53.

189 15 0
                                    

CHAPTER FIFTY-THREE

It was late morning, and the weather was starting to get harsh. The wind was crisp, and it burned my cheeks. Sa tuwing bubuntong-hininga ako, mayroong ulap na nabubuo sa hangin. Malapit na kasi ang taglamig.

Mabuti na lang at naging maayos ang pagpili ni Cheena at Arianne ng isusuot ko ngayong araw. The dress I wore was made of thick fabric. Kulay itim, parang gabi. Balot ang katawan ko mula leeg hanggang paa. The bodice was thick, adorned with metallic beads. The sleeves were puffed, and the corset was tight but still comfortable. The skirts were very loose as well. Swerving patterns were also embroidered in golden threads from the neckline down to the hemline. Pero ang pinakagusto ko, ang nakapatong na coat na gawa sa white fur. Arianne said it was bear fur. Sobrang iniT at komportable niya. Para akong naglalakad na nakabalot sa kumot. May kapares din itong fur na gloves.

Kanina pa ako naglalakad. Naka-ilang liko at kanan na ako sa walang katapusang mga pasilyo ng kastilyo. Baka nga naliligaw na ako. Gayunpaman, hindi pa rin magbabago ang isip ko. I decided I had to tell Gestalt about what I saw that night back in the woods. About my encounter with that inhuman creature with those bright, glaring, green eyes.

Sa bigla kong pagkaalala sa ala-alang iyon, muli na namang nanindig ang balahibo ko.

Ipinilig ko ang ulo ko. Focus.

Saan ba kasi nagsusu-suot ang lalaking iyon?

Maaga akong nagising ngayon. Matapos mag-almusal at makapagpalit, kaagad kong nilisan ang silid ko para sana hanapin ang prinsipe. Ang kaso, hindi ko mahagilap ang prinsipe. Nakakatawa. Noong hindi ko siya kailangan, kusa itong lumalapit. Ngayong kailangan ko siya, tsaka naman ito nawawala.

I hissed under my breath. Stupid prince.

Nagpatuloy ako sa pagi-ikot. Every now and then, may iilang mga maharlika akong nakakasalubong. Pilit na ngiti lang ang naging tugon ko sa mga ngiti nila.

Hanggang sa wakas, narating ko ang bulwagan palabas ng palasyo.


Good, baka nasa labas ang prisipe. Susubukan ko siyang hanapin sa may hardin.

Kahit malayo, pansin pa rin ang laki ng bulwagan. Sa magkabilang gilid ko, mayroong malalaking mga poste. Ang dingding naman ay napintahan ng mga imahe ng mga puno at ng Diyosa.

In the distance, the oak doors were pulled open, and the big arc of a door loomed over me. Kahit pa pagpatong-patungin ang sampung matatangkad na kawal, mas malaki pa rin ang pinto na ito.

Sa gilid ng malalaking pinto, mayroong mga kawal ang nakabantay. Nakatayo sila ng tuwid. Their left hand hanging, the other holding a spear.

Nang makalapit, nginitian ko ang mga ito. Tumango lang ang mga ito at hinayaan akong dumaan palabas.

To be honest, I still am not comfortable in their presence. Nasanay kasi ako na nilalayuan ang mga kawal. As a mercenary, the crown guards had always been an enemy of some sort. Isa ito siguro sa mga bagay na hindi ko kailan man makakasanayan. They still give me this weird feeling.

Binagtas ko ang mahabang hagdan. Nang marating ko ang baba, medyo hinihingal na ako. Bahagya pa ring nasa hangin ang mabahong amoy ng mga sinunog na bangkay kagabi. May mga tagasilbi ang naglilinis ng mga kalat na naiwan mula sa pagtitipon para sa talumpati kagabi ng korona.

I smiled weakly at them as I passed. Ngumiti rin ang mga ito bilang respeto.

Hindi nalalayo ang hardin dito. Kaunting lakad na lang. Umaasa na lang talaga ako na sana ay nandoroon si prinsipe Gestalt.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon