Sunshine***
"Nag usap na tayo Shine."
"Pwede ba tayo magkita for the last time?
"No Shine, Wala na kong sasabibin pa sayo."
"Hihintayin kita, Hindi ako uuwi hangga't hindi ka dumadating."
Ibinaba ko ang cellphone ko, Mabilis akong lumabas ng bahay at nagdrive kung saan kami magkikita ni Ford.Hindi ko alam kung darating siya pero umaasa pa rin ako.
Pumasok ako sa isang coffee shop at dun siya hinintay. Mag iisang oras na rin akong naghihintay at unti unti na ko nawawalan ng pag asa na pupuntahan pa niya ko. Siguro nga hindi na ko mahalaga sa kanya dahil ganun na lang kung tanggihan niya ko.
Bigla na namang tumulo yung luha ko. Nagulat ako ng biglang may nag abot ng panyo, Si Ford pero hindi ko kinuha.
"Shine please. Stop being like this."
Sabi niya at umupo sa harapan ko."Akala ko talagang baliwala na ko say-..
"Ano pa bang paguusapan natin, Sandali lang ako dahil ngayon ang flight namin."
Pagpuputol niya sa pagsasalita ko."You're leaving with Trish?
Sabi ko, pero napatingin siya sakin at ramdam ko ang paghinga niya ng malalim."Yes."
"So talagang maghihiwala-..
"Shine kailangan ko pa ba ulitin yung napagusapan natin.""Tell me, Ginagawa mo lang yan dahil kay dad di ba? Bat ganun babe ang bilis naman nagbago nang nararamdaman mo."
Umiiyak na ko."No, I'm doing this for Trish. Shine tapos na tayo and sana respetuhin mo kung ano man ang naging desisyon ko.
"So aalis ka na talaga at iiwan ako ng ganun ganun lang?
"Yes.
Malamig niyang sagot habang tinititigan ako."Hindi ako naniniwala babe. Alam kong napepressure ka lang dahil kay dad."
"You know what Shine, Seeing you like this is more than pressured to me. Kaya parang awa mo na sana this is the last time na magkikita tayo Shine.
Sabi niya.Halos humikbi ako sa pinagsasabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang sinasabi niya sakin yan at ang sakit sakit, parang kailan lang mahal na mahal niya ko tapos sa isang iglap ganito na lang ako sa kanya ngayon.
Tatayo na sana siya pero nagsalita ako ulit.
"Paano ang launch ng Gvr?
"I've already talk to Mrs. Mendoza."So iiwanan mo na rin pati yung project na magkasama nating ginawa."
"Shine enough.
"Iiwanan muna nga?
Yes or no lang Ford.""Yes, At wala na kong dapat ipaliwanag pa sayo Shine.
"Tss! You're being unprofessional."
"Me? Unprofessional? Oh ikaw? Hindi mo ko tinatanong bilang boss mo, tinatanong mo sakin yan bilang boyfriend mo tapos gusto mo mag yes or no lang ako Shine."
Ramdam ko ang galit sa pananalita niya."Shine please lang, Tama na ayoko ng makita ka pa."
Dugtong niya at lumabas na ng coffeeshop.Halos hindi ako makahinga sa pag iyak ko, Paulit ulit kong hinahampas yung dibdib ko.
"Tara sa Coal?
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Drake sa harapan ko."Tss! You're stalking to me again?
"No, napadaan lang ako at nakita kita.""Leave.
Sabi ko, pinunasan ko yung luha ko at lumabas ng coffeeshop. Pero makulit siya at sinundan ako."Tara na, Libre ko. Alam kong kailangan mong malasing ngayon."
"May pambili ako ng alak at hindi ko kailangang magpalibre sayo Drake.
"Edi ako na lang ilibre mo."
Hinila na niya ko pasakay sa kotse niya. Tinawagan niya yung company driver at pinakuha na lang yung sasakyan ko.Hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak, Iniisip ko pa lang na aalis na siya ngayon with Trish ay halos mabaliw na ko ano pa kaya kapag wala na siya.
"Gusto mo ba pigilan siya sa Airport?
Napatingin ako kay Drake."Pinapaimbistigahan mo ba ko? At alam mong bawat detalyeng nangyayari sa buhay ko?
"Susundan nga natin? Gusto mo ba?
Hindi ako sumasagot. Pero alam kong nararamdaman niyang gusto ko.Nagulat ako ng bilisan niya ang pagmamaneho, Isang oras lang ay nasa NAIA na kami.
"Ayun sila oh.
Si Drake at tinuro kung nasan sila."Sige na bumaba ka na. Hihintayin kita dito."
Dugtong niya.Nakita kong nagpaalam si Trish sa kanya, Naupo siya saglit. Bababa na sana ko ng pigilan ako ni Drake.
"Are you sure? Magpapakita ka?
Tanong niya pero hindi na ko sumagot pa. Bumaba ako ng sasakyan at mabilis n lumapit sa kanya."Shine, What are you doing here?
Gulat na gulat siya ng makita niya ko."I just want to make sure na okay ka bago ka umalis."
"Tang ina naman Shine! Hindi mo talaga iniintindi yung mga sinabi ko sayo!"
"I love you."
Sabi ko habang galit na galit siya. Napahinto siya at tinitigan ako."Shine umalis ka na."
"I miss you."
Sabi ko ulit. Nagulat ako ng hilahin niya ko sa side na walang nadaan at walang makakakita samin."Shine sige na umalis ka na please."
"Just don't be sick."
Sabi ko."Umalis ka na."
Tinutulak na niya ko, Hindi pa rin ako naalis."Minahal mo naman ako di ba?
Umiiyak na naman ako."O talagang nagpalipas ka lang ng oras, ginamit ako habang hinihintay yung pagbabalik ng ex ng girlfri-..
Nagulat ako ng bigla niya kong halikan.Sobrang lalim ng halik na yun at halos kapusin ako sa paghinga dahil dun. Naramdaman kong may tumulong luha sa kanya.
"Yan gusto mo to di ba? Sige ibibigay ko bago man lang kita iwanan."
Sabi niya, Sinubukan niyang tanggalin yung butones ng suot kong polo."Yes ginamit lang kita at gagamitin kita ulit ngayon."
Sabi niya. Nang matanggal niya yung unang butones ng polo kong suot eh tumigil siya. Umiiyak at niyakap ako.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil kahit ako hindi makapaniwala sa ginagawa niya sakin ngayon.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
Nanginginig siya at pilit akong niyayakap. Pero hindi pa rin ako nagsasalita."You're done?
Napatingin ako sa nagsalita. Si Trish at halos titigan ako mula ulo hanggang paa.Hinila na siya ni Ford palayo sakin, Pero bumalik pa siya.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat na hinayaan ko munang tikman ka niya ulit bago siya umal-..
"Let's go.
Sigaw ni Ford sa kanya."Why would I say thank you? Baka ikaw ang dapat magpasalamat, Dahil kahit na nararamdaman ko kung gaano ako kamahal ng taong ilalayo mo sakin ngayon ikaw pa rin ang pinili niya."
"How dare you."
Sigaw niya sasampalin niya sana ko pero hinawakan ko yung kamay niya."How dare you too! Just be thankful for what you have for now. And goodluck sa lalaking kasama mo na ako ang totoong mahal."
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.