57.

199 13 0
                                    

CHAPTER FIFTY-SEVEN

We all have shadows. And they are dark. And they are cruel. And they are inevitable. Ghosts we could not escape from. Minsan, akala natin ay natakasan na natin sila. Pero ang totoo, hindi natin sila kayang takbuhan. Hindi natin sila maaring talikuran, at hindi natin kayang tumakas mula sa mahigpit na pagkakakapit nila sa atin.

I though I had got rid of him.

I have not.

Napagtanto kong ang ala-ala ng lalaking mayroong itim na buhok ay hindi pa rin tuluyang nilisan ang aking pagkatao. Sa napakatagal na panahon, inakala kong nabura na siya sa aking buhay.

Yet still, he haunted me. And from the depths where he once hid and stayed dormant, he had broken free. And now all the memory of him---tangles of black hair that smelled of pines, calloused hands against my skin, greenest eyes the color of the ocean with all its depth and drowning beauty--- had returned to the surface.

Nagising ako kinaumagahan na mayroong bigat sa aking dibdib. At kahit pa man maayos ang naging tulog ko tila ba pagod na pagod ang katawan ko.

Breathing seemed to have become difficult, and my head buzzed and my mind wandered---sa karagatan ng Gazini. Sa mga daungan. Sa kadiliman ng mga lansangan. Ang mga patagong paraiso at mga nakaw na kapayapaan. Sa sayawan ng mga sandata at sa baha ng mga dugo. Sa musika ng iyak at kamatayan. Sa mga kamay na naglalakbay sa aking katawan, sa mga makasalanang labing sumasamba sa aking katauhan.

The memories, like waves crashing into each other, pushed themselves forward.

And I could not stop them.

Pumikit ako panandalian at hinilot ang magkabila kong noo. Ramdam ko pa ang pagpintig nila. May mga bagay tayo na gusto nating kalimutan. Mga nakaraan na pilit nating tinatalikuran at mga halimaw na pilit nating tinatakasan. Pero kahit anong pigil natin, kahit anong iwas, gumagawa ang tadhana ng paraan para ibalik ang mga ito.

Nothing stays dormant forever. Our secrets. Our pasts. They always find a way to get back to the surface.

Napakatagal na panahon ko na rin siyang naiwaglit mula sa aking isipan. Halos makumbinsi ko na ang sarili ko na hindi ko na siya naaalala pa.

But I was wrong.

I closed my eyes for a minute. Ang just like that, the image of Darius came. Unwanted. But strong and unyielding. Just a mere little echo but loud enough to shatter my defenses.

The ragged face. The gentle playful smirk. Hindi ako nagkakamali. Si Darius ang nakita ko kagabi.

O siya nga ba?

Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin. He was there one moment and then gone the next.

Siya nga ba talaga ang nakita ko kagabi sa Impala? Or perhaps, it was just my mind playing tricks with me?

At ang panaginip na iyon? Ano ang ibig sabihin nito? Panaginip, sigurado ka ba? Tanong ng isang bahagi ng aking utak. Kinagat ko ang labi ko. Hindi isang panaginip, isang ala-ala. Ang aking panaginip kagabi ay bahagi ng aking nakaraan na matagal ko nang inilibing sa kailaliman ng aking pagkatao. Isang sinulid na matagal ko nang pinutol at pinakawalan.

Ang huling gabi bago nawala si Darius sa aking buhay. Maddy. That was how he used to call me. And I hated it. It sounded so fragile, so weak

But to him, it was me. It used to be me. Pero hindi na ngayon. Maddy died that day in the woods. That night. Darius died that night in the woods. At kung ano man ang namagitan sa aming dalawa, doon sa tagpong iyon--- sa ilalim ng buwan, sa mga nagmamasid na mga puno, sa bumubulong na hangin--- ay nagtapos rin.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon