43.

217 23 18
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

HINDI KO ALAM kung ano ang dapat kong maramdaman. Tuwa? Galit? Inis? Lungkot? Isang parte ng aking pagkatao ang nawala. Ang kapalit ay lokayson ng isang tao. Kung iisipin, napakalaking halaga ng hiningi ng mga patay para sa isang maliit na pabor.

Hindi ko naman binalak na magka-anak, o magka-asawa. Kilala ko ang mundong ito. Kung sakaling magbibigay ako ng buhay, karahasan, kahirapan, at walang hanggang pakikipagsapalaran lang ang maipapamana ko. Kahit sino ay hindi nanaisin ang ganitong kapalaran para sa sinuman. Pero hindi ko ikakaila, bahagya akong nadidismaya sa katotohanang hindi na ako makakagawa ng buhay. 

Nakapagtataka nga. Kanina, buo ang loob ko noong ginawa ko ang desisisyon. Walang paga-alinlangan. No second thoughts. All I knew was that I had to do it, that it wasn't that much of a price. I'm beginning to think I am not always right, after all.

Pero ano ba ang magagawa ko? Tapos na. What's done was done. 

Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga. Hindi ko man lang napansin na pinipigilan ko pa lang huminga. I decided not think about it anymore. This was no time for regrets, no time for me to space out. I had a scroll to retrieve, and a life to claim.

"Ilan sila?" bulong na tanong ni Resca. 

Nakatago kaming apat ngayon sa itaas ng mga puno, nakakapit sa mga sanga at nakakubli sa mga makakapal na mga dahon. Nasa bandang timog kami ng Kadhaven, malapit sa mga kagubatan. The Ancient woods, they called it. Malalaki ang mga puno rito, malakas ang bugso ng hangin pero presko. True to its name, the forest had this ancient feel to it. Like it had seen many things, felt many things. Like it held and knew all the knowledge in the world. 

Madilim ang kagubatan. Makakapal ang mga sanga ng mga puno na halos hindi mo na makita ang langit sa itaas. Maliwanag ang buwan ngayon, at maging ang kalangitan na rin. Maraming mga bituwin na para bang napagdesisyunang lumabas ngayong gabi upang maging saksi sa aming gagawin. Beams of silver moon light were filtering through the open branches, giving the forest this ethereal, almost magical feel to it. Idagdag pa ang mga alitaptap na lilipad-lipad.

Bahagyang gumalaw ang sangang tinatapakan namin nang gumalaw bigla si Ruarie. Tinapunan ko siya ng tingin. Mahigpit ang hawak niya sa isang sanga para hindi mahulog, samantalang ang leeg naman ay halos mabali na sa kakatingala. Sa 'di kalayuan, sinisilip niya ang isang maliit na kubo. 

Doon nananatili ang grupo ng babae na muntikan akong mapatay, ang babaeng hawak ang ikatlong scroll. 

Kinuha ko ang mapa sa kamay ni Taron. Hindi naman siya tumanggi. Itinapat ko ito sa liwanag ng buwan. Ang mapa ng Kadhaven. Isa lang itong normal na mapa, medyo kupas na ang tinta sa tagal. But this wasn't just a map. It was spelled. With dark magic. 

Kinagat ko ang labi ko at naningkit ang mga mata. Hanggang sa nakita ko ang maliit na kulay pulang tuldok. This was her. Her mark. This was how we know where she was hiding.

Ang ganitong klaseng ng mahika ay hindi pangkaraniwan. Not even the high sorcerer's of Savanagh, maybe even Meree, would be able to pull this off. Namamangha kong pinanood ang tuldok na ito, gumagalaw sa papel na parang langgam.

"Nakamamangha, hindi ba?" saad ni Ruarie sa tabi ko.

Tumingala ako at nagtama ang mga mata namin. Tumango ako. "Pwede na," saad ko.

Nakamamangha nga, pero napakalaking kabayaran naman ang kinailangan kong isakripisyo. 

"You see, every person you will ever mark, you will be able to locate," dagdag ni Ruarie. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon