10.

556 47 71
                                    

CHAPTER TEN


It was a little around past seven when Lord Keiv came knocking at my door, fully dressed in his armor with a big smile on his face.


Pupungay-pungay na parang pusa akong tumayo. Being the gracious person that I am,I forced myself out of bed to entertain him. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko. Baka nga may laway pa ako sa gilid ng bibig ko. Hindi na ako nag-abala. Ano ngayon kung makita niya? Siya naman ang gumising sa akin nang pagka-aga aga. Bahala siya. Binuksan ko ang pinto ng aking silid. 


His beeming face greeted me. Mukhang bagong ligo siya.  Medyo basa pa ang pula niyang buhok. May isang grupo ng kulot na buhok ang nakasabit sa kanyang kanang noo, halos matakpan na nito ang kanang mata niya. Suot na rin niya ang uniporme niya. Ang armor na kulay asul at may seal ng royal family--the burning phoenix.


Tumaas ang kilay niya. "Kagigising mo lang?"


Halata ba? Sarkastiko kong tanong sa isip ko. Medyo inis ako. Ang hirap talagang gumising. Samantalang kagabi naman ay hirap akong matulog. Pero syempre hindi ko pinahalata 'yon. Ngumiti ako. "Ah, medyo napuyat ako kagabi. Binasa ko kasi yung libro tungkol sa Blood Trials," pagsisinungaling ko. I just thought it was not a good idea to tell him about the things that had bothered me last night, and why sleep avoided me.


He took my excuse. Mabuti na lang. 


"Ah,okay. Halika na, bibili pa tayo ng mga damit mo," masigla niyang sabi. 


Ngumiti ako ng patabingi. "Ah...eh, medyo madami na akong damit. Kasya na 'yon," sabi ko. Halos takpan na ang buong kwarto na ito ng mga damit na dala nila Arianne at Cheena kagabi. No need for additionals. And besides, ayaw ko pang magising. 


He smiled as if he didn't believe me. "Hay," he sighed,, smiling. "Nahihiya ka pa, eh. Huwag kang mahiya. Dalian mo na diyan," pagpupumilit niya. "Kukuha tayo ng iba mo pang damit at baka magkulang ang una naming mga binigay."


Damn these maharlikas!  Hindi talaga sapat sa kanila kahit pa siguro mayroong silang kwartong puno ng mga damit. Still, they would say it wasn't enough. How insatiable this people are. Kunsabagay, they have limitless resources. If they wish to buy a thousand clothes, their pockets wouldn't be less heavier. So why does it matter?


 I realized there's no way he would cancel the appointment. 


In defeat, I obliged. "Maga-ayos lang muna ako, Lord Keiv," sabi ko sa kanya.


Tumango siya. "Good. Fix yourself, And I'll get back to you in about thirty minutes, Mas magandang maaga tayo sa pamilihan to make sure we don't get caught up with a large crowd. It's Tuesday. Soon, the marketplace will be packed."


The more reason not to go then. I wanted to say, but kept my mouth shut. He wouldn't have accepted that reason.


I closed the door.


Sigh.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon