19.

430 41 49
                                    

CHAPTER NINETEEN

I FELT LIGHT. Weightless. Like a feather, floating into darkness. Empty. Unburdened. At peace.

Kailan ba ako huling nakaramdam ng ganitong kapayapaan? It was so long ago I could barely remember it. It was so long ago it was almost non-existent.

Nakangiti ako. Nakangiti ako nang malawak. Sigurado ako doon. Nakabukas ang aking mga kamay na para ba mga pakpak ang mga ito. Umiikot-ikot ako. Lumulutang-lutang sa kawalan, patungo sa hindi tiyak na direksyon. I am free -falling. But I felt okay. I felt no worry. I felt no alarm. I was just...just.

But it was too perfect, too impossible. I knew I was just in a dream. In a moment, I would wake. Back to reality. Back to my cursed life. Iginalaw ko ang mga kamay ko, desperadong nagha-hanap ng isang bagay na maari kong makapitan. I want to hold on. I need to hold on. I didn't want to end this feeling. So, I held on. Even just for another second.

And then, it was gone.

Nagising ako sa pagbuhos ng nagye-yelong tubig sa aking mukha. Immediately, I sat upright, violently gasping for air. That took a minute. Nang maayos na ang pagtaas-baba ng aking dibdib, sinipat ko kung nasa-saan ako.

Tumingala ako. Mayroong mga aninong nakamasid sa akin.

Nilukob ako ng kaba. Nang takot.

Nasaan ako?

Doon ko naalala ang nangyari. Ang biglaang paghampas ng isang mabigat at matigas na bagay sa ulo ko dahilan upang mawalan ako ng malay.

Hindi ko pa tuluyang napagtatanto kung ano ang mga nangyayari. Muli ulit akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa sobrang lamig nito ay muli akong natumba sa sahig, naghihikahos at nawawalan ng hininga. Niyakap ko ang sarili ko.

"Tumayo kayo!" Sigaw ng isang 'di pamilyar na boses. Hindi ko alam kung pa-paanong narinig ko pa ang boses na iyon sa gitna ng naghihikahos kong hininga.

Umiling-iling ako. There was a painful throb in my head, accompanied by the tightness in my throat. Slightly disoriented still, I forced myself to be on my feet. Nanlalambot man ang mga tuhod ko, nagawa ko pa rin namang makatayo ng maayos.

Doon, unti-unting luminaw ang lahat.

Alam ko kung nasasaan ako. Kung bakit ako dinala dito. Kung sino ang may kagagawan ng pagkawala ng malay ko.

Opisyal ng nagsimula ang kompetisyon. The Blood Trials had begun!

Napalunok ako. It almost slipped my mind. Masyado akong na-distract sa kaganapan sa palasyo, sa nangyari sa Ascension Ceremony. Nakaligtaan kong maliban doon, ngayon 'din ang umpisa ng Blood Trials.

Hindi ako makapaniwalang hinayaan ko ang sarili kong makalimot. This was what I was brought here for. Instead of preparing, I had let my mind and attention linger on things that didn't really concern me that much.

How stupid!

Habang unti-unting umaayos ang pakiramdam ko, pinagmasdan ko ang lugar. We were inside a dome. Torches were hanged on walls, burning bright blue, providing the room enough illumination.

Tumingala ako kung saan nanggaling ang boses. There were twelve of them, balancing on the till of a terrace, looking down at us. From up there, they looked like ghosts. They were all wearing masks that resembled that of an animal. May parang sa pusa. May agila. May kuneho.

Isang partikular na maskara ang dinapuan ng mga mata ko. Ramdam ko na sa ilalim ng mga maskarang iyon, sa akin nakatutok ang mga mata niya.

Ngumisi ako.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon