56

75 1 1
                                        


"Bakit dito tayo sa bahay mo dumiretso?

"Dito maaalagaan kita ng maayos."

"What about your parents? Especially your girlfriend, Trish?

"My parents is not here, And Trish? She's going back to canada with your mother."
Sabi niya, parang hindi naman na ako nalungkot na aalis yung nanay ko dahil sanay na kami ni ate and matagal na naming pinutol yung koneksyon namin sa isa't isa.

"You're not going with her?

"Shine, Enough asking about her, This is not the right time para pag usapan natin yan. Sabi ko naman di ba? Kapag okay ka na mag uusap tayo. But not now dahil kadidischarged mo pa lang."

"Bakit nagagalit ka?
"Hindi ako nagagalit, Naiinis lang ako dahil pakiramdam ko ginawa mo yan because of me."

"Because of you? Ofcourse not, ang gwapo mo naman."

"Hindi ako nakikipaglokohan Shine, Huwag mo naman na sanang ulitin yan dahil hindi ko talaga mapapatawa-..

Napatigil siya sa pagsesermon niya ng tumayo ako sa couch at lumapit sa kanya.
"Tama na okay? Sinabi mo na sa ospital yan, at hindi ko naman na uulitin pa yan."
Nilapit ko pa yung mukha ko sa mukha niya. Halos maamoy ko na yung mabangong hininga niya.

Nagulat ako ng hapitin niya ko sa bewang.
"So magaling ka na?
Halos tumayo lahat ng balahibo ko ng halikan niya ko sa labi.

"Kaya nga nadischarged di ba?
Dahan dahan kong tinanggal yung kamay niyang nakayakap sa bewang ko.

Rinig na rinig ko ang paghinga niya ng malalim ng lumayo ako sa kanya.

Naglakad siya palapit sakin at hinila ako sa kwarto niya.
"Magpahinga ka okay? I just need to attend this conference."
Tinignan ko yung hawak niyang laptop at alam kong may meeting siya sa Artreum.

Bakit parang nadisappoint ako na walang nangyari? Parang gusto ko na hampasin yung sarili ko sa sobrang kabaliwan ko sa lalaking yun, Ano nagpapakamarupok pagdating sa kanya? Porke't ba narinig ko lang yung dahilan kung bakit niya ko iniwan dati wala na agad galit ko? Bakit hindi ko kayang magalit sa kanya, Bukod sa pinangunahan niya yung magiging desisyon ko eh hinayaan niya kong mag isa nung mga oras na kailangan ko siya.

And isa pa hindi pa siya nagpapaliwanag, Huwag naman sanang hayaan ng sarili ko na magpadala sa mga nararamdaman ko ngayon.

Nagulat ako ng biglang pumasok sila Liam at Alyana sa kwarto ni Ford.

"Dito agad diretso ganun? Ano yung galit mo sa kanya thank you na lang besh?

"Feeling kasi niya mag asawa na sila ni Ford."
Sabi ni Liam at inirapan ako.

"Kayong dalawa, Kung pinuntahan niyo ko dito para sermonan please lang. Tama na, Kotang kota na ko sa lalaking yun."

"So sinermonan ka lang okay na kayo?

"Alyana, Just please trust me."
Niyakap ko siya.

"Siguraduhin mo lang hindi ka niya sasaktan ulit Sunshine. Dahil if that happens again, Ako mismo gagawa ng paraan para mabura yan sa puso mo."

"So human eraser ka na ngayon?
Pang aasar ni Liam, Hindi siya nakikisali dahil alam kong alam niya kung ano yung dahilan ni Ford nung mga oras na iwan niya ko because of Trish.

"Himala yatang hindi ka sinasabon ng lolo mo."

"Oo nga, Wala ka bang sasabihin?
Pagpapanggap ko.

"Kung may sasabihin man ako siguradong hindi mo rin ako pakikinggan."
Lumabas siya ng kwarto, pagtapos namin mag usap ni Alyana ay bumaba na rin kami at nakita kong nag iinom yung dalawa.

Natapos na yung meeting niya? Nakalimutan akong puntahan? Alak na alak? Tss.

Inabutan ako ng beer ni Liam pero inagaw agad ni Ford yun.
"Nag gagamot pa yan and she's not allowed to drink without my permission."

Halos mapasinghap ako sa narinig ko.
Kinikilig ako, Aaminin kong namiss ko yung ganyan siya sakin pero natauhan ako ng sikuhin ako ni Alyana.

"Tumigil ka nga, Masyado kang nagpapaakit sa mukha nyan."
Si Alyana na hindi binubuka yung bibig habang may sinasabi sa likuran ko.

Lumapit siya at kinuha yung beer na para sana sakin.
"So paano? Hindi ka raw pwede uminom, sorry ka na lang."
Si Yana at tinungga yung bote ng beer, akala mo uhaw na uhaw lang eh.

Uupo sana ko sa tabi ni Liam pero hinawakan niya yung kamay ko at doon ako pinaupo sa tabi niya.

"Alam ba ni Ate Summer na nandito ka?

"Ofcourse, Sa takot ni ate na baka ulitin niya yung ginawa niya eh binigay muna sakin habang nagpapagaling."

"Binigay talaga? Ano yan bagay na pwede mong isoli kapag sawa ka na nama-..

"Besh.''
Pinutol ko yung pagsasalita ni Alyana.

"Yes, Bagay na hindi dapat iniwan at sinoli nung mga time na naduwag ako."
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Ford, As a sign na naiintindihan ko siya at hindi niya kailangan mag explain. Pero hindi siya nagpapigil.

"Naduwag? For what reason Ford? Alam ko wala akong karapatang tanungin ka kung bakit mo iniwan si Shine pero hindi ko pa rin matanggap na ginawa mo sa kanya yun."

"Tumigil ka nga, Lasing ka na ba?
Pag aawat ni Liam sa kanya pero hindi pa rin nag paawat si Alyana.

"See? He's not answering my question. Kung hindi mo kayang panindigan na naman ang babaeng tatanga tanga na to, Ngayon pa lang iwanan mo na. Huwag mo ng paasahin pa."

Tumayo si Liam at binuhat si Alyana palabas ng bahay ni Ford, Alam kong hindi lasing yun pero hindi ko siya masisisi na magalit dahil sa lahat ng tao siya ang nakakaalam ng mga pinagdaanan ko nung iwan ako ni Ford.

Halos hindi kami mag usap ni Ford dahil sa nangyari. Hindi ako matignan ni Ford sa mga mata, Alam kong medyo lasing na siya dahil namumula na siya.

Kahit ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko, Hindi ko naman masisisi yung sarili ko na ganito agad yung maramdaman pagkatapos kong marinig yung totoo at pagkatapos akong mabigyan ng pangalawang buhay.

Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang tumayo.
"Galit ka ba sakin?
Tanong ko sa kanya habang papunta siya sa kitchen.
Sinundan ko siya at niyakap mula sa likuran niya.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Hinawakan niya yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at tinanggal yun.

"Ano bang problema? Nagagalit ka ba sa mga sinabi ni Alyana?

"Ofcourse not, Totoo naman lahat yun. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sinaktan kita noon at wala akong magawa nung mga panahong yun dahil sa pesteng pekeng sakit ni Trish."

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon