13

41 1 0
                                    

Sunshine**

Maaga akong ginising ni Ate dahil nabanggit ko sa kanya na babyahe ako ngayon papunta sa Batanggas, Aissh! Kahit na tamad na tamad ako ay wala akong magagawa.

"Shine, May tawag ka. It's Mr. Ford."
Kulang na lang eh malunok ko yung toothbrush sa gulat ko ng tawagin ako ni Ate sa banyo.

Papaano niyang nalaman ang landline namin, Wala naman akong natatandaang sinabi ko sa kanya.

"Bakit? Miss mo ko?
Pang aasar ko.

"Tss! Magkita tayo dito sa Artreum.

"Sabi ko na miss mo ko."
Hindi ko pinansin yung sinabi niya.

"We will be using one car so please paki bilisan."

"Ha? One car? Bakit? May sasakyan naman ako Sir."

"Bilisan mo na, Hihintayin kita."
Halos wala naman akong magawa ng bigla niyang binaba yung telephone.

Pagkatapos ko kumain ay nagtaxi na lang ako papunta sa Artreum. Dumaan muna ko sa office para icheck kung may nakalimutan akong files, Mukhang wala naman kaya naglakad na ko papunta sa opisina ni Ford.

Sinalubong niya ko at tyaka sumakay sa kotse niya.

"Teka nga, Bakit kasi kailangang mag isang sasakyan lang tayo? May kotse naman ako."

"Pwede naman gumamit ka ng kotse, Kung gusto mong magdrive balikan from Manila to Batanggas, And Batanggas to Manila." Tss! Ngayon pa siya nakonsensiya dyan, Kaya ko kayang magdrive. Nagawa ko nga dati eh.

"Kung gusto mo sige na bumaba ka na."
Dugtong niya at pinagbuksan ulit ako ng pinto ng kotse niya para pababain.

"Weh? Are you sure that's the only reason?
"Bakit may iba pa ba? Naiinis na niyang tanong.
"Tell me, You want to be with me right? Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya, I'm doing this because I want him to be pissed again.

Tinulak niya yung mukha ko at nagsalita.
"Sige na maghiwalay na lang tayo ng sasakyan Ms. Chaves, Get out!"

"Sabi ko nga dito na lang ako sasakay."
Natatawang kong sabi at inalis yung kamay niyang nakahawak sa pinto ng kotse tyaka ko isinara. Padabog naman siyang pumasok sa loob.

Init ng ulo? May regla na naman? Haha natatawa tuloy ako mukhang naka score ako.

Two-one Shine. Fighting! Konti na lang you can have your freedom na.

"Smiling without reason is weird."
Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya, Sinong may sabing without reason? Kung alam mo lang ikaw ang dahilan kung bakit nagiging masaya ko, Nag eenjoy akong inaasar ka.

"Staring at me while your driving is sweet." Sagot ko. Why do I feel this way? Feeling ko nagsasabi ko ng totoo, It's true I feel so romantic when someone staring at me.

"I'm not staring at you."
Sabi niya at bumaba na ng sasakyan. Napakasungit, Hindi man lang sinakyan yung pang aasar ko sa kanya kahit isang beses.

"May oras pa naman para magpahinga, Mamaya na lang tayo iikot sa site kapag hindi na masyadong mainit."
Hinagis niya sakin yung susi ng magiging unit ko pangsamantala at iniwan na ko.

Naisip ko na maligo muna para alteast kapag nag ikot kami sa site ay presko ang pakiramdam ko. Lumabas ako ng banyo ng nakatuwalya lang para sana kumain muna bago magbihis, Nagulat ako ng makita ko si Ford na nakapamewang at pabalik balik sa sala ng unit na tinutuluyan ko ngayon.

Biglang siyang napatingin sakin ng makita niyang nakatapis lang ako ng tuwalya.

"Ano? Papaanong--..
Tanong ko at dumiretso pa rin sa kusina para kumain ng slice apple.

Nagulat ako ng galit niyang itinuro yung pintuan. Problema na naman ba nito.

"For god sake! Bakit hindi ka man lang marunong maglock ng pintuan mo!?"

"Hindi ko ba nalock, Kaya pala nakapasok ka." Sinilip ko yung pintuan pero nagpatuloy lang ako sa pagkain nagugutom na kaya ko tapos apple lang makakain dito tapos nagagalit pa siya. Tss!

"Anong kaya pala? What if may pumasok dito at pagsamantalahan ka?
Seryoso siya.

"Nakalock naman yung kwarto ko if ever."

"Paano kung hindi ako ang pumasok ngayon? Tapos ibang tao yung naghihintay sayo dito? Edi narape ka na!?

Ayan na naman siya, nageeskandalo na naman. Tss! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na pumasok siya. Pwede naman antayin niya na lang ako sa labas ng sa ganun eh hindi umuusok yung pwet niya sa galit. Haha

"Don't worry, Ilolock ko na next time."

Napasinghap siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Tapos.. Tapos..
Napahinto siya napansin kong napalunok siya ng madaanan ng mata niya yung katawan ko bigla tuloy akong nahiya.

"What?"
Tanong ko.

"Lumalabas ka ng banyo ng nakatuwalya lang! Pwede ba wala ka sa sarili mong bahay."

Aissh! Seriously anong problema ni Ford akala ko pa naman naakit ko na siya. I smiled, Nagmadali na kong kumain at bumalik na sa kwarto ko.

"Okay, I'm sorry."
Naglakad na ko pabalik sa kwarto.

"Oppss don't look at me like that, I know you're looking.. Pang aasar ko.

"Just go to your room and change your clothes!" Sigaw niya, Tss umaasa lang na makaka score.

Mabilis lang ako nagbihis dahil galit na si koya.

"Halika na."
Sabi ko paglabas ko ng kwarto. Tinignan na naman niya ko mula ulo hanggang paa.

"What's with your clothes Ms. Chaves!"

"Okay naman ito, Mainit kasi I just want to be comfortable." Sabi ko.

"Sa site tayo pupunta, Gusto mo bang masunburn yang balat mo sa sobrang init? Go changed it."

Aissh! Umirap ako at bumalik ng kwarto. Hindi na siya nasanay sakin palagi lang naman akong nakasleeveless. Pagkatapos ko magpalit ay lumabas na ko.

"Okay na ito Sir?
Tinignan niya ko.

"Good, Let's go."
Tumalikod siya at nauna na maglakad sakin, natawa ko habang tinitignan si Ford parang boyfriend lang na binabantayan yung girlfriend ang tema niya ngayon.

And I really like it, the way he cares for me."
Come on shine, Stop thinking about that."

Tinitignan ako ng mga construction habang naglalakad kami sa site, Nagulat lang ako ng may isang kumindat sakin pag daan namin. Hindi ko alam kung nakita ni Ford yun pero halos bumilis yung tibok ng puso ko ng hilahin ako ni Ford palapit sa kanya.

"Shut up okay? Or else I'm going to kiss you." Napatingin kasi ako ng hilahin niya ko, papalag pa sana ko pero nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.

"Kiss me! Hindi ako natatakot."
Nilapit ko yung labi ko sa labi niya, Nakita kong napangiti siya pero hindi niya ko pinansin. Alam kasi niyang inaasar ko na naman siya. Tss! Bakit ba hindi man lang naaakit sakin yung lalaking ito.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon