29.

298 29 18
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

SER ROMOLUS GWENDOWIN. Iyan ang pangalan ng lalaking nais na ipapatay ni Kimora. Tulad niya, dati rin itong isang kawal. Lumaban ito sa panig ng mga Everards. 

Matapos ang rebelyon, noong mapatalsik ang mga Everards ng Briars, isa ang kanyang angkan sa mga lumuhod at sumumpa ng katapatan sa mga Briars. Kapalit nito, mananatili sa kanila ang kanilang mga ari-arian maging ang mga titulo at ranko na rin.

Ang mga Gwendowin ay isa sa mga pinaka-prominenteng pamilya sa Paresia. Isa sila sa laging nakatatanggap ng imbistasyon sa mga pagtitipon sa palasyo. Marahil dahil isa sila sa pinakamalaki ang naia-ambag na buwis sa korona. Sa sobrang yaman ng mga ito, dino-doble raw nila ng kusa ang kanilang buwis ng kusa.

Hindi ko sila masisisi. Maliban sa tabako, mga pinya, at mga bigas na ini-aangkas nila sa buong kontinente, halos tatlong-daan rin raw ang pagma-may ari na mga alila ng angkang ito. Higit pa roon, isa ang angkang ito sa pinakakilalang nagtitinda ng mga alila.

It was literally blood money.

With that information alone, I wanted to kill not only Romolus, but the entirety of his household.

"You can just glare at him. He'd drop dead in an instant," biro ni Ruarie sa akin.

Ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko. Hindi ko naitago ang galit ko. I never liked the idea of slavery. To think, the crown that I would be serving should I win the trials would also be the same people who started the trading of people like products made me want to tear my skin. It would be a bitter thing to swallow. But then again, this was a cruel world. One's disagreement wouldn't change the world.

Bumuntong-hininga na lamang ako.

Kasalukuyan kaming nasa isang kainan, humihigop ng mga sabaw. Tinignan ko ang aming lamesa. Nakadalawang mangkok na si Ruarie. Tatlo kay Resca. Apat kay Taron. Hindi pa nangangalahati ang una ko. 

Mausok ang buong paligid. Tirik ang araw, ngunit dahil sa paparating na taglamig, hindi mainit ang panahon. Na siyang ipinagpa-salamat ko.

Tinapunan ko ng tingin si Resca. "Good job by the way." 

Si Resca ang kumalap ng lahat ng impormasyong iyon. Higit pa roon, nakuha rin nito ang impormasyon na rito namamalagi si Romolus tuwing umaga. Pagmamasdan muna namin ang lalaking ito. Matapos noon, doon kami magde-desisyon kung anong klaseng kamatayan ang igagawad rito.

Isang oras ang nakalipas nang dumating siya. Mayroong isang dumaang karwahe bitbit ang mga bagong aning gulay. Paglipas nito, bumungad ang isang lalaki. Matingkad at mamahalin ang suot nito. Kulay dilaw, nakabukas ang tatlong butones, sumisilip ang mabuhok na dibdib. Mahaba ang buhok nito na nakatirintas. Mayroong malumanay na mukha.

Hindi ko kailangan ng kumpiramsyon, ngunit alam kong ito na ang lalaking hinhintay namin.

"Siya na 'yan," saad ni Resca. "Dali, magpanggap tayong nagu-usap."

Nagkunwari kaming nagu-usap. Trying not to draw attention to ourselves and avoid suspicion. I watched Romolus at the corners of my eyes. 

Ang bawat hakbang nito ay puno ng kasiguraduhan. Isang lakad nang isang mandirigma. Mayroong malaking ngiti sa mukha nito. At sa bawat makasalubong nito, maharlika, kahit pa man payak na tao lang, ay tinatanguan nito.

Dumating ito sa kainan. Tulad nang sabi ni Resca, kinuha nito ang lamesa sa tabi ng tarangkahan. Regular ang lalaking ito rito. Napatunayan ko iyon ng kusang lumabas ang mga tagasilbi at lapitan ang lalaki.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon