26.

366 33 55
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

SI LORD KEIV ang gumising sa akin.

Habang mahimbing akong natutulog, isang marahang pag-uga ang humila sa'kin mula sa banayad na hele ng aking mga panaginip. Nang makita ang nakangiting mukha ni Lord Keiv, sumimangot ako.

"You are being rude." Maasim kong pagbati sa kanya.

"Good morning to you, too." Nakaupo siya sa gilid ng kama. "Bilisan mo, gising na diyan!" Saby yugyog pa nang mas malakas sa akin. 

"Oo na," inis kong saad sabay tapik palayo sa kamay niya. 

Pupungay-pungay na parang pusa akong umupo sa aking kama.Nang tuluyang magising ang aking inaantok pang diwa, pinagmasdan ko ang batang kapitan. He looked good. Naalala ko bigla ang kondisyon niya noong nakaraang araw, halos hindi na ito makagising sa mga natamong sugat mula sa parusa ng hari.

 I nodded at him."Kumusta ka?"

He looked at me with such intent. "Ayos na. Thanks to you."

Nginitian ko siya muli at napagdesisyunang iwanan ko na ang kama. Ngunit bago ako tuluyang makatayo sa aking kama, natigilan ako, sa ilalim ng kumot ay sinilip ko ang suot ko. Nakapantulog lang ako. 

I gave him a knowing look.

 "Alam kong nandito ka dahil gusto mong mag-pasalamat. Nasabi mo ang gusto mong sabihin. Pwede ka nang umalis at nang makapag-ayos na rin ako. Marami akong gagawin ngayong araw." Dire-diretso kong sabi sa kanya.

Today was going to be a handful. I already knew that. Halos ilang araw na rin ang nakalipas nang opisyal na magsimula ang Blood Trails. At heto ako, hindi parin nakakausad sa ikalawang bahagi ng kompetisyon. 

Still, though, I am proud of myself. At least, I got my hands on that scroll. At higit pa roon, nakakuha ako ng mga kakampi. Malaking tulong ang pagkakaroon ng alyansa sa labang ito. And I was able to that. Not bad. I said to myself.

"The Trials?" pagbabago niya sa usapan. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Kakaisip ko pa lang, nagawa na niya agad itanong. Napabuntong hininga ako bago ko siya sinagot. "I am on it...And yes, you can tell your father that I am catching up."

Alam kong kaya niya rin ito natanong ay malamang, interesado na si Lord Areling sa naging progreso ko. Matapos kasing hindi ako makakuha ng scroll, siya ang nagbigay sa akin ng paraan upang makahabol ako. He must be dying to know if his efforts were put in good use.

"Will do. And by the way, hindi ko lang siya tinatanong para kay lord Areling. I am curious about your standing too." He brushed his sunset-streaked hair using his fingers.

"Well, you got what you needed," I said, dismissively. "Now, go along. Maga-ayos na ako. I still have a trial to win." I gestured for him to leave my room. Sumunod naman ito. Mula sa pagkaka-upo sa gilid ng aking kama, tumayo ito at inayos ang tindig.

"Well, masyado pang maaga," puna niya sabay ngiti. "Hindi naman siguro masyadong maaga ang simula nang bagay na gagawin mo. You shall have a breakfast with me first," he proposed while arching his brows palyfully.

Bumuntong hininga ako. He was just being nice. Alam ko kung bakit at para saan ito. This was his way of showing his gratitude for what I did. I could see he wasn't good with words, so he'd rather use his action to show it instead. 

In a way, I felt glad that he was grateful. I am not used to this---accepting gratitude. Halos buong buhay ko ay nagsilbi lang ako. Ngunit kahit kailan ay hindi ako nakatanggap ng kahit anumang pasasalamat. Not in words at least. But in coins.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon