44.

207 24 17
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

FIRE, beautiful and cruel, burned bright against the night. Matamlay na  bumalik ako sa kubo, kung saan naghihintay ang tatlo: si Resca, Ruarie, at Taron. Sa kanilang likuran, gutom na gutom na kinkaain na ng malaking apoy ang kubo. 

Hindi ko alam kung paano ko nagawang mahanap ang daan ko palabas ng gubat. Ang alam ko lang, kusang tumakbo ang mga paa ko na para bang may sarili silang mga buhay.

Paano ka ba ipapaliwang? Iba ang takot na naramdaman ko noong mga panahon na 'yon. Nang magtama ang aming mga mata, para ba akong napako sa lupa. Hindi makagalaw. Hindi makahinga. Hindi makasigaw. May kung anong hindi maipaliwanag na hilakbot ang gumapang sa aking katawan. Parang mga tanikala na ginapos ako at wala akong magawa upang iligtas at pakawalan ang sarili ko. 

I thought I was gonna die. 

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nito sinugod, kung bakit hindi ako nito nilapa katulad ng paglapa nito sa babaeng Novice. Ang nagliliwanag na berdeng mata nito ay tinitigan lang ako, habang ang mga aninong nakapalibot sa kanya ay parang kapang nililipad-lipad sa dumaang hangin. Naninigas ang katawang pinanood ko ito, naghihintay sa susunod niyang gagawin. Ngunit hindi tulad nang aking inaasahan, umurong lang ito. Nang nilamon ang nilalang na ito ng kadiliman, napabuga ako nang hangin. Doon ko lang napagtanto kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko. Kung papaano nanginginig ang katawan ko. Kung papaanong sa nakita kong ito ay nagawang kusang tumulo ng mga luha sa mga mata ko nang hindi ko napapansin.

I was terrified. Scared to the bone like I had never been before. 

"Ayos ka lang?" Dinig kong tanong sa'kin. "Saan ka galing?!"

Napalunok ako. Ramdam ko ang panlalambot ng mga kalamnan ko. 

Ano ang bagay na 'yon?

"Adelaine---"

Ang nagliliwanag nitong mga berdeng mata, parang multo na nananatili sa likuran ng aking isipan. 

"Adelaine---"

Bakit---

A slap to the face pulled me away from the sudden reverie. Malakas ang naging pagtama ng palad sa mukha ko. Ang sakit na dinulot ng sampal na 'yon ay tila ginising ang diwa ko. I blinked. Something red filled my vision. Mainit ang paligid na para bang nasusunog ako. Mas ibinukas ko ang mga mata ko. Blur. Muli kong isinara. Umiikot ang ulo ko. May isang matinis na tunog ang umaalingangaw sa magkabila kong tenga.

Nang muli kong ibukas ang mga mata ko, tatlong pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. 

"Ruarie," paos kong tawag sa pangalan niya. Napaluhod ako sa lupa, tila nawalan ng lakas. Ang mga tuhod na kanina pa nagbabadyang bumigay ay wala nang nagawa kundi ang tumumba. Nararamdaman ko ang malamig at mabatong lupa sa aking mga palad. 

Lumuhod ang tatlo. Hinawakan ni Taron ang mga mukha ko gamit ang magagaspang niyang mga palad. Nagtama ang mga mata namin. "Anong nangyari sa'yo?" taka at naga-alala niyang tanong. 

Umiling ako at napalunok. May mga karayum sa aking lalamunan. Tuyong-tuyo na para bang ilang taon akong hindi nakainom ng tubig. 

"Nakuha mo?" tanong naman ni Resca sa kaliwa ko. 

"A-ang alin?" nawawala sa sarili kong tanong.

"Ang scroll," tugon ni Resca.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Oo, ang scroll. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang karumal-dumal na sinapit ng bangkay ng isa sa mga Novice. Malinaw, na para bang nandoroon ulit ako. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon