32.

286 28 20
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO

SA AMING PAGPASOK sa tahanan ni Kimora, hindi ko mapigilang hindi mapabusangot. 


Sa lugar na ito ay literal na maaring mawala ang kakayahan namin. Ibig sabihin noon, isa ito sa mga pinaka-delikadong lugar sa buong syudad para sa isang Mage. Idagdag pa na ang nagmamay-ari nito ay isang magaling na mandirigma.



Sa pagkakataong ito, hindi kami sa bubong dumaan. Dumiretso kami sa likuran ng bahay, kung saan kami ay pinapasok ng isang tagasilbi.



"Inaasahan kayo ni Lord Kimora," nakayukong saad nito.



Kami ay iginiya nito paakyat sa ikalawang palapag ng tahanan, sa mismong silid ni Kimora---kung saan magaganap ang aming transakyon.



Pagkabukas ng pinto, bumungad sa amin si Kimora. Prenteng nakaupo ito habang minamasahe ang kanyang paa at likuran ng dalawang tagasilbi. Mayroon siyang iniinom na tsaa. Black Tea, I noticed. I knew that smell. Kimora reminded me of someone. Lord Kane was a fan of that, too.
Iwinaksi ko ang isipan. He was dead, and my history with him was long past me.



Lumiwang ang mukha niya. "Ah, sa wakas!" masigla niyang saad.



Ibinigay nito sa isang tagasilbi ang kanyang iniinom na tsaa. "Ang tagal ko kayong hinihintay. Akala ko ay tulad nang nauna sa inyo, hindi na rin kayo babalik." Bakas ang tuwa sa kanyang tono.



Nasabi niya noong una naming kita ang tungkol sa Novice na 'yon. Although he only mentioned he didn't come back, why he didn't return was not something he would share with us. I wonder what happened to that novice...



"Nagawa na namin ang gusto mo," bungad ni Resca.



Hindi ako umimik. Matiim kong pinagmasdan si Kimora.



He smirked. "Sigurado kayo?" tudyo niya.



Sinenyasan ni Kimora ang dalawang tagasilbi na lisanin ang silid. Kinuha ng mga ito ang mga kalat sa silid, yumuko sandali at tulad nang utos ng kanilang panginood, ay nilisan ang kwarto.
Naiwan kaming lima. Nasa tabi ko ang tatlo. Samantala, tumayo naman si Romolus mula sa kanyang pagkakaupo atsaka sandaling nag unat-unat.



When we were alone, doon ko napili na ako naman ang magsalita. "Ginawa namin ang nais mo, tulad nang napagkasunduan. Sa pagsikat ng araw mamamaya, makakasiguro kang wala na si Romolus Gwendowin," tugon ko. I tried to make my voice as commanding and confident as possible.



Sa sinabi kong iyon, tumawa nang malakas si Kimora. Halos sumakit ang tiyan nito sa paghalakhak. Para siyang isang baliw. Parang isang demonyo.



"Mabuti...mabuti..." Halos hindi siya makapagsalita nang maayos sa kanyang paghalakhak.



Tumikhim si Ruarie sa tabi ko. "Ngayong nagawa na namin ang gusto mo. Ibigay mo sa amin ang kapalit ng ating kasunduan. Nasaan ang ulupong?"



Sunod-sunod na tumango si Kimora. "Sige---" Patuloy pa rin ang bastardo sa pagtawa. "Sige. Tama lang. Oo nga naman. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko kayo balak na takasan. Masyado kayong atat. Hindi ba---" Hindi natapos ang kanyang sasabihin at muli na naman itong humalakhak.



Narinig kong napaungol sa inis ang mga kasama ko. Hindi ko sila masisisi.



Gayunpaman, tila alam ko kung bakit ganoon na lang ang tuwa ni Kimora. He wanted this so much. Whatever the cause of the rift between Kimora and Gwendowin, it was far too deep even for me to comprehend.



Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon