69.

116 7 0
                                    


The darkness stretched before me, a perpetual path into the unknown. Bahagya akong napahikab sa amoy ng lumot at alikabok. Itinaas ko ang kamay ko, ang sakop ng nagliliyab na sulo sa aking kamay ay mas lumawak.

Humakbang ako. Lumikha ito ng ingay na umalingawngaw sa mga lagusan. 

At the sound of it, I realized how stupid this plan was. Ano bang pumasok sa isipan mo Madelaine at kailangan mo pa itong gawin? It's a stupid plan. 

And yet, and yet...

Nagpatuloy ako sa paghakbang. Kanan. Kaliwa. Hindi ko inalintana ang kabang namumuo sa aking dibdib. Batid kong walang tao sa lugar na ito. Mukhang bilang lamang ang mga nakakaalam na mayroong mga lagusan sa palasyo. 

Or at least, aware of its location. Secret passageways weren't uncommon, most castles have them in times of siege and escape. Marahil, kaya alam ito ng prinsipe. 

For some reason, my feet seem to know where its going. Isang beses lang ako napadapd rito, gayunpaman ay alam ng katawan ko kung saan ako dapat tumungo. My memory feeding me well.

Hanggang sa napagtanto ko ang isang pader kung saan ako pabalabag na isinandal ng prinsipe Gestalt nang una ko itong makita. Hindi ako nagkakamali, ang markang itim na hugis ibon ay naaalala kong nakita ko nang ibinukas ko ang mga mata ko noong panahong iyon. Ang ibong pinagmasdan ko upang hindi ko kailangang harapin ang matatalim na tingin ng bastardong prinsipe. 

I am in the right path. 

A smile formed in my lips. With that, my confidence that I would find my way to the gallery room was heightened. Hanggang sa nakita ko na nga ang palatandaan ng isang maliit na pinto sa isang dulo ng lagusan. This time, there were no levers that were needed to be pulled. Intead, I simply pushed the outline of the door. Bumukas kaagad ito. Nakaharang ang isang painting sa pinto, kailangan ko pa itong i-angat. Carefully, I pushed the painting upwards and peered through a small space. The room was dark. Empty. Good. 

And then I was inside the room. Marahan kong kinuha ang isang bangko at iniharang sa pinto upang makasiguradong walang makakapasok. Nang sigurado na ako, tinungo ko ang isang sulok ng silid at idinantay ang tenga sa pader. 

And just as I expected, I was hearing voices.

"Hindi ko alam, kamahalan. Gayunpaman ay iba ang misyong ito..." saad ng isang boses. The raspiness of the said voice made me realize who it was. Keiv. 

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Anong ibig mong sabihin, Keiv?" si Gestalt. 

"Tila ba inaasahan ng mga rebelde ang aming pagdating. Nakaabang. Handa," litong sagot ni Keiv.

"Imposible!" Hikahos ni Gestalt. "Walang nakakaalam sa ating mga plano. Hindi ba't ang dahilan kung bakit natin sila sinalisi ay upang hindi nila alam na paparating tayo.

"Iyon din ang alam ko. Inaasahan ng mga rebelde na sa Etalin ang aming patutunguhan sapagka't iyon ang impormasyon na binigay natin sa iilang mga pinagkakatiwalaan sa korona. Walang masyadong tao ang nakakaalam na sa Sesamin ang tunay naming pakay upang sugurin ang isa sa kanilang mga lihim na kampo sa kontinente."

Lumaki ang mata ko sa narinig. One hundred men? Kung gayon, hindi maliit na misyon ang pinutahan ng kapitan. Ang then they created a diversion to fool the rebels, but if backfired. 

"Anong nangyari?" tanong ng panibagong boses. Mas malalim, mas maotoridad. "Anong naganap sa Sesamin."

"Tulad nang plano, isandaang kawal ang naghintay sa amin sa syudad. Sa ikatlong araw namin, natagpuan namin ang kampo nila sa kagubatan. Pero handa sila. Higit ang numero ng kanilang hukbo, mayroon silang mga kasama. Hindi lang mga mage, mayroong silang mga sorsera, maging mga Caldarii."

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon