"Ano bang problema mo?"Ikaw ano bang problema mo!"
Sigaw ko, Sinusubukan pa ko awatin ni mommy pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak kay Trish at hinila siya palabas ng kwarto ko.Halos itulak ako ni mommy ng muntik ng bumagsak si Trish sa sahig at hawak hawak yung ulo niya.
"Anak ano ba? You know that Trish is sick right? Please mag usap kayo ng maayos.""I'm okay Tita, Medyo sumama lang po yung pakiramda-..
"For god sake, Trish! Enough with your stupid lies alam ko na ang lahat."
"See?
Sabi ko ng mabilis na napatayo si Trish sa sinabi ko at yumakap sakin."What do you mean Ford, ano bang sinasabi mo."
Napatingin sila dad kay Trish."Sabihin mo nga sakin, Sabihin mo sa harap ng pamilya ko! Gaano karami yung taong binayaran mo para sa pagpapanggap mo!"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Hindi kita maintindihan."
Nagulat siya ng hinagis ko sa kanya lahat ng Medical documents na nakuha ko through email galing sa Canada.
"Pati ang mga tao sa Canada binayaran niyo para lang makapag panggap ka? Well sorry ka na lang dahil sa kanila ko rin napatunayan na nagsisinungaling ka!"
Nang marinig nila mommy at dad yung sinabi ko ay hindi na sila nakialam pa. Iniwan na nila kaming nagsisigawan ni Trish.
Pinulot niya yun at tinignan niya yung mga hinagis ko. Mabilis siyang yumakap sakin.
"Ford, I'm sorry nagawa ko lang naman yun kasi mahal na mahal kita."
"Hindi mo alam kung gaano karaming panahon ang nasayang ko dahil lang ginusto kong maalagaan ka dahil sa sakit mo na hindi naman pala totoo."
"Pero mas makakapag umpisa na tayo ngayon, Just give me a chance please."
"Tss! Trish pwede ba, Umalis ka na bago pa magdilim yung paningin ko sayo."
Pumunta ko sa pintuan at binuksan yun, Pilit niya pa kong niyayakap pero pinilit kong makawala dun at halos itulak ko siya palabas.
Nanginginig akong pumasok sa kwarto ko, At halos masira yung pintuan ko sa kakasuntok ko.
Kumakatok sila mommy pero hindi ko sila pinagbubuksan.
Napakalaki kong tanga para maniwala sa babaeng yun.Napahinto si mommy sa pagkatok pagbukas ko ng pinto, Lumabas ako ng bahay at nagdrive papunta kung saan kami nakacheck in ngayon.
"Sabi ko na nga ba, Hindi mo ko matitiis love. And I'm sorry for -...
"Hindi ako bumalik dito para sayo, Kukunin ko lang yung mga gamit ako and I'm not going back with you."
"Love please don't do this to me."
"You need to face the reality Trish, Dito na nagtatapos lahat ng pagpapanggap mo."
Biglang napatingin yung mommy niya sa sinabi ko, Nagulat siguro siya dahil alam ko na yung pinag gagagawa nilang mag ina."Ford, Pagusapan niyo muna kung ano ang probl-..
"Pagusapan Tita? I think kayo po dapat ang magusap dahil tapos na ang pagpapanggap niyo.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ford."
Hinawakan niya ko sa braso pero tinanggal ko yun at nagsalita."Ngayon, Naiintindihan ko na sila Ate Summer at Shine kung bakit suklam na suklam sila sayo."
Lumabas ako ng hotel na dala lahat ng gamit ko, Sinundan pa ko ni Trish pero hindi ko siya pinansin.
Dumiretso ko sa bar para magpakalasing, Ang dami kong pinagsisisihan ngayon. Ang dami kong sinayang na panahon para lang sa walang kakwenta kwentang tao.
Napahinto ako ng mag ring yung cellphone ko, Si Liam. Ayoko sana siyang kausapin muna dahil magulo pa rin yung isip ko pero naka ilang ulit na siya ng tawag kaya sinagot ko yun.
"Damn it! Bakit ngayon mo lang sinagot, I'm here at the hospital."
"Hospital? Bakit sino nandyan?
"Si Shine nagtangkang magpakamatay."
Pakiramdam ko nawala bigla yung lasing ko, Halos masabunutan ko yung sarili ko habang naghihintay kami sa labas ng emergency room.
Hindi ko alam kung bakit nandito si Drake, pero masaya ko dahil nandito sila ni Alyana para alalayan si Ate.
"She's been suffering too much stress to do this, And I don't know what to do if anything happen to her."
"Mabuti na lang Drake visit her that time, Pinayagan kong dumiretso siya sa kwarto ni Shine at nakita siya ni Drake, Sa sobrang busy ko sa trabaho ito na naman ako nakakalimutan ko na naman silipin o kamustahin yung taong pinakamahalaga sakin."
"Imagine, Narinig kong sumigaw si Drake kaya mabilis akong umakyat sa taas. I saw her lying in her bed. Nilalagnat at puro dugo yung kamay niya. Akala ko niloloko lang nila ko, pero nung makita ko yung mga hiwa sa kamay niya halos hindi ako makahinga."
Umiiyak na si ate Summer habang nagkikwento.Hindi ako halos makatingin ng diretso sa kanya dahil alam kong isa ako sa stress na pinagdadaanan ni Shine.
"And I think Ford, One of the reason kung bakit niya ginawa yan is because of you, Kaya please kung hindi mo kayang ipaglaban o panindigan yung kapatid ko stay away from her. Kasi if anything happen to her isa ka sa mga sisisihi-..
"I love Sunshine, Mahal ko siya umpisa pa lang and hindi ko rin mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama."
"You love her? Pero iniwan mo? Nung mga oras pa na kailangan niya ng taong susuporta sa kanya. Hindi ako naniniwalang mahal mo siya."
"Ate, Alam kong mali na pinangunahan ko yung nararamdaman ni Shine but I have reason kung bakit ko nagawa yun."
"Tss! Enough guys, Okay? Huwag na tayong mag sisihan alam naman nating hindi kaya ni Shine yung mga ganitong sitwasyon. Alam niyo naman yun puro night out party lang masaya na pero yung mga pinagdaanan niya nito lang hindi talaga niya makakaya."
Napatigil kami ng awatin kami ni Liam, lalo daw siyang hindi mapakali sa naririnig niya samin ni ate kaya iniwan niya kami.At halos kapusin naman siya ng hininga sa pagtakbo niya pabalik samin dahil nakita niyang lumabas na yung doctor na galing sa loob ng emergency room.
"Stable na po si Ms. Chavez, And mabuti na lang at nadala siya agad dito. Dahil kung nadelay delay pa yung pagdala sa kanya, Siguro hindi natin siya naagapan."
"Doc, Are you sure that she's really okay? Nothing will happen to her?
Umiiyak na tanong ni Ate Summer sa doctor."Yes iha, All you have to do is wait for her to wake up."
" But Ms. Chavez is staying at the ICU with in three days to monitor her vitals."I'll stay here."
"Can I stay here?"
Sabi ko, Halos magkatinginan kami ni Drake dahil parehas kami ng sinabi.

BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.