65.

134 8 0
                                    


Pasikat na  ang araw. Hindi ako nakatulog. Mga anim na oras na akong paikot-ikot sa aking kama, ang utak ko ay tila isang bagyo. Magulo. Mahangin. At wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa mga katanungan sa aking isipan. 

Hindi ito ang buhay na inasahan ko nang tanggapin ko ang alok ni Lord Simeon Areling. I only agreed to fight for my survival. And yet... and yet... 

I am caught in this web, and its getting bigger and bigger. And as it did, deeper and deeper I am getting involved in a game I did not wish to play. 

The bells were ringing signalling the impending death. Bumukas ang mga mata ko. Isang malalim na buntong hininga. Wala sa sariling napatayo ako. Hindi na ako nagpalit kagabi. Inayos ko lang ang mga kusot sa aking asul na damit. Malamig ang umaga. I grabbed a thicker coat, the fur hood covering my face and providing me warmth. 

Nang makalabas ako, may ilan na ring mga maharlika ang nakita kong patungo sa sentro ng syudad kung saan magaganap ang eksekusyon. I decided to walk. Dahil mukhang hindi lang naman ako ang taong interesado sa magaganap, madali lang akong nakalahok sa mga grupo ng mga tao na patungo sa sentro. 

The morning was still dark, but the otherwise lazy city had woken up really early today. Kumalat na syudad ang balita, at halos karamihan ay nagsibangunan upang makita ang magaganap na pagbibitay. 

The morning smelled of grass and sea-salt, yet the stench of coming death hung heavily in the air. May mga ulap na namumuo sa bawat pagbuga ko ng hangin. I let the morning breeze burn my face. 

When first light broke, I reached the center o the city. Halos hindi mahulugang karayum sa dami ng mga usisero. A podium had been raised in the middle of the city circle, now surrounded by crown guards in their armors. Napapaligiran ang sentro ng mga usok na nagmumula sa ga pabrika na nagsisimula nang magsigising. Amyroong mga nakasilip na mga mukha sa bawat nakabukas na bintana, may muta at namamaga pa ang mga mata. Nagsibangunan upang masilayan ang pagbibitay.

I swallowed the lump that formed in my throat.

And then the hummers struck the bronzed gong, the sound vibrating in the air, humming a tone of death. Magsisimula na. 

A man climed the podium, dress in pristine white. Pamilyar ang mukha, nakita ko ito sa palasyo. A council. Hindi ko alam ang pangalan. Si Lord Areling lang ang kilala ko sa labindalawang konsehal ng hari. 

Itinaas niya ang mga kamay niya. "Magandang umaga," he roared. Natahimik ang mga tao. Malalasahan mo sa hangin ang antisipasyon ng mga tao para sa dugo. Sa mga bulung-bulungan ay puros pagsang-ayon sa hari ang naririnig ko. Galit pa rin ang mga tao. Sa naging pag-atake noong huli, ang mga rebelde ang piagbintangan ni Lord Areling. Hanggang ngayon ay kita pa rin ang kahusayan sa naging desisyon niya, maayos ang galit na naipunla niya sa mga mamamayan ng Paresia.

"Sa ngayon ay marahil narinig niyo na ang balita," simula ng konsehal. "Muli na namang umatake ang mga rebelde, at sa pagkakataong ito, pinatunayan lang nila na tunay nga silang kaaway ng korona. Siyamnapu at pito s mga kawal ng korona ang nasawi sa naging pag-atake ng mga rebelde sa isa sa mga kampo natin noong nakaraang gabi. Ang mga alila ay nagsitakasan, at ilan lang ang natira. Sila na mga umamin na kaanib ng mga rebelde."

We are the songbirds, the Lireans admitted their involvement in the rebels. 

"They call themselves Songbirds, and they sing of chaos. Balak nilang sirain ang pundasyon ng ating imperyo, ang imperyong tinguriang pinakamalaki at pinakamalakas sa buong mundo. Ngayon, ipapataw natin ang mga parusa sa mga traydor na kumitil sa buhay ng ating mga mahal sa buhay, mga sundalong nagsakripisyo para sa Paresia, para sa korona, at para sa mga Briar."

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon