40.

286 28 14
                                    

CHAPTER FORTY

NAGKANDALOKO NA. Hindi ko inaasahan na mayroong ibang mga Novice na dadalo sa araw na ito. Isang malaking pagkakamali. Nakapatanga namin, ano't hindi pumasok sa aming mga kukote na mayroong ibang mga kakompetisyon na gagamitin rin ang araw at oportunidad na ito upang makuha ang ikatlong scroll? 

What fools we were!

Nasa gilid pa rin ako ng kalsada, nakahiga, namimilipit sa natamo kong saksak, nanghihinang nakabalndra sa lahat. For a moment, I wanted to disappear. I wanted the ground to open up and swallow me whole. The thought of being helpless... I didn't like it. Not one bit. 

But wishes were useless even at a desperate time. Walang magagawa ang mga hiling at daing. 

Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ko. Ang ganitong klase ng sugat ay hindi kaagad napapagaling ng aking kakayahan. Mga kalahating oras din ang itatagal nito bago tuluyang tumigil ang sugat. Iyon ay kung siswertihin ako. Hindi sapat ang kasalukuyang taglay na lakas ng aking katawan sa ngayon upang kayanin ang ganoong klaseng bilis. 

Sa aking sitwasyon, bigla pa ring pumasok sa aking isipan ang nagaganap. Hindi gumana ang aming plano. Palpak ang kinalabasan ng aming misyon. Mali---ako---palpak ako. Naisip ko si Taron. Nakita ko ng maayos na nakakuha ito ng karwahe. Kung sakaling makakapos siya sa loob ng imbakan, haharapin niyang mag-isa ang lahat ng mga Novices sa loob ng imbakan. Taron was a good fighter, a survivor. But if he were to face several Novices all by himself, his chances of surviving were slim. I remember how the three of them almost killed me. It took me all of me to fight the three of them off. Hindi pa nga sigurado kung ilang Novices ang makakasagupa niya. Kung sakali, marahil ay mga nasa pito o higit pa, ayon na rin sa aming nakuhang impormasyon kay Kimora. He stood no chance. 

And if he dies, it would be my fault. His blood would be on my hands. What a failure, I whipered to myself. Napakatanga ko at nakatakas pa sa aking kamay ang pagkakataon na muli pang makabalik at makahanap ng karwahe, at higit pa roon, ipinahamak ko ang isa sa mga naging kakampi ko. 

I just felt...numb. No---I made myself feel numb. 

You will not be softened now

Deaths were inevitable, sacrifices were needed to be made. 

The truth was still a bitter pill to swallow. 

Sa aking mamimilipit, pinilit kong imulat ang aking mga mata. Napansin kong unti-unti nang nawawala ang kaninang usok na bumalot sa paligid. Bahagya nang nagiging malinaw ang kapaligiran. Ngayon, napagtanto ko, marahil ay ang mga ibang mga novices ang may pakana ng dibersiyong ito. Ang napag-usapan lang namin nila Ruarie ay tanging pagsabog, wala sa aming plano ang usok na babalot sa paligid. Minura ko ang sarili ko. Napakalaki mong tanga! Doon pa lang, dapat nakita mo na na mayroong mali. 

"Bumalik kayo sa inyong hanay," mula sa distansya, sumigaw ang isang kawal. 

Sa malayo ay nakita kong umaalis na mula sa sumabog na establisyemnto ang mga kawal at babalik na sa kanilang mga puwesto, sa mga binabantayang mga karwahe. Goddess. I can't let the guards see me like this. Napalunok ako. Isang malalim na hininga. Pinilit ko ang sariling tumayo. 

Sa aking pagtalikod, bumangga ang aking ulo sa dibdib ng isang lalaki. Tumingala ako. Nagtama ang mata namin ni Taron. Despite my surprise, upon seeing Taron, I felt as if something heavy was lifted off of my chest. 

"Ayos ka lang?" tanong niya. His voice gave me relief. This wasn't just guilt creating hallucinations, not even brought about by my delirious self due to the loss of blood. This was real.  

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon