42.

255 30 23
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

NANG MAGISING AKO, ang mukha ni Taron at Ruarie ang unang bumungad sa akin.

Kaagad akong napabalikwas nang bangon nang mapansin na halos ilang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila sa mukha ko. Goddess! What were they trying to do!

Bayolenteng iwinagayway ko ang mga kamay ko sa mga mukha nila para itaboy sila. Kaagad na lumayo ang dalawa sa akin.

"Whoa, easy," sabi ni Ruarie nang nakangiti, nakataas ang mga kamay as though he was trying to surrender. Somehow,I think he was finding this very amusing. 

I glared at him. Easy? "Anong ginagawa niyo?" kalmado pero may diin kong tanong.

Tumawa si Resca. "We were just trying to make sure you're still alive," sagot niya na medyo naglalaro ang boses.

Alive? Why? Am I supposed to die?

Tumaas ang mga kilay ko, bahagyang nalilito. Inayos ko ang upo ko sa kama. The sudden movement sent bolts of pain to flash through my body. I whimpered with the pain.

"You shouldn't move yet," saad ng isang lalaki. Si Taron, siya ang mayroong pinakamalalim na boses sa tatlong lalaki.

 Napakagat labi lang ako. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan si Taron.

Ang tanging ilaw namin sa maliit na silid na ito ay isang lampara na nakapatong sa isang maliit na lamesa sa tabi ko. Nakasara ang mga bintana, nakatakip ang mga kurtina.Nahanap ko si Taron sa dulong sulok ng kwarto, Nakukulayan ang mukha niya nang mapusyaw na kahel na nanggagaling sa nagliliyab na lampara.

Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatuon ang atensyon niya sa basong hawak niya. Pinanood ko siyang inumin ito. Base sa pagkalukot ng mukha niya, malamang ay alak ito.

Nanuyo nang kaunti ang lalamunan ko. Ah, wine

"Medyo gumaling na ang sugat mo, pero kita pa rin ang tahi," paala ni Ruarie sa akin, sabay upo sa dulo ng kama ko.

Mas lalo akong nalito? Sugat?

Dahan-dahan kong sinilip ang pinagmulan ng kirot kanina. Tinaas ko ang ibabang bahagi ng damit ko. At doon, nakita ko ang sugat sa may tagiliran ko. Medyo magaling na ito,pero nandoon parin ang mga tahi na nilagay kanina ni Taron.

Natigilan ako.

Taron.

Biglang bumalik ang mga ala-ala nang mga kaganapan kanina.

The streets. The smoke. The novices. Me getting stabbed and furiously bleeding to death.

Oo nga pala.

Pinagmasdan ko ang sugat ko. It didn't look as bad as it did earlier. Lumalabas parin nang kaunti ang mga tahi sa balat ko. Pero naghihilom na ito. Mukhang nabawi na ng katawan ko ang lakas ko at nagsisimula nang gumana muli  ang abilidad ko.

I am relieved. But still a bit pissed. Kanina ay kailangan na kailangan ko siya, hindi ako nito nagawang tulungan. Para saan pa ang abilidad kong pagalingin ang sarili kung sa puntong pinaka-kailangan ko ito ay hindi ako nito kayang pagbigyan?

I scoffed. But then again, my body was exhausted. I'd been tirelessly working these past few days with barely any sleep. Syempre, bibigay rin ang katawan ko.

Kung wala talaga si Taron, ewan ko na lang...

Nag-init ang mukha ko. Oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon