7.

742 57 104
                                    

SA PALASYO AKO mananatili sa buong durasyon ng kompetisyon. Gayunpaman, hindi ako doon idiniretso ng Kapitan, bagkus ay ipapasyal daw muna ako nito sa syudad.

    Bilang kapital ng bansa, halos hindi magkamayaw ang dami ng tao. Ang mismong sentro, kung saan makikita ang halos lahat ng produkto, ay puno ng mga pulubi, mangangalakal at maging mga maharlika. Kaliwa't kanang nagsisigawan ang mga tindero, naga-aya ng mga mamimili. Pinintahan naman ang mga kalsada ng makukulay na mga kasuotan ng mga maharlika at mga dayuhang naglilibot-libot. Mayroong mga telang galing sa Kirin, mga paso at mga vase galing sa Gazini, at maging mga alahas at aburluloy na galing pa sa iba pang mga bansa.

Halos mabusog ang mata ko sa dami ng pinaghalong kultura. Ibang-iba ito sa Gazini. Ang Gazini, tulad nang Kadhaven, ay malapit sa karagatan. Pero hindi tulad sa daungan ng Gazini,maayos at maaliwalas dito. 

Matapos noon, dinala niya ako sa isang kainan. Noong una, nahirapan kaming makahanap ng magandang mapag-pipwestuhan. Pero dahil isang maharlika si Lord Keiv, idagdag pa na pinuno siya ng mga kawal, matapos niyang kausapin ang isa sa mga tagasilbi ng kainan, agad kaming nakakuha ng magandang pwesto sa tabi nang malaking bintana kung saan presko ang hangin at nakikita namin ang kagandahan ng syudad.

"Masarap ang mga pagkain dito," simula ni lord Keiv habang umuupo sa harapan ko."Ang tagaluto nila rito ay galing pasa Kirin. Kaya't mapa-maharlika man, kahit na payak na tao basta kayang magbayad ay nakakakain dito."

Tumango ako. Naamoy ko ang pagkain sa hangin. Napapikit ako. Amoy palang, mabubusog na ako. 

Lumapit sa amin ang isang tagasilbi. "Kapitan." Halata sa boses ng babae ang pagkasabik na makausap si lord Keiv. "Anong kukunin niyo?"

Ngumiti si Keiv, na siya namang ikinapula ng mukha ng babae. "Ah, katulad pa rin ng dati. Medyo damihan ang sabaw. Padala ng dalawa. Para sa akin at kasama ko," masigla niyang dagdag. 

Dumapo sa akin ang tingin ng tindera. Halatang dismayado ito na makitang kasama ko ang kapitan. Pilit na ngiti lang ang bingay ko rito.

Mabagal na tumango ang tindera bago umalis. 

"She wants to kill me," I commented. 

Lord Keiv laughed. "Bakit mo naman nasabi?" tanong niyang. 

Hindi niya ba talaga alam? I rolled my eyes, annoyed. "Tanungin mo kaya sarili mo." pabiro kong sabat.

Namula lang ang mukha niya. I smiled wickedly at him. Boys and their charm.

Nang dumating ang babae, inilapag nito ang mga dalang pagkain sa aming mesa.Hindi ako nito pinansin, samantalang halos maduling na ito sa pagkurap-kurap sa batang Kapitan. Lihim na alng ako natawa sa katangahan niya. At isa pa, napako na ang atensyon ko sa mga pagkain.  Kaagad ko itong nilantakan. At tulad nga ng sabi ni lord Keiv, totoo ngang masarap ang mga pagkain dito. Pinakanagustuhan ko ay ang sabaw na kung tawagin ay Pagim. Ito raw ay karaniwang pagkain sa bansang Onar.  Gawa ito sa karne ng Paga, isang uri ng hayop na maihahalintulad sa kabayo,ngunit sintangkad lamang nang isang kambing. Pinaghalong pait at alat ang lasa ng sabaw na iyon.

Matapos no'n, sumakay kami sa isang kalesa at tumungo sa sa palasyo. Halos sampung minuto bago kami nakarating. Hindi ko ulit naiwasang mamangha sa gandang taglay ng kastilo kung saan naninirahan ang hari at reyna ng Paresia. Kung inaakala kong mataas ang mga pader ng Paresia, nagkakamali ako. Walang sinabi ang mga ito sa mga higanteng tore ng palasyo. Kahit malayo, pansin ang makintab na marmol na sahig, mga malalaking mga posteng mayroong ukit ng mga tao at hayop, at ang mga naglalakihang mga nakara-arkong mga bintana ng mga silid ng palasyo.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon