12.

544 45 59
                                    

CHAPTER TWELVE


Hindi ko na nahanap pa si Lord Keiv. Hindi na rin ako nag-abala pa. Humanap ako ng kalesa  at nakiusap na ihatid ako sa may palasyo. Dahil mukha naman akong isang maharlika, hindi nila ako tinanggihan. Ilang minuto lang, nasa may palasyo na ako.


Sa tapat ng bulwagan, natanaw ko na agad si lord Keiv. Kumaway ako.


Nang makita niya ako, he looked relieved. But only for a second. His relief turned into anguish the moment I stepped out of the carriage.


Reluctantly, I approached him. "Lord Keiv. Paumanhin, umalis ako saglit. Pagbalik ko hindi na kita nahanap," paghingi ko ng depensa. I bit the inside of my lip while waiting for him to answer.


"Bakit nawala ka bigla?" He demanded, his tone a little sharp.


I ignored that. Calmly as possible, I explained,  "Naglakad-lakad lang ako saglit. Pagbalik ko, wala ka na."


"That isn't the point. I don't care what you did! Bakit ka ba kasi umalis?" Mas lalo pang tumaas ang boses niya.


Nang umalis ako nang walang paalam, alam kong magagalit siya. Pero hindi ko inaasahan na i-interogahin niya ako ng ganito. Halos sigawan na ko nito. Saglitan lang naman kasi dapat ang pag-alis ko. Pagbalik ko, wala na siya. 


"Lumabas lang ako saglit para magpa-hangin. Hindi ako nakapag paalam dahil..." I cleared my throat. "...busy ka sa pagbabayad ng mga nabiling damit. Pagbalik ko wala ka na!" Tumaas din ng bahagya ang tono ko. 


"Obviously, wala na ako dahil hinanap kita!" sumbat niya. 


Halatang galit na siya. Medyo nainis din ako. Teka ha! Kung tutuusin, kaya ako umalis ay dahil hindi ako komportable na sa kabilang banda ng shop ay nagha-halikan sila. Hindi ako nakapagpaalam dahil busy siya sa kanyang pagpapaka-lalaki! Gusto ko 'yang isumbat, pero pinili kong sarilihin na lang. That would just make him angrier. I don't want to prolong this argument.


"Wala akong pakielam kung bakit umalis ka. The point is , you left. Without my permission." He pointed out. Veins were protruding on the either sides of his forehead. 


Natigilan ako. Permission?


"Bakit, kailangan ko bang magpaalam? I wasn't informed na kailangan ko pa palang humingi ng permiso sa'yo!" Hindi ko napigilang hindi sumagot pabalik. Hindi ko gusto 'yung sinabi niya. I am not a dog to be ordered around! And just because his father and I had deal doesn't mean they own me.


He sighed. "Don't forget the reason why you are here!" he softy said,I barely heard him. 


Natigilan ako. Tinamaan ako do'n.


Humupa nang kaunti ang pagka-inis ko.Of course. Tama naman siya. Bakit nga ba ako nandito? Hindi man ako nakakulong sa mga bakal, hindi ibig sabihin na hindi na ako preso. I am here to do his fathers bidding.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon