20

53 1 0
                                    


"I think I like you Shine, I do really like you."
Halos mamutla ko sa sinabi ni Ford. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sinasabi mo lang yan dahil naguguilty ka sa pagtawag mo sakin ng---..."

"I like you, Sabi mo gusto mo ko di ba? Eto na yun Shine, I like you."

"You like me?Tigilan mo ko Ford hindi mo kailangang maguilty, Kasalanan ko naman eh."
Halos mautal ako sa pagsasalita. Yung puso ko nagkukumahog sa pagtibok.

"Look Shine, It's not about the period of time, It's not about how long we've been. But It's the memories that make me fall for you."

Hindi ko mapakalma ang sarili ko sa sayang nararamdaman ko. Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi ulit.

"Akala ko ba you don't like me? Akala ko ba sabi mo tigilan na kita and you really mea-...
Hindi ako natapos sa sinasabi ko dahil nagsalita siya.

"It's true I don't like you noon, kasi natatakot ako, you've always have a night life and I know sooner or later you will be cheating on me when we are together."

Hindi ko alam pero nasampal ko siya.
"You can't judge me in that way. Hindi porke nasa bar ako palagi nag iinom eh cheater na ako! Sa halos ilang buwan na nating magkatrabaho akala ko kilala mo na ko. Nagkamali pala ko."

Lumabas ako ng opisina ko, Nagtataka man si Betty pero hinayaan niya na ko, Umakyat ako sa roofdeck para doon mag isip dahil doon lang naman ang alam kong walang makakakita sa akin at tahimik para makapag isip isip. Masaya ko na kahit papano parehas kami ng nararamdaman pero hindi ko maiwasang hindi mag alala dahil sa ex girlfriend niya.

"You're here."
Nagulat ako ng tabihan ako ni Ford.

"Sorry, I didn't mean to say that."

"Enough Ford, Alam ko namang hindi ako pwedeng maniwala sa sinasabi mo because I know that you're still inlove with your ex."

"Hindi ko na siya mahal matagal na yun at ikaw na ngayon ang nasa harapan ko. I like you, I really mean it Shine."

"Hobby mo na talagang sabihin yung salitang I REALLY MEAN IT, no?

Nagulat ako ng yakapin niya ko.
"Yung nasa Batanggas dun nagstart lahat Shine."

Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na nagbago din yung feelings niya nung nasa Batanggas kami. Kahit ako ay dun nagbago yung nararamdaman ko sa kanya. That Damn Batanggas! Hindi ko na tuloy alam kung kaya ko pang umalis sa company na ito because of Ford.

"Believe me okay? And please stop being with Drake! I hate seeing you around with him."

"Bakit ba ganyan ka na lang kagalit kay Drake, He's okay naman and I don't see any problem with him."

Sinubukan kong tumayo para bumaba na sana pero pinigilan niya ko.

"Basta I want you to stay away from him."
"Pero bakit nga?
Hindi niya ko sinasagot.

"Let me go Ford!"
Tumayo siya at sinandal ako sa dingding.

"You're making me jealous when you are with him!" Bulong niya.

"Pero Ford, I told you there's nothing between you and me!"

"Ngayon meron na. Gusto kita! Gustong gusto. Wala akong pakialam kay Trish or kahit kay Drake pa. I want you to fall in love with me weather you like it or not."

Hinapit niya ko sa bewang at hinalikan sa labi. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang ang sarili ko na sinasagot na yung halik niya.

"See? the way you kissed me I could really feel that our feeling's is mutual."

Halos maghabol ako ng hininga ng itigil niya ang paghalik sakin. Ano ba itong pinasok ko, Saan na nga ba napadpad ang planong aasarin lang siya para matanggal agad ako sa company.

Niyakap niya ko at hinalikan sa forehead. Hinawakan niya ko sa kamay habang pababa kami pero iniwas ko yun. Alam kong kailangan namin magpakaprofessional sa trabaho at hindi dapat hinahaluan ng ganitong sitwasyon. Tinignan lang ako ni Ford at nginitian, Nauna na siya bumalik ng opisina niya bago pa kami makita ng iba.

Nadaanan ko si Liam at takang taka akong tinitignan. Titig pa lang ni Liam alam ko ng nagtatanong siya kung anong nangyayari dahil nakita niyang galing kami sa roofdeck ni Ford. Kahit ako ay hindi makapaniwalang ganito kabilis kaming magkakaintindihan ni Ford.

Bago pa makalapit si Liam ay nagring ang cellphone ko.

"Hell-..

"Tatapusin ko lang ang trabaho ko then ihahatid kita pauwi."

Hindi ako natapos sa pagsasalita dahil pinutol agad ni Ford yun.

"Pero kasi magkikita sana kami ngayon ni Alyana." Pagdadahilan ko kahit si Drake naman talaga ang kikitain ko.

"Tss! Here you go again Shine, I told you to stop drinking."

"Pero Ford..
"Okay, Wait for me, sasamahan kita after work."
Okay wala na kong lusot. Siguro sa ibang araw na lang ako makikipag kwentuhan kay Drake. Balak ko kasi sanang makipagkita kay Drake.

Nagulat naman ako ng hilahin ako ni Liam papasok sa loob ng opisina ko.

"Don't tell me kayo na ng pinsan ko Shine!?"
Bungad niya pagpasok namin sa loob.

"I know, Alam kong mangyayari ito eh. Kung hindi ikaw ang mafafall sa ginagawa mo si Ford. Tell me? Sino unang umamin Shine? Dugtong ni Liam.

"It's Ford.
Bigla naman akong nilapitan ni Liam.

"And you? What about your feeling's about him?

"I know this is embarassing, But I think I like him too."

"BINGO! ano? Plano pa? Plano pa ng pang aasar kay Sir Ford? I told you kilala ko si Ford since birth, And he's not the type of person na basta na lang kakagat sa pang aasar mo."

"Now, You have no reason to leave this company Shine."
Halos mapako ako sa kinauupuan ko. Bakit imbis na maasar ako dahil wala na kong rason para alisan ang Artreum eh mas natuwa pa ko. Ganito na ba ko talaga kabaliw kay Ford? Na kahit na alam kong hindi dapat eh hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya lalo na sa mga sinasabi at ginagawa niya sakin.

"But please, Keep it slowly Shine okay? Don't fall to fast to him. I wan't you to know him better."

"You don't need to say that, Alam ko ang ginagawa ko."
Iniwan na ko ni Liam at lumabas na ng opisina ko.

Anong oras na pero nandito pa rin ako sa Artreum. Sabi ko pa naman kay Ate babalik ako agad. Pinaikot ikot ko lang ang upuan ko habang naghihintay kay Ford pero wala pa ring Ford na dumadating.

Mag aalas otso na ng gabi, Halos apat na oras na rin akong naghihintay sa kanya, Kaya lumabas na ko ng opisina ko para puntahan siya.

"Shine nandito ka pa pala."
Bati sakin ni Betty pero nilagpasan ko lang siya. Mabilis akong naglakad papunta sa opisina ni Ford.

Papasok na sana ko sa loob ng tawagin ako ni Ana.

"Ma'am Shine ano pong kailangan mo?
"Si Sir Ford kasi kanina pa ko naghihintay sa kanya.. Didiretso na sana ko sa loob ng opisina ni Ford pero napahinto ako sa sinabi ni Ana.

"He's inside, Kanina ko pa nga po hinihintay na lumabas kasi hindi pa ko makauwi."

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon