22.

377 35 46
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

IT WAS BRIGHT and beautiful outside; the sky a dazzling blue, and the wind was daunting yet gentle at the same time. It was a beautiful day. One that is duly suited for me to be able to play the titular role of Lady Adelaine of Aksiro. Apparently, as a Lady and a guest of the Paresian Court, there were duties and responsibilities that I had to attend to.

"Lady Adelaine, tiyak na magiging komportable ka sa pinadalang damit na ito. Mukhang nagustuhan ka ng prinsesa, bihira lamang ang mga ini-imbitahan niya sa kanyang mga pagtitipon. At pinadalahan ka pa niya ng maisusuot!"

Bakas sa mukha ni Cheena ang pagkasabik sa araw na ito. Hindi naman siya ang mismong haharap sa prinsesa, ngunit iba na lang ang sayang hatid sa kanya ng balitang ako ay inanyayahan ng prinsesa Yvana upang samahan siya siya sa kanyang tsaa.

Ang sabi sa akin ni Cheena. Tanging ang mga natitipuhan lamang ng prinsesa ang mga nakatatanggap ng ganitong prebilihiyo. I'd only met the princess once, during the Ascension Ceremony, and we'd only been acquainted rather briefly. I had no idea why the princess would invite me to such a gathering.

Nakaupo ako sa tapat ng bintana, kung saan tanaw ko ang hardin. Ngayon ko lang napagtanto na napakaganda pala ng silid kung saan ako inilaan ni lord Keiv. Maliban sa magandanag tanawin, presko at mabango rin ang hangin na pumapasok sa silid ko.

Nginitian ko si Cheena. Kasalukuyan niyang inaayos ang damit na ibinigay ng prinsesa na may kalakip na liham. Dito nakasaad ang mesahe na mayamaya ay kinakailangan kong tumungo sa hardin sa loob ng palasyo kung saan kami iinom ng tsaa. Oo. Maliban sa hardin sa labas ng palasyo, mayroong ding hardin sa loob ng kastilyo, kung saan namamalagi ang prinsesa at reyna, base sa ulat nila Cheena. Si Arianne ay kasalukuyang wala sa aking silid. Inaasikaso niya ang mga madudumi kong damit, dadalhin niya raw sa labandera ng palasyo.

"Naihanda mo na ba ang tubig, Cheena?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito bilang tugon.

"Salamat." Tumayo ako mula sa upuan at nilapitan siya. Nakalatag sa kama ang kabuuan ng kulay rosas na damit na pinadala ni prinsesa Yvana. "Sige, maari ka nang sumunod kay Arianne. Ako na ang bahala sa sarili ko."

Hindi ko siya tinignan. Ngunit batid kong hindi ito sang-ayon sa aking suhestiyon.

"Sigurado ho ba kayo, Lady? Hindi niyo ba kakai---"

Umiling ako. "Huwag kang mag-alala Cheena. Kaya ko nang asikasuhin ang sarili ko. Lumabas ka na muna." Ma-otoridad kong utos.

Sa aking huling sinabi, hindi na umangal pa ang batang tagasilbi. Yumuko ito at nilisan ang silid. Napabuntong hininga ako. That was harsh. And it made me feel bad. Sa pananatili ko dito, naging mabait at matulungin sa akin ang dalawa.

I will make it up with them later. Pangako ko sa hangin. For now, I needed to be alone.

Sinigurado kong nakasara nang maigi ang aking pinto. Iniharang ko pa ang dalawang upuan sa tapat ng pinto para makasiguradong walang makabubukas nito.

Nang kampanate na ako, sinimulan ko nang tanggalin ang aking pantulog. Hinalikan ng umiihip na hangin ang aking hubad na balikat, nilaro ang aking dibdib, at niyakap ang aking mga binti.

Napasinghap ako nang makita ang itsura ko sa salamin. Hindi ko akalain na ganito pala kalala ang sitwasyon ng aking katawan. Halos magkulay ube ang kalahati ng katawan ko. Mula sa gilid ng dibdib, at ang kabuuan ng aking tiyan. Hindi parin nawala ang mga pasa. Bahagya paring kumikirot ang aking katawan.

This time, my body was not able to heal itself immediately. My energy had been drained. Nang pagalingin ko ang tatlo, si Taro, Ruarie at ang nauna kong nakalaban, si Resca, nanghina na ang katawan ko. Idagdag pa na napakadami din kasi ng naubos kong lakas sa pagpapagaling sa mga nauna ko pang mga natamong sugat, mga galos sa mukha at binti, maging ang biyak kong ilong. Mabuti na nga lang at naunang napagaling ng katawan ko ang mga lugar na makikita ng tao. Maayos na ang aking mukha, maging ang aking mga braso at hita. Tanging ang mga natamong mga pasa na lang sa aking dibdib mula sa pagkakasipa ng lalaki ang hindi pa gaanong gumagaling. Hinayaan ko na lang. If I pushed myself far too much, instead of healing my body, it might just cause more damage. Gagaling din ito oras na mabawi ko nang buo ang aking lakas.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon