50

27 2 0
                                        

Ford's POV

It's been a months simula ng malibing si Tito Wilson, And until now nakacheck in pa rin kami sa hotel kasama si Trish at mama niya.

Ayoko ng bumalik pa sa Canada dahil nandito naman talaga yung buhay ko. Kaya nga hanggang ngayon nandito pa rin sila dahil hinihintay nila kong sumama sa kanila pabalik at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na hindi na ko sasama pabalik sa Canada. Bukod sa company namin na kailangan ako eh alam kong kailangan din ako ni Shine.

Pabalik na sana ko sa hotel kung saan kami nakacheck in ng may madaanan ako, Sobrang lakas ng ulan kaya napahinto ako.

It's Shine, Naglalakad ng walang payong at parang wala sa sariling nagpapabasa sa ulan.

Inihinto ko ang sasakyan.
Hinubad ko ang coat ko at mabilis na binalot sa kanya.

Nagulat pa siya ng makilala niya ko at pilit na inaalis yung ibinalot ko sa kanya.

"Leave me alone please."
Nanghihina niyang sabi.

Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ni Tito Wilson.

"Shine you need to go home."

"Kayang kong umuwi ng hindi sumasama sayo."
Napansin kong namumutla na siya.

Hindi ko na pinansin pa yung pilit niyang pagkawala sa pagkakahawak ko, Binuhat ko siya at isinakay sa kotse.

"Saan mo na naman ako dadalhin? Sa bahay mo? Bakit kasi hindi mo na lang ako pabayaan."

"Shine pwede ba? Hindi maibabalik ng paganyan ganyan mo si Tito Wilson so please huwag mo ng pahirapan pa yung sarili mo."

"Kung anumang nararamdaman ko ngayon, wala ka na sigurong pakialam dun."

"Tss! Look at yourself Shine!"
Sabi ko. Hinubad ko yung longsleeve kong suot at idinoble sa kanya dahil nakikitang kong nanginginig na siya at hindi na okay dahil basang basa siya.

Pilit niyang hinuhubad yung damit ko na isinuot sa kanya pero hindi siya nanalo sakin, Alam kong nanghihina na siya kaya hinayaan ko lang siyang magwala habang nagdadrive ako pauwi kila mommy.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala siya dahil sa sobrang traffic, Pagdating na pagdating sa bahay ay diniretso ko siya sa kwarto ko.

Damn, bakit ngayon pa na wala sila mommy at daddy. Bakit ngayon pang nasa business trip sila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Inilapag ko siya sa kama ko at kumuha ng towel, Hindi ko alam kung paano ko siya bibihisan pero no choice ako.

Kung hindi ko siya bibihisan ay hindi bababa yung lagnat niya dahil basang basa yung damit niya. Ngayon pa ba ko mag aalangan na bihisan siya? This is not the first time na bibihisan ko siya. Tss!"

I'm sorry Shine but I need to do this, Hinanda ko yung susuotin niya at mabilis na ibinihis sa kanya yun. Wala siyang malay dahil sa taas ng lagnat niya.

Bumaba ako para kumuha ng towel at naghanda ng makakain niya bago siya painumin ng gamot.

Hindi ko alam kung tama bang hindi pansinin yung paulit ulit na tawag ni Trish dahil hinihintay niya ko, o tama bang nandito ako dahil alam kong kailangan rin ako ng babaeng totoong mahal ko.

Kahit na hirap na hirap akong pakainin siya dahil nanghihina siya ay pinilit ko para mapainum siya ng gamot.

Mabilis naman siyang nakatulog ulit pagkatapos nun, Pinunas punasan ko siya ng towel hanggang bumaba yung lagnat niya.

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan at bumibilis pa rin yung tibok ng puso ko sa tuwing tinitignan ko siya ng matagal.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi mo alam Shine kung gaano ako kasaya ngayon dahil ako yung nag aalaga sayo ngayong may sakit ka."
Sabi ko kahit na alam kong hindi naman niya naririnig.

"I'm sorry for being a coward Shine, Sorry kung hindi ako nagtiwala sayo. Sorry kung pinangunahan ko yung mangyayari at magiging desisyon mo And I'm sorry for leaving you that way."
I kissed her forehead. And masaya ko na nasasabi ko yan sa kanya kahit hindi niya ko naririnig.

"Alam mo bang kahit kailan hindi nawala yung pagmamahal ko sayo, Sana mapatawad mo ko Shine. Mahal kita mahal na mahal at mamahalin kita araw araw babe."
Bulong ko sa kanya.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ko, Umaga na ng magising ako at nakita kong tulog na tulog pa rin si Shine.

Bumaba ko at hinandaan siya ng almusal.

Pag akyat ko nakita ko siyang nakaupo at hawak hawak yung katawan niya. Gusto kong mangiti sa reaksyon niya pero pinipigilan ko.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?
Ba..bakit .. Bakit..

"Tss! Hindi ka lasing kagabi Shine so stop pretending na hindi mo alam kung anong nangyari."

"I need to go home..
Mabilis siyang tumayo pero nanghihina pa siya kaya napakapit siya sa dingding at napaupo ulit sa kama ko.

"Nilalagnat ka pa, Hindi ka pa okay kaya wag na sanang matigas pa yung ulo mo."
Nilapag ko yung pagkain sa harap niya.

Tatayo pa sana siya ulit pero dahan dahan ko siyang pinaupo ulit at sinandal sa headboard ng kama ko.

"You need to eat this, Kailangan mong kumaen para makainom ka ng gamot."

"No, Kay ate na lang ako magpapaluto."
Nakita kong tatawagan niya sana si ate pero mabilis kong hinablot sa kanya yung cellphone niya at pinatay yun.

"Kakain ka o kakainin kita?
Lumapit ako sa kanya, Mabilis niyang niyakap yung sarili niya.

"Tss!
Sabi ko, Dahan dahan ko siyang pinakain at pinainom ng gamot.

Halos maubo siya ng iabot ko sa kanya yung damit niya.
"You can wear that pag uwi mo, nalabhan ko na yan at malinis na yan."

"Who change my clothes last night Ford?
Mahina niyang bulong habang kumakain ng orange.

"May iba pa bang magbibihis sayo?
Nagulat ako ng batuhin niya ko ng unan.

"How dare you."
"Tss, Kung hindi kita binihisan baka hanggang ngayon kinukumbulsyon ka na sa lagna-..

"Pwede mo naman akong balutin na lang ng kumot."
"Shine enough okay? Nakita ko ng lahat yan so there's nothin-..
"Matagal na yun and once lang yun, that's not enough reason Ford."

"What? Once? Once your foot. Tss!
Sabi ko, iniwan ko siya. Gusto kong matawa namiss ko yung ganito naming asaran at namiss kong makaramdam ng ganitong saya.

"Uuwi na ko."
Tatayo na dapat siya pero pinigilan ko siya.
Lumapit ako sa mukha niya tyaka nagsalita.

"So what do you want me to do? What happen to us It's not only once, at alam kong alam mo yan."
Tutulak niya sana ko pero nagsalita pa ko ulit.

"Remember this scene Shine? Your sick, and also I'm sick that time. But we started to be as one that time at that is the first time right? First time pero hindi yun once lang."
Nilapit ko yung labi ko sa labi niya. Hinawakan ko siya sa leeg niya at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga dahil nilalagnat pa siya.

"What the hell is going on here?"
Mabilis niya kong tinulak ng biglang may pumasok sa kwarto ko.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon