56.

148 11 0
                                    

CHAPTER FIFTY-SIX

Hinahangin ang mahaba niyang buhok. Sa likuran niya, bilog at maliwanag ang buwan. Nasa gitna kami ng kagubatan. Madilim, pero dahil sa tanglaw ng buwan, nakikita ko pa rin siya. Kahit sa mausyaw na liwanag, pansin pa rin ang peklat niya sa mukha. Ang ekis na marka sa kanan niyang mata. Nakuha niya nang dahil sa akin. 

"Bumalik ka, Darius!" May halong pagmamakaawa sa boses ko.

Ngumiti ang binata. "Maddy," simula niya. "Hindi na. Tapos na ako sa buhay na 'yon. I want to do something for the world."

I heard the desperation in his voice. 

For the world. 

I laughed. "Darius, hindi mo kailangang gawin 'to. Huwag kang magpaka-bayani, alam mong hindi mabait ang kapalaran sa mga taong tulad nila. Huwag kang magaya sa kanila." Pilit ko pa rin siyang kinumbinsi.

He can't leave me. 

"Maddy, Please.Listen, the world is burning. Kailangan kong gumawa ng bagay na makakatulong sa---"

Hindi ko siya pinatigil. Sinampal ko siya sa mukha para magising siya. "The world would keep on burning, Darius. Don't burn with it."

Nagsimulang mamasa ang mga mata ko. I hated how much I am desperate and weak. But Darius was the only person I could my family, and he was leaving me now, too. 

Sinapo niya ang kanyang pisngi. Sabay iling. "Maddy, makinig ka." Lumapit siya sa akin. Sabay gamit ang dalawang malaki at magsapang na mga palad, hiwakan niya ang mukha ko. Matiim siyang tumingin sa akin. "Kaya nating tumulong para baguhin ang mundo. We can use our skills for good. You can use your skills for good. Lisanin natin ang lugar na ito." 

Umiling ako. "We can never escape this life, Darius. Walang lugar sa mundo na maari mong pagtaguhan. Alam mong wala kang kawala sa mga kamay ni Lord Kane." 

He can't escape him. Kung aalis siya, hahanapin lang siya nang mga tauhan ni Lord Kane. He would be dead.

"We can do it, Maddy. Makinig ka, magtiwala ka sa akin."

Muli ko siyang sinampal.

Malakas. Malutong. 

Nakita kong pinunasan niya ang labi niya. Mukhang dumugo ito. Pagak siyang tumawa. "Maddy," ang nasabi niya lang.

"Huwag mo itong gawin Darius," muli kong sabi, pero sa pagkakataong ito, wala nang pagmamakaawa. He had to listen to me, or else...

"You can't change my mind, Maddy. Tatakas na ako, I will free slaves and change the world." 

He never stopped wanting to become the hero. Heto siya, muli na namang nagpapakabayani.

"I know," I sad coldly. Tumulo ang luha ko para sa nagi-isang pamilya ko. "Patawarin mo rin ako sa gagawin ko. Mayroon akong tungkulin kay Lord Kane. You give me no choice."

Nakita ko ang alarma sa mata niya. Gayunpaman, lumamlam rin kaagad ang ekspresyon niya. Alam niya kung ano ang gagawin ko, gayunpaman, hindi siya tumakbo.Hindi siya natinig. Bagkus, tumayo siya nang tuwid at hinarap ako. 

"Anong gagawin mo, Maddy?" tanong niya. 

Muling pumatak ang luha ko.

"Pasensya na, Darius," pabulong kong sabi. I heard my voice crack. 

Nanikip ang dibdib ko. Sumikip ang lalamunan ko. 

I didn't want to do it, but he gave me no choice. 

Sumilay ang ngiti sa mukha niya. Isang malungkot na ngiti. 

"Do you really want to do it?" tanong niya.

Napasinghal ako. "Alam mong wala akong ibang paraan. My hands are tied, I have to do it. t is my duty."

Tumango siya nang dahan-dahan. Why aren't you running, you fool! Tumakbo ka na. Umalis ka na. 

Instead, he stood his ground. He stared at me intently. 

Darius threw his arms in the air, surrendering to me. 

"Well, you caught me. Do your duty. Pass the sentence," sabi niya. 

Umiwas ako nang tingin. Tumingala ako sa kalangitan, sa pilak na buwan. 

What a cruel, cruel world. 

"I really am sorry," I said one more time. The words broke me. But I am bound by duty. 

I unsheathed my sword. "You are a traitor to Lord Kane, Darius Blackthorn. And as punishment for your desertion, I sentence..." napalunok ako. Mas lalong naging masagana ang mga luha ko. Nanlabo ang mata ko. But I mustered my courage, I casted my fears away. "I sentence you death."

And then I raised my sword, ready to slay. 

The moon witnessed what I did that night. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon