58.

163 10 0
                                    

CHAPTER FIFTY-EIGHT

Hindi ko na nasabi pa kay prinsipe Gestalt ang pakay ko. Matapos nang amaing naging maikling usapan sa may lawa, isa sa mga tagasilbi niya ang biglang tumawag sa kanyang atensyon. Kailangan raw siya ng hari.

Nagbalik sa isipan ko ang naging usapan namin ng prinsipe. Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi. I got distracted. Hindi ko alam kung bakit napunta sa ganoon ang usapan namin. I intended to meet the prince for one thing and one thing only--- ang sabihin sa kanya na mayroon akong ideya kung ano ang itsura ng bagay na iyon. 

Ang kadilimang unti-unting nagigising. 

Gayunpaman, ang naging konbersasyon namin ng prinsipe ay napunta sa politika. Hindi na rin masama. At least, I found out one thing. There was tension between lord Areling and the prince. Sa nalaman kong ito, napagtanto ko kung gaano kadesperado si Lord Areling. 

He needs me. And badly, that is. 

Walang tiwala ang prinsipe kay Lord Areling. And rightfully so. Trusting the cunning man would be one's best mistake. At kahit pa man ako ay nakatali sa isa sa mga daliri ni Lord Areling, batid ko pa rin na hindi ko siya kailanman maaring mapagkatiwalaan. 

Naalala ko ang kwento ni prinsipe Gestalt. I'd heard of the tales about him before, of course. There was a reason why he was branded a traitor. Yet despite that, still, he was one of this country's most powerful man. 

Ang pagtraydor niya sa dating hari---si King Mikhael Everard--ang naging kabayaran. Na kanya ring naging kaibigan. Maging ang pagpatay niya sa mga anak ng mga Everard at sa asawa nito, ang reyna na minsan din niyang minahal. Lord Areling would betray people no matter who they be, for his own, selfish gain. 

Ano ang iisipin ni prinsipe Gestalt kapag nalaman niya na ako ay tauhan lang ni Lord Areling? Na si Keiv na inaakala niyang iba sa kanyang ama ay isa sa mga taong naniniguradong hindi mawawalan ng impluwensya ang kanyang ama?

Isa ako sa mga pinakamahalagang parte ng laro ni Lord Areling. Once Gestalt became the king, siguradong kakalabanin niya ang impluwensya at kapangyarihan ni Lord Areling. At batid iyon ni Lord Areling. Kaya't mahalaga sa lalaking iyon na manalo ako. He needs me inside Gestalt's circle. He needs me as his eyes. As his ears. 

The reality was a slap to the face, and it left a bitter taste in my mouth. 

Hindi matatapos ang larong ito sa Blood Trials. 

***

The winds presence demanded to be felt up here. And so I let it. Hinayaan kong humapas ang hangin sa mukha ko, hinayaan isayaw nito ang bawat hibla ng buhok ko.

This was going to be a hard night.

Napasinghal si Taron sa tabi ko.

"Ilang barko?" tanong ko.

"Tatlumpo."

Kinagat ko ang labi ko. That's a lot of ships. Lots of slaves.

Mula sa matirik na bubong na kasalukuyan naming pinagtataguan, tanaw ang mga paparating na mga barko. Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlumpo. Magkakasunod. Magkakatabi. Dahan-dahang lumalapit sa daungan ng Paresia. Dala ng mga barko ang mga bagong alila. Mga taong ibebenta sa mga taong may sobrang salapi. Others will be taken to the palace to be servers, or to see to people who the king sees fit to be rewarded. Others would be taken to brothels. Nakadepende na sa tadhana ang kanilang swerte.

Sa may daungan, mayroon ng mga nakaabang na mga tao. Mga Maharalikang nagkukumahog upang makapili ng mabibiling alila. Mayroon ring mga Padwo sigurado ako. Mga bastardong bibili sa mga alila at ibebenta sa mas malaking halaga.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon