70.

161 8 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit napakalakas ng tibok ng puso ko na tila ba kinakabahan ako. Nakabalik na ako sa aking silid, at ngayon ay nakatulala sa hangin.

What in the Goddess's name happened in that room?

Muling nanindig ang balahibo ko sa pagkakaalala sa naging batuhan ng salita ng hari at ni lord Areling. I knew Lord Areling's influence in the court was immense, I just didn't expect him to be thi spowerful. Maging ang hari mismo ay hindi niya kinatatakutang banggain. At ang huling mga kataga ng hari, ang regalo umano niya sa kapitan mamayang gabi?

Ang aking pag-guguniguni ay naudlot ng isang katok ang aking narinig. Napalingon ako sa nakasarang pinto. Kung si Arianne at Cheena ito, marahil ay pumasok na ang mga ito.

An idea already popped in my mind, but I dared not make myself hope. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Binuksan ko ito.

"Akala ko ay sa susunod na taon mo pa bubuksan ang pinto." Malawak ang ngiti ng lalaki. Ang kanyang buhok ay maayos, hindi tulad nang kanyang hitsura kaninang umaga. Mukhang nakaligo at nakaayos ng ang kapitan.

"Hindi ko inasahan na makakabalik ka pa," biro ko pabalik.

He smirked. "Hindi ko rin inaasahan na buhay ka pa."

I rolled my eyes at Keiv's poor attempt at a humor.

And then silence. Natahimik kaming dalawa at napatingin na lang sa isa't-isa. His green eyes looked deep, and there were dark bags under his eyes. Pansin ko din ang ilang mga maliliit na mga marka at peklat sa kanyang pisngi at panga.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "I'm glad you're alive," iyon na lang ang napili kong sabihin.

Keiv's eyes lit up. "Same." And then he beamed at me. I just found myself beaming back. "Maganda ang panahon. Gusto mong maglakad?" tanong niya.

I nodded. And then we were out the palace, into the palace garden, cold breeze kissing my skin.

"You've been gone too long," saad ko. Nagsisimula ng magsibunga ang ilang mga bulaklak sa hardin. Ang dating berde ay bahagya nang natutuldukan ng ibang kulay. Puti ng sampaguita. Pula ng rosas.

"Yes, feels like a lifetime too," saad niya na para bang pagod.

He had been captured by the rebels. Fought and killed. Of course he would feel the weight of that. Hindi ko lang maaring sabihin na alam ko ang pinagdadaanan niya, na alam kong naglalaro ng paulit-ulit ang mga kaganapan sa utak niya.

But I couldn't tell him that. Of course he wouldn't know I eavesdropped on their conversation.

At alam kong hindi rin magandang tanungin siya.

"Something bad happened I reckoned," tugon ko ng hindi nakatingin niya.

"Yeah, something like that." Tumingin ako kay Keiv. At doon napansin ko na tila ba naglalakbay ang utak niya. "And something weird, too."

Sa huli niyang mga salita, tila ba otomatikong alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Ang bagay na tinawag ni Samuel na hangin. Ang bagay na nagligtas sa kanila. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat isipin sa bagay na iyon. Its kind of hard to wrap my head around it.

"Ang mahalaga nakabalik ka," pagbabago ko sa usapan. Batid kong hindi ito ang dapat na pagusapan ngayon, at tila ba hindi komportable ang batang kapitan na ungkatin ang nangyari sa kanyang misyon.

Tumango sa akin si Keiv sabay iling. "At ikaw din, mukhang matibay pa rin. Musta ang Blood Trials?"

Natawa ako. "Malapit ko nang mapanalo," mayabang kong saad. Tama naman, isang hakbang na lang at matutupad ko na ang napagkasunduan namin ni lord Areling. Kailangan ko na lang gawin ay patayin ang isang Order of the Blood.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon