13.

515 42 51
                                    

CHAPTER THIRTEEN

TATLONG araw ang natitira bago ganap na mag-simula ang kompetisyon--ang Blood Trials. Ang mga nakaraang araw ay ginugol ko sa page-ensayo.

 Halos isang buwan na din ang nakalilipas nang ako ay huling gumamit ng sandata sa mga kalsada ng Gazini. Ang ilang araw ng paglalaro ng mga sandata, kahit pa man gawa sa kahoy, ay nakatulong upang ipaalala sa aking katawan at isip ang ganda at komplikasyon ng paglalaro ng mga nakamamatay na mga patalim.

Gazini

Muli ko na namang naalala ang syudad na kinalakhan ko. Sumagi sa isipan ko ang mga daungan ng Gazini. Ang maalat na amoy ng karagatan na bitbit ng simoy ng hangin. Ang musika ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan sa katahimikan ng gabi. 

It had only been a month. Yet the memory of the city I once called home felt like a distant memory.

"Sangga!" 

Mula sa kanan, nakita ko ang paparating na espada. 

Awtomatikong gumalaw ang katawan ko, sinangga gamit ang kahoy na kampilan ang paparating na espada.

A cracking sound filled the air. 

I groaned. 

Muli na namang lumipad ang utak ko. 

I shook my head. 

Focus. 

With a hiss, I shifted a little, strengthening my stance. Kinagat ko ang labi ko at buong lakas na tinulak ko pakaliwa ang kanyang kahoy na espada. Humiwalay ang aming mga sandata sa pag-gigitgitan. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para bumawi. I spun around, fast and swift, and then I aimed the edge of my wooden sword to his open neck. 

Checkmate. 

 I smirked. "Kaya pa, kapitan?" I teased.

He just grinned playfully, throwing his hands into the air on a gentle surrender. "Nice!" komento niya. "Magpahinga muna tayo."

Nagdiwang ako. Sa wakas! Halos magda-dalawang oras na kaming nage-ensayo nang walang pahinga. Hinahabol ang hiningang ibinababa ko ang mga sandata sa may damuhan. Umupo ako. Beside me, I reached out for my canteen. I took a hearty sip. Para akong nagising sa pagdaloy ng malamig na tubig sa lalamunan ko.

Umupo si Lord Keiv sa tabi ko. "Pahingi rin ako."

Tumikhim ako bago ko iniabot sa kanya ang lagayan ng tubig. Kaagad niya itong ininom. 

Tumingin ako sa mga kawal na nage-ensayo 'di kalayuan sa amin. "Paano ang magiging takbo ng kompetisyon?"

I heard him chuckle. Naramdaman ko ang tingin niya. Nanatili akong nakatingin sa mga nage-ensayong kawal.

"Adelaine, paumanhin, pero wala akong alam sa mismong takbo ng patimpalak. And even if I did, I wouldn't tell."

Tumaas ang kilay ko. "At bakit naman? Ayaw mo ba akong manalo?"

"You are our champion. Of course I want you to win."

Tinignan ko siya. The thing is, for me, its not a matter of want. I needed  to win. Isa iyon sa mga kondisyon ni Lord Areling. Its either I win, or I die. Iwinaksi ko muna 'yon palayo sa aking isipan. 

Inayos ko ang pag-upo ko. "Iyon naman pala. Bakit ayaw mong magbigay ng kahit maliit na clue man lang?"

Bumuntong hininga siya. 

Biglang umihip ang hangin, nilipad nang bahagya patalikod ang malambot na kulay pula niyang buhok. Napansin kong sa tuwing tatamaan ito ng ilaw ay tila ba umaapoy ito. Napaisip ako. Kasingkulay kami ni Lord Keiv ng buhok. Ganyan rin ba ang itsura ng buhok ko sa tuwing tatamaan ito ng liwanag?

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon