50.

176 16 0
                                    

CHAPTER FIFTY

Tuluyan nang sumikat ang araw. Bahagya na ring nawala ang kumpulan ng mga tao. Even the thick mist had gone. But still, the dread and terror remained. I don't think it would ever go away. Things like this, they never really leave you.

Nakaupo ako sa isang bato. The cold sea wind, gently whipping at my face. 

Abala ang mga kawal sa paglilinis sa mga bangkay. Isa-isa nilang binuhat ang mga ito at nilagay sa mga kariton na pinadala mula sa palasyo. 

There were thirty-one of them. The bodies. Thirty-one dead people. 

Lalaki. Babae. Mayroong ring siyam na bata. All the same fate---a violent death. 

Nakatunganga ako. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Ano ang mararamdaman. I was feeling so...torn.

Napapikit ako. And just like, the memories returned. Nanikip bigla ang dibdib ko. Ang imahe ng bangkay ng isa sa Novice na natagpuan ko sa gitna ng gubat noong nakaraan ay bumalik sa aking ala-ala. Ang nakita kong nilalang na mayroong kulay berdeng mga mata. The image seared in my head. I am sure, ang bagay na 'yon ang may gawa noon. At hindi ako magda-dalawang isip na sabihin na sa malamang, iyon rin ang may gawa nito. 

It had come  out from the shadows. 

Sinubukan ko itong kalimutan. Pinilit ko ang sarili na paniwalain na wala lang iyon at namalimata lang ako Pero hindi. Imposible na 'yon ngayon. 

Not even the most savage of animals would be able to do this.

I had proof now.  Patunay na totoo ang bagay na nakita ko sa kakahuyan. Thirty-eight of them. Whatever that creature was, it was real. And it's here. 

That meant nobody was safe now.

"Ayos ka lang?"

Tumingala ako. Si prinsipe Gestalt. Hindi ko matukoy ang espresyon sa kanyang mukha. 

Tumango ako.

Sumilay ang kaunting ngiti sa kanyang labi. Tumabi siya sa akin. Our shoulders were almost touching. I could hear his heavy breathing. 

I tried not to look at him. Instead, I gazed at the bay in the distance. Watched as the waves came and crash into each other. 

Ilang minuto kaming nanatiling tahimik at walang kibo. Parehong nakatingin sa kawalan, lunod sa kanya-kanyang isipan. 

Ako ang bumasag sa katahimikang ito. "Anong gagawin sa kanila?" halos 'di ko na narinig ang boses ko. 

He cleared his throat before answering. "Susunugin sila mamayang gabi sa tapat ng palasyo. A little ceremony will be held. And then the crown will address the subjects to put them at rest."

Tumango ako. That was a smart move. Sa seremonya, magagawa ng korona na makuha ang katapatan ng mga mamamayan. They would get their trusts. At sa parehong pagkakataon, maiiwasan na matakot ang mga ito. I was debating that was a wise move. A killer was on the lose, and making people ignore the danger it posed would not save them once "this" creature decided to kill again.

Pero hindi naman nila alam 'yon. Ako lang. Nobody knew about the thing I saw in the woods that night, and what it did. Ang tatlo, si Ruarie, Resca at Taron, ang alam nila ay isa lang itong mabangis na hayop. 

Tinignan ko si Gestalt. Should I tell him? 

"Halika na," Tumayo na si Gestalt. "Kamustahin natin ang dalawa."

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon