30.

300 28 19
                                    

CHAPTER THIRTY

YET AGAIN, I found myself strolling through the muddy-streets of the Black Market. My footsteps heavy, and my breath a little ragged.

Tinakbo ko ang distansya mula sa silangang bahagi ng Paresia patungo rito. Medyo malayo-layo rin ang agwat sa pagitan ng dalawang lugar. Kailangan kong masiguradong hindi ako nagsa-sayang ng oras. Kailangang handa na ang lahat bago tuluyang mag-dilim.

Kasalukuyan akong nagi-isa. Pansamantala kaming naghiwalay na apat. Mamaya kami magkikita bago lumubog ang araw upang isagawa ang aming plano. Oo. Nakagawa na kami ng isang matinong plano. At kung sakaling dumaloy ito sa paraang ninanais namin, magiging maganda at malinis ang misyong ito.

Umaasa na lang ako na si-swertihin kami. Lalo na ako. Sa akin nakasalalay ang katuparan ng misyong ito. Kung hindi ako magtagumpay, hindi namin makukuha kay Kimora ang impormasyong kailangan namin.

Masyado na kaming nahuhuli. Hindi na kami maaring magsimula muli at humanap ng ibang paraan upang hanapin ang ulo ng organisasyon ng mga Ulupong.

Bagama't marami ang posibilidad na maaring magkamali ako, kailangan ko na lang siguraduhin na gagana ang talas ng utak ko at magagawa kong patayin nang malinis si Romolus, sa isang paraan na hindi kukuha ng atensyon ng sinuman.

Pansamantala kong iwinaksi ang pagi-isip sa bagay na iyon. Ibinaling ko ang buo kong atensyon sa aking dinadaanan, sa dahilan kung bakit ako nandirito ngayon.

Lumiko ako pakanan sa isang masikip na eskinita. Halos tama lang ang laki ng katawan ko rito. Lumabas ako sa kabilang parte kung saan mayroong anim na magkakatapat na mga tindahan.

Inalala ko ang impormasyon na ibingay sa akin ng aking napagtanungan. Ang ikahuling estlisyemento sa kanan, doon ko mabibili ang mga kailangan ko.

A gentle breeze came. I crinkled my nose as the pungent smell of herbs reached my nose. With a shrug, I decided to walk towards the shop. Beside it stood a shop that sells indigenous pets. In the doorstep, I came upon a rattle snake held captive in a small cage. It hissed as I passed along it.

Of course. Ano pa ba ang aasahan ko sa lugar na ito. Mga delikado at mababangis na mga bagay ang mabibili sa lugar na ito kaya't ganoon na lang at nakapuwesto ito sa isa sa mga pinakaliblib na lugar dito sa Black market.

Pinanlisikan ko lang ng mata ang ahas. Umiling at sinimulang buksan ang pintuan ng tindahan. Bago ako tuluyang makapasok, agad na nahagip ng mga mata ko ang isang pamliyar na mukha.

Tumaas ang kilay ko. Teka, tama ba? O marahil ay namalik-mata lang ako.

Tinigil ko ang pagbukas ng pinto, nag-iwan ng maliit na uwang at muling sumilip.

Doon, nakita ko ang mukha ni Prinsesa Yvana. Hindi ako nagkakamali. Si Prinsesa Yvana ang babaeng ito. Tulad ko, payak ang kasuotang pinili nito. Nakatali ang itim na kulot na buhok, walang mga palamuti sa katawan. Simple puting blusa---na nangingitim na sa rumi--at katad na pantalon na pinaresan ng mataas ngunit gutay-gutay na botas. Mayroong itong hawak na itim na kabalyas. Mayroong itong inabot na bagay sa tindero. Matapos noon, panandaliang umalis ang tindero. Pagbalik niya, may iniabot ito sa prinsesa. Hindi ko matukoy kung ano sapagkat medyo malayo ang kinaroroonan nila. Kinuha ito ng prinsesa at maingat na ipinasok sa loob ng kanyang bag.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon