34.

271 28 14
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR


SA NAKALIPAS NA ILANG ARAW, ito ang unang beses na nakapagpahinga ako ng maayos. Matapos ang nangyari kagabi kay prinsesa Yvana sa mga tagasilbi niya, magu-umaga na nang makabalik ako sa aking silid at makapagpahinga. Mabuti at mukhang nakita ni Cheena at Arianne na kailangan kong pagpahinga. Hinayaan ako ng mga itong gamitin ang buong aaw upang matulog. 

It was late afternoon when I woke up. Cheena and Arianne prepared my bath and food, like always. Habang tinutulungan ako ng mga ito, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang lihim nilang pagtingin sa isat-isa. Something was bothering them, and I knew what that was all about. They were dying to ask me questions, but dare they did not. Hindi nila ako tinanong laking palalamat ko. 

But I was expecting that. I knew the time would come where they would wonder the cause of my absence. Kung saan ako namamalagi, kung bakit hindi ako nakakatulog ng maayos. Not that I would answer them. That would be a complication. 

"Ang bagal mo!" sita sa akin ng kasama ko, si prinsipe Gestalt. Oo. Kasalukuyan kong kasama ang prinsipe. Matapos kong kumain, ninais ko sanang pumunta sa hardin para magpahinga at linawin ang isipan ko. Ganon na lang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto, naghihintay sa akin ang prinsipe. Kanina pa pala ako nito hinihintay. 

Nang tinanong ko kung ano ang kailangan nito, maikli nitong sagot, "Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin? Sasamahan mo ako sa pagi-imbestiga ko."

Nang tumanggi ako, tinapunan lamang ako nito ng isang nakamamatay na tingin. Sinubukan ko ngang gamitin ang Blood Trials para humindi. Alam kong alam niya na kasali ako, isa iyon sa mga naging laman ng pagu-usap namin bago niya ako isinali rito sa bagay na ginagawa niya. 

Ang sabi niya lang, "Hindi ko na kasalanan na marami kang ginagawa. Isa akong prinsipe, may mga responsibilidad ako sa bansa, ang mga rebelde, pero kinakaya ko. Ikaw pa kaya?"

Hangal!

Wala akong nagawa. Kaya heto, kasalukuyan naming binabagtas ang mga pasilyo ng palasyo. 

"Saan ba tayo pupunta talaga?' tanong ko.

Nilingon ako nito. "Sinabi ko na sa'yo, maghintay ka na lang."

Nang tumalikod siya, inirapan ko ito. Isinama pa ako nito kung hindi lang rin ako nito bibigyan ng kasagutan. Hindi na lamang ako lumaban. Nanatili akong tahimik, at tulad ng kanyang utos, sumunod ako sa kanya. Sinigurado kong mga tatlong hakbang ang layo namin sa isa't-isa. 

Hinila ko ang mabigat na palda ng aking suot na kulay pulang damit. Medyo makapal at mabigat ito. Hindi ako nakapili ng mas komportable at magaan dahil akala ko ay sa hardin lang naman ako. 

We walked for minute more, through hallways, down spiral staircases. Until we arrived in a room at the end of the east wing of the castle. It was dark, there was only one torch illuminating the vast, dry room. 

Immediately, upon entering the room, bile threatened to come out of my mouth. What was that pungent smell?

"Takpan mo ilong mo," paalala ng prinsipe. 

Tss. Too late. I am dying from the smell now. Amoy patay na daga, na humalo sa maalikabok na hangin. 

"Nasaan ba tayo?" tanong ko. 

Kinuha niya ng torch na nakasabit sa dingding. Naglakad pa kami papasok sa silid. Doon ko napansin, may mga batong parang mga lamesa. Teka---hindi iyon mga lamesa.

"Are these coffins?" tanong ko. 

"Halata ba?" sarkastikong sabi ng prinsipe. 

I threw him a deadly glare. 

He ignored me. Instead, he waved the torch as if that would help. 

Lumapit ako sa kanya. Ngayon, halos magdikit ang aming mga balikat. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

He crunched his nose. "Trying to know the truth."

The truth. Hindi ko alam kung bakit kailangang idawit ako ng prinsipe sa bagay na ito. It didn't concern me. Not at all. 

"Mayroon ka na bang ideya?" tanong ko ulit, "Sa bagay na ito?"

"Wala pa masyado." he answered honestly. I got that figured out, I just wanted to make small talk.

Binago ko ang usapan. "Why is this important?" 

Tumigil ang prinsipe sa paglalakad sa naging tanong ko. Dahan-dahan akon hinarap ng prinsipe. ka, may naitanong ba akong mali? Matalim at seryoso ang kanyang berdeng mga mata. "Very important." maikli niyang tugon.

Napalunok ako. Pero hindi ako tumigil."Bakit?" tanong ko. 

Naalala ko ang sabi ni Lord Keiv. This idea was brought upon by him visiting the sorcerer's of Savanagh. They must have given him something. What was that something?

Hindi ako sinagot ng direstso ng prinsipe. "I will tell you," he eyed me suspiciously, "Once I get to know if I can trust you." With that, he turned his back on me. The prince having said that made me realize one thing---he wasn't keeping me on his side because he needed my help, he got me into this to keep tabs on me. 

**

"Siya na ba ito?' tanong ni Prinsipe Gestalt sa isang matangkad na lalaki. Sa aking tantya, higit sa anim na talampakan ang tangkad nito. Baka nga nasa pito na. Sa sumasayaw na liwanag mula sa apoy na hawak ng prinsipe, maya'tmaya ay naiilawan ang mukah nito sa ilalim ng suot nitong malaking hood—halos buto at balat na lang ang mukha niya. Malalim ang mga mata nito na tila ba nakakita ng mga multo. Hindi ako nagtaka. Halos lungga na niya ang lugar na ito. 

"Oo." Sagot niya. Malalim at paos ang boses nito. Siya raw ang tagabantay ng mga libingang ito. Dito, inililibing ang mga bangkay ng mga importanteng mga tao sa korona. Para sa mga konseho, para sa mga skolar. 

Dito itinago ang mga bangkay na nakita sa palasyo, ang mga ini-imbestigahan ng prinsipe Gestalt. Sa aking palagay, upang masigurado ng hari na hindi kakalat ang balitang napatay ito sa mismong loob ng palasyo. 

"Nasaan ang isa?" tanong ni prinsipe Gestalt. Tinuro ng matangkad na lalaki ang katabing kabaong. "Sige, buksan mo," utos niya. Tumalima ang tagabantay. Tumabi ito, at gamit ang payat na mga kamay, tinulak ang batong nakatip sa kabaong. 

Pagkabukas nito, agad akong napatakip ng ilong. Gayunpaman, hindi pa rin nakaligtas ang ilong ko amoy ng naagnas na bangkay. Halos masuka ako. Nang tuluyang mabuksan, agad kaming sumilip. Iniayos ng prinisipe ang pagkakahawak sa liwanag upang makita namin ang laman nito. 

I recognized the cadaver immediately. This was the one I saw when I eavesdropped on the king and his council. Hindi man lang nila tinanggal ang lubid na nakatali sa kanya. 

"Did someone came looking for her?" tanong ng prinsipe. 

Sumagot ang tagabantay. "Wala. Wala ring nagtanong maging sa bayan." 

I doubt that. The city was vast, and they couldn't possibly know if nobody was looking. 

"Hawakan mo ito." Inabot sa'kin ng prinsipe ang torch. I took it, held it steadily above my shoulders to illuminate the inside of the tomb properly. 

"What do you think happened?" tanong ko. 

Hindi sumagot ang prinsipe. Bagkus, ipinasok nito ang kamay sa loob ng kabaong at ginalaw ang bangkay. Mas napagmasdan ko ito. Higit isang lingo na ito, naagnas na ang kanyang balat, pinapapak ng mga maliliit na mga kulay puting bulate, namamasa ang ilang bahagi. Ngunit isang bagay ang pinaka-pinagtaka ko.

"Ano yan?" tanong ko sa bagay na ngayon ay sinusuri ng prinsipe. Sa pisngi ng babae, sa naagnas nitong balat, mayroong kulay berdeng likido. Hindi lamang basta likdo, bahagya itong nagliliwanag. Parang asido. 

"This," simula ng prinsipe. "Is what we came here for."

Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa, ipinunas sa berdeng likido, atsaka mainit na tinupi at muling ibinulsa. Matapos noon, hinugot niya ng kwintas na nakasuot sa leeg ng babae. 

The prince looked at me, satisfied with his work. "Halika na, umalis na tayo dito."

Sumunod ako sa kanya na malalim ang iniisip. Ang berdeng likido na iyon, alam ko kung ano iyon. That was dark magic. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon