4.

1.1K 88 261
                                    


Tinanong ko si Lord Areling kanina kung paano siya makasisigurado na mapagkakatiwalaan namin ang isa't-isa, ang sagot sa tanong kong ito, kaagad ko ring nakuha sa pagbukas ng pinto.

Pumasok sa kwarto ang isang taong mayroong balinkinitang pigura. She was wearing a robe in deep purple. Nakayuko siya, hindi ko kaagad nakita ang mukha niya sapagka't nakatago ito sa ilalim ng kanyang malaking hood. Maingat ang kanyang naging mga hakbang. Tumigil siya ilang dipa sa harapan namin.

Napalunok ako. Hindi ko maipaliwanag, gayunpaman, tila ba nanindig ang mga balahibo ko sa kanya. She had this...presence. Strong. Strange. Powerful. Tila ba nag-iba ang hangin sa kanyang presensya.

"Sino siya?" baling na tanong ko kay Lord Areling.

Hindi niya ako sinagot. Bagkus, itinuon ang atensyon sa bagong dating na babae.

"Meree," he called.

"Itutuloy ba ang ritwal, Lord Areling?" tanong ng babaeng nagngangalang Meree. Her voice was cold, but gentle. Commanding, but sweet.

But she had this accent. Tila ba medyo matigas ang pag-gamit niya aming lengguahe. ­Itutulwoy. Ganyang ang naging pagbigkas niya. I had the impression she was not of the country. A foreign. From where? Basta batid kong hindi siya isang Paresian at mas lalong hindi siya isang Orinian. Yenezan?

Tumango si Lord Areling bilang tugon.

Na siya namang ikinataas ng kilay ko. Teka, anong pinagu-usapan nila?

Tinaasan ko ng kilay si Lord Areling. "Ritwal?" Tumaas ang tono ng boses ko. Pansin ang gulat sa naging paraan ng tono ko. "Anong ibig sabihin nito? Anong ritwal ang pinagsasabi niyo?"

The strange woman then removed her hood, revealing her face. I tried not to look surprise upon seeing her. Tama nga ang hula ko---isa siyang banyaga. Ngunit hindi lamang basta banyaga. Galing siya sa bansa sa dakong silangan ng Paresia, sa Savanagh!

It was her distinct features that gave her away. Her skin was pitch black, like midnight. Her face smooth like carved stone. Puti naman ang buhok niya, salungat sa kulay ng kutis niya. Mapupungay ang mga kulay kahel niyang mga mata na pinaresan ng makapal na mga pilikmata. Sa gilid ng kanang mata niya ay mayroong tatlong puting tuldok. Isa siyang sorsera.

Bigla kong napansin ang kakaibang tingin na ipinuukol sa akin ng sorsera. Meree, tama ba? Iyan ang narinig kong tawag sa kanya ni Lord Areling.

She looked at me as though she was assessing me. Like she knew everything about me. Like she could see my whole truth, naked and bare.

Ang sabi nila, ang mga sorsera ay may kakayahang makabasa ng isip. Binasa ba niya ang isipan ko?

I hoped not. I don't want anyone inside my head.

A faint smirk tugged at the corners of her lips.

Gumapang ang kaunting kiliti ng kaba sa aking sistema sa kanyang ginawa. Teka, tama ba ang iniisip ko? Nababasa ba niya ang iniisip ko?

Lumapit sa akin si Meree sabay haplos sa mga pisngi ko. Sa kanyang ginawa mas lalo ko tuloy naalala si Lilbeth.

Her hand was smooth, her fingers dainty. Tinitigan ko ang mga mata niya. Of deep purple, like a jewel. May isang bagay akong nagpagtanto. This woman had seen many things. The way she carried herself told me so.

She threw her glance towards Lord Areling. "Sele siana ben vista." Biglaan niyang saad.

I furrowed my eyebrows. Ano daw? Marahil ay gamit niya ang kanyang lengguahe. Iba kasi ang ginagamit na wika ng mga Savaghnian.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon