47

39 3 0
                                    

"Shine no, Don't do that."
Pagpipigil ni Alyana.

"Nandito sila para makiramay okay?
Hinawakan ako ni Liam habang papalapit na yung dalawa sa amin.

Hindi ko alam pero mas lalo lang nadagdagan yung sakit na nararamdaman ko. Papalapit na sana sila pero hindi ko pa sila kayang harapin, Mabilis akong tumakbo palabas ng chapel.

Hindi na rin naman ako nahabol nila Alyana at Liam dahil walang bantay si daddy dahil tulog nga si ate.

Umupo muna ako sa may gilid sa labas, Kahit papano naman ay tanaw ko pa rin si daddy sa loob.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likuran ko, At alam na alam ko kung sino yun dahil sa pabangong gamit niya.

Tinanggal ko yung pagkakayakap niya at lumayo sa kanya.
"Anong ginagawa mo?

"Shine, I'm sorry! Sorry kung wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ng makakasama."
Pilit niya kong niyayakap pero tinutulak ko siya.

"Ano bang sinasabi mo?
Naiinis ako na naririnig ko sa kanya ngayon yan. Ano pang silbi nyan? At sinasabi niya pa sakin para saan pa. Tss!

"Alam ko kahit hindi mo sabihin Shine, Nararamdaman ko kung gaano kabigat yang dinadala mo."

"Alam mo, Salamat dahil nandito ka para kay daddy. Nagpapasalamat ako at hindi mo nakalimutan si daddy. Yun lang naman yung dahilan kung bakit ka nandito Ford right? At tanggap ko ng hindi ka na babalik pa sa buhay ko!"
Pinunasan ko ang luha ko at pumasok na sa loob ng chapel.

Pero nagulat ako ng maabutan ko si ate na nagsisisigaw at pinapalabas yung babaeng nasa harapan niya ngayon.

Mabilis akong tumakbo palapit kay ate. Aawatin ko na sana siya pero napahinto rin ako ng makilala ko kung sino yung sinisigawan niya. Si mommy at umiiyak dahil ayaw siyang palapitin ni ate kay daddy.

"Shine, anak ikaw na ba yan?
Tinititigan niya ko, Hindi ko siya pinapansin.

"Pwede bang umalis ka na lang? Bigyan mo ng konting kahihiyan si daddy!"
Humihikbing sabi ni ate, Pero nagulat kami ng mabilis siyang lumapit samin at pilit kaming niyayakap.

Pero sadyang namamanhid na si ate sa sakit na nararamdaman niya ngayon kaya malakas niyang naitulak si mommy na halos matumba sa sahig.

Aakayin ko sana si mommy patayo ng biglang may lumapit sa kanya.

"Ma, Ano bang nangyayari?
Sabi nung lumapit sa kanya.

Lumapit ako kay ate pero mabilis akong napalingon sa babaeng lumapit kay mommy. Akala ko nagkamali lang ako ng rinig sa boses pero halos hindi ako makagalaw ng malaman kong si Trish nga yun na ngayon ay hawak hawak si mommy palabas ng chapel kasunod ni Ford.

Iniwan ko si ate at mabilis na sumunod sa kanila palabas. Napatingin sila sakin pero hindi na ko nagpaligoy ligoy pa sa pagsasalita.

Manhid na rin ako sa nangyayari. At gusto kong maging isahang sakit na lang lahat!

"Shine..anak patawarin mo san-..

"Hindi ako sumunod sa inyo para patawarin ka, Gusto ko lang marinig sayo mismo kung anak mo ba talaga ang babae na to?
Tinuro ko si Trish, Napansin ko ang pagpisil ni Trish sa kamay ni mommy.

Akala ko hindi siya sasagot pero dahan dahan siyang tumango, Pakiramdam ko sinasaksak na naman ako ng paulit ulit sa sakit. Napansin ko ang pagtitig sakin ni Ford pero hindi ko siya pinansin. Yayakapin sana ulit ako ni mommy pero tinabig ko lang ang mga kamay niya at bumalik na sa loob.

Nakita kong pinapakalma na nila si ate, Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kanina ko pa gustong bumigay sa nangyayari pero nilalakasan ko ang loob ko dahil alam kong mas lalong panghihinaan si ate kapag pati ako ay bumigay.

Inabutan ako ng tubig ni Alyana. Masaya ko na hindi nila ko iniiwan ngayon pero alam kong kailangan din nilang umuwi dahil may mga personal rin silang kailangan gawin.

"Sige na, umuwi na kayo ni Liam para makapagpahinga na rin kayo. Ako ng bahala kay ate."

"Pero Shine, Hindi ka pa okay alam ko!"

"Don't worry guys ako ng titingin kay Shine."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Drake na nakaupo sa likuran namin, Tatanggihan ko rin sana siya pero inunahan niya na kong hindi ko siya mapapauwi kahit anong pang sabihin ko.

"Babalik na lang kami Shine, Please alam ko maraming gumugulo sa isip mo ngayon. Just take it easy okay? Tawagan mo lang ako."
Niyakap ako ni Alyana. Naramdaman ko naman ang paghalik ni Liam sa ulo ko. Alam kong sa lahat siya yung pinaka nag aalala sakin.

Medyo napanatag na rin ako ng makita ko si ate na nakikipag usap na sa mga kaibigan niya. Hindi pa kami nakakapag usap tungkol sa nangyari kanina pero alam kong may oras kami dun para pag usapan.

Naisip ko na magpahangin muna sa labas, Ang daming natakbo sa isip ko ngayon. Pagkawala ni daddy, Pagpapakita ni mommy, Malaman na kapatid ko pala si Trish na dahilan kung bakit ako iniwan ni Ford.

Feeling ko konti na lang sasabog na yung dibdib ko at hindi napigilan ng luha ko na hindi tumulo. Nagulat ako ng tabihan ako ni Drake at inabutan ng tissue.

"Shine, Alam ko mahirap paniwalaan pero totoo."
Napatingin ako kay Drake.

"Anong totoo? Don't tell me alam mong kapatid ko rin si Trish?

"Alam mo bang ako yung dahilan dati kung bakit naghiwalay sila ni Ford."

"Hindi ko alam, Pero alam kong ex mo rin si Trish."

"Paanong hindi mo alam? Tapos alam mong ex ko siya?

"Di ba nga gawain mong saluhin yung mga iniiwan ni Ford."
Napangiti si Drake sa sinabi ko.

"Ibang klase, Dinadamayan ka na nga ganyan mo pa ko kausapin."

"I'm telling the truth right?
Sagot ko.

"Pero hindi pa naman kita nasasalo so hindi ako agree sa sinasabi mo!

"Wag ka mag alala wala akong balak pasalo sayo."
Pagsusungit ko habang pinupunasan yung luha ko.

"Wala rin naman akong balak saluhin ka!"

"Kaya pala nandito ka ngayon?

"Yun ay dahil may taong humingi ng pabor sakin!"

"Nagdadahilan ka pa."
Sagot ko kahit na nagtataka pa ko sa sinasabi niya.

"Hindi ko naman pagtyatyagaan yang ugali mo kung hindi nakiusap sakin yung mahal mong-..

"Drake!"
Napatingin ako sa tumawag kay Drake kaya hindi siya natapos sa pagsasalita.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon