25.

336 35 25
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

HIGIT SA WALONG oras ang naging tulog ko. Hindi pa rin ganoon nakakabawi ang katawan ko. Gayunpman, kaya ko ng tumayo at gawin ang responsibilidad ko bilang novice. Bilugan ang buwan sa itaas. At may iilang ring nagkalat na mga bituwin.

It was freezing. Humalikpkip ako at niyakap ang sarili na para bang makatutulong ito upang uminit ang pakiramdam ko. 

Kasalukyan akong nasa daan patungo sa bahay painuman. Doon namin napag-desisyunang magpulong para sa plano namin para sa unang scroll. 

I knew they were having a hard time cracking the first scroll. Kung alam nila ang gagawin, hindi na nila ito kailangang ipakita sa akin. 

Impara. Iyon ang pangalan ng bahay-inuman. Nasa pinakadulo ito ng syudad, malapit sa maduming ilog ng Kundara. Sa bandang parteng ito ng syudad, makikita ang mga mahihirap na mamamayan ng Paresia. Even the great city of Paresia was vulnerable to poverty. 

Hindi katulad sa sentro na maayos at maganda ang halos bawat establisyemento, ang mga gusali rito ay gawa sa mga payak na mga bato, mga kahoy. Maging ang kalsada ay hindi ganoon kaganda. Katunayan, putikan ang bahaging ito. Pasalamat na lang at hindi maulan. Kung hindi, marahil ay nadumihan na ang bago kong botas. Which would be a shame. This was the best I had ever had.

Dumiresto ako sa black market upang mas mabilis kong marating ang inuman. Bagama't madilim na, mayroon paring iilang mga transaksyong nagaganap.

Hindi ko pinansin ang mga tinging ibinigay sa akin ng mga nadaanan kong mga tao. Makalipas ang sampung minuto, narating ko rin ang painuman.

Sa pagkapasok ko sa tarangkahan, agad kong inilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Kumunot ang noo ko.

Where are the bastards?

Hindi tulad nang huli akong naparito, ngayon ay halos mapuno ang bahay inuman. Napakaingay ng mga kalalakihan. Mas maalingasaw ang amoy ng suka at ng alak ngayon. Hindi lang iyon, may ilan rin akong nakitang mga bayarang babae. Mapusok ang mga suot ng mga ito. Halos lumuwa na ang kanilang mga dibdib. Halos takpan na ang kabuuan ng mukha nila ng mga pinta, sa puntong hindi mo na makikilala ang mukha sa likod nito. Nakapatong pa nga ang isa sa binti ng isa sa mga umiinom habang dinidilaan ang tenga nito.

When I walked passed them, the woman reached out, maliciously squeezing my thigh. I groaned. Seriously? Tinapunan ko ito ng tinging nagsasabing hindi ako interesado. And then I gently pushed her hand away. Natatawa lang ako nitong tinaasan ng kilay. 

Pumasok ako paloob ng inuman. A few of them threw me a passing glance. I ignored them. Patuloy kong hinanap ang grupo ni Taron. Ngunit narating ko na ang dulo, hindi ko parin sila nakikita. Bakit wala pa sila? Kinahaban ako. Baka hindi ako sisiputin ng mga 'yon!

Goddess! Mukhang pinaglaruan ako ng mga iyon. I have been betrayed. Those sick bastards!

I gritted my teeth so hard I swear they almost carcked. Shaking my head, I made my way out of the cursed place. I decided to leave. Cursing them in my head. Killing them in the worst ways in my mind Sa susunod na makikita ko ang mga ito, sinasabi ko, hindi na sila masisikatan ng araw!

Ilang dipa ang layo ko mula sa tarangkahan ng kalabitin ako ng isa sa mga tagasilbi ng lugar.

Nilingon ko ito at tinanguan. "Anong kailangan mo?" taka kong tanong.

Umiling ito at ibinukas ang bibig upang ipaalam sa akin na hindi ito nakapagsasalita. The boy, around sixteen, had his tongue cut off. Despite my shock, I tried my best to not look surprised. Kapag ipinakita ko sa batang ito na naaawa ako sa kanya, mas lalo itong malulungkot sa sitwasyon niya. I knew how that felt. Minsan na akong nasa sitwasyon niya. Sometimes, pity does more harm. Sometimes, even kindness is cruel.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon