1

320 7 0
                                    







"Good Morning Sunshine, In my office please."
Bungad ni Liam pagdating na pagdating ko sa office. Kailangan talaga binubuo yung pangalan ko pwede namang Shine na lang.

"Ang saya mong nandito ako no? Kasi may babantayan ka."
Sabi ko pero hindi ako pinansin ng loko. Alam kong uutusan na naman siya ni daddy para bantayan ako. Tss!

Kababata ko siya at matanda siya ng konti sakin, siya ang mata ni daddy sakin tagapag bantay ganun. Minsan kunsintidor, madalas naman kakampi ni daddy. Ewan ko ba sa taong yan baliw yata paiba iba ng mood. Minsan naman may araw na kasundo ko siya sa lahat ng kalokohan kaya nga yung ibang babaeng mga dinidate niya pinagseselosan na ko dahil sa sobrang close namin. Pero alam naman namin na malabong mainlove kami sa isa't isa dahil bukod sa magkaiba kami ng taste pagdating sa pagpili ng mamahalin eh alam namin ang limitasyon namin bilang magkababata.

"Oh there you are..
Sabi niya

"Nasa harapan muna di ba."

"Mabuti naman at naisip munang sumunod kay Tito."

"As if naman may magagawa ako sa gusto ni dad."
Pagmamaktol ko sa harapan ni Liam hoping na maaawa siya sakin para tawagan niya si dad at sabihing huwag na kong pilitin sa bagay na ayoko naman talagang gawin dahil kawawa ako.

"Mabuti at alam mo."
Matigas na sagot ni Liam, okay hindi siya naawa sakin hindi umipekto ang pang uutong ginagawa ko.

"By the way I want you to meet--.."

"Your girlfriend, It's Hannah right?
Singit ko sa pagsasalita niya. Alam ko namang hindi niya girlfriend yun, I was wondering lang naman kung anong magiging reaksyon niya.

"No! She is the secretary of Mr. Ramirez, the CEO in this company."
Napalunok ako bigla, sinamaan niya ko ng tingin parang sinasabi niyang yari ako mamaya sa kanya.

"She is Ana."
Pinandidilatan na ko ng mata ni Liam dahil sa pangaasar ko sa kanya.

"Ipakikilala ka niya kay Sir Ramirez, Kayong dalawa ang magkasama sa una mong project dito."

"Mr. Ramirez? Ramirez?"
Paulit ulit kong tanong kay Liam. Naalala ko bigla yung nag interview sakin dito bago pa ko makapasok dito. Sabi ng mga kasabayan ko yun daw ang may ari ng Artreum pero hindi ako naniwala kasi akala ko tsismis lang nila yun, hindi ko alam na totoo pala.

Halos mapakamot ako sa ulo ng maalala ko yung pinag gagawa ko nung iniinterview ako ng Mr. Ramirez na yun.

Interview..

"Can we start?
Bigla ko naibaba yung cellphone ko. Kausap ko kasi si Alyana, my bestfriend.

"Mabilis lang naman di ba?
Tanong ko pero tinignan lang ako ng lalaking nag iinterview sakin. Saan ka nakitang nag aapply na nagmamadali?! Haha.

Tss! Huwag kang umasang seseryosohin ko ang mga tanong mo, gusto ko sanang sabihin pero mukhang masungit kaya wag na lang.

"Should we start? Tanong niya, mabilis naman akong tumango.

"Okay, This is your first question.
"Why should we hire you?

"Because I think you need me."
Walang kakaba kaba kong sagot. Wala naman kasi talaga ko balak magtrabaho. Pinipilit lang ako ni daddy nasasayang daw kasi yung pinag aralan ko. Ayaw naman nila ko sa company namin ipasok dahil baka daw magbuhay prinsesa lang ako dun. Aissh! Kailangan pang ipadala ako sa ibang company. Tss!

Ayokong matanggap dito kahit pa kaibigan ni daddy yung may ari ng company na ito. At gagawin ko lahat wag lang akong makapasa sa interview.

"Excuse me miss? Will you please focus on the question"
Sabi nung lalaking nag iinterview sakin.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon