kausapin para mahanda nila ang mga pagkain na nais mo," she said concerned.

I forced a giggle. "Hindi naman, prinsesa. Naghahanda lang ako para sa pagtitipon mamayang gabi."

She rolled her eyes. "I know we need to maitain weight to fit in our gowns, but still, we need to make sure we do't compromise our health."

I just smiled.

Silence.

I need to get out of here.

"Sige prinsesa, mauuna na ako. Titignan ko pa ang damit na inihanda ng mga tagasilbi ko," pagbabago ko sa usapan.

Princess Yvana nodded slowly. "Sure," she said finally. "I'll see you tonight. And please dear, do eat at least a little."

I loose a breath, and then forced anther smile. Tumango ako sa prinsesa at walang paga-aksayang naglakad palayo sa usapang iyon.

Sa bawat hakbang na aking tinahak palayo sa prinsesa, siyang unti-unting paninikip ng dibdib ko.

Things were getting narrow now.

Naalala ko ang payo ng sorserang si Meree, parating na ang huli. I couldn't help but to agree.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon