9.

686 58 80
                                    

CHAPTER NINE


Malalim na ang gabi, ngunit hindi pa din ako makatulog.


Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, ang imahe nang pagkamatay ni Reema ay naglalaro sa isipan ko. Hindi ko makalimutan ang huling mga sandali ng buhay niya. Kung papaanong nahanap niya ang aking mga mata sa napakaraming taong nagpunta upang masaksihan ang pagbibitay sa kanya.


Kasalan mo. Ikaw, ikaw dapat ang nandirito.


Hindi man niya sinabi, kahit pa man sandali lang ang oras na nagkasama kami, sa palagay ko ay alam niya ang katotohanan kung sino ako. Alam kong alam niya na ipinalit siya sa aking pwesto. Na namatay siya nang dahil sa akin.


Iyon ang mga sinabi ng mga mata niya.


It's your fault. Ulo mo dapat ang nandirito.


Habambuhay akong uusigin ng aking konsensya. Mabubuhay ako nang hindi makakalimutan na ako ang sanhi ng kamatayan niya.


That memory would be with me forever. I would live with it. I would deal with it. Just like I did with the others.


Dumilat ang mga mata ko.


Walang silbi kung pipilitin ko ang sarili ko na matulog. Tumayo na lang muna ako mula sa pagkakahiga.


Mag-isa ako sa aking kwarto. Si Cheena at si Arianne ay kanina pa umalis para magpahinga rin.


Binuksan ko ang bintana. Agad na pumasok paloob ang malamig ngunit preskong hangin. Napahalukipkip ako.


Ano bang magandang pagkaabalahan?


Naalala ko ang libro tungkol sa Order of the Blood. Tama. Iyon na lang muna ang babasahin ko. Mas maganda kung gugugulin ko ang oras ko sa paghahanda para sa Blood Trials.


Kinuha ko ang librong ibinigay sa akin ni Lord Areling. Ang librong patungkol sa Order of the Blood. Nakatago ito sa ilalim ng aking unan. Sabi sa akin ni Lord Keiv, hindi raw para sa kung sino lang ang librong ito. Kailangan ko itong itago dahil bilang lamang ang mga taong may kopya nito.


Habang hindi pa ako dinadalaw ng antok, ito muna ang napagpasyahan kong paglibangan.


Kinuha ko ang isang lampara at nilapag ito sa lamesa upang mas makita ko nang maayos ang babasahin ko. Umupo ako at nagsimulang magbasa mula sa pinakaunang pahina.


Ang Kasaysayan ng Order of the Blood.


Ang Paresia noon ay nahahati sa labindalawang tribo. Wala pang hari, wala pang sibilisasyon, tanging mga sultan lamang ang namumuno sa bawat tribo. Ang Order of the Blood ay orihinal na binubuo ng tatlong miyemebro. Una silang tinawag na mga Maninikil, sila ay mula sa tribo ng Akata. Kapalit ng ginto, ang sinumang marka ang nais ng mga makakabayad ay kanilang sisingilin ang buhay.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon