"Dad---...
Nagulat ako ng salubungin ako ni daddy pag uwi ko kinabukasan."Stop dating with Mr. Ramirez!"
Bigla akong nalito. Akala ko ba okay lang, Akala ko okay na nung nag usap kami sa resort."Pero dad akala ko nag usap na tayo about dito?"
"No Shine, I'm doing this for you. Ititigil mo ang pakikipagrelasyon kay Fo--...
"Pero dad nag usap na kayo, Sabi mo okay lang ano yun pakitang tao ka lang that time!?"
"Ofcourse, I need to do that because I'm a business man at ayokong sakin niya mismo marinig."
Maawtoridad na sabi ni daddy halos kumirot yung dibdib ko sa sinasabi ni dad."Pero dad hindi naman tungkol lang sa negosyo yung meron kami ni Ford, dad mahal ko si siya!!"
"Then stop loving him."
"Your so unbelievable dad! Hindi ko gagawin ang gusto mong mangya---...
Hindi ako natapos sa pagsasalita ko dahil sinampal niya ko."Kailan ka pa natutong sumuway sakin!? Tingin mo ba pinapagawa ko sayo yan para sakin ha!?"
"Then why? Bakit ayan ka na naman? pinipilit na naman ako sa ayokong gawin!"
"Because you need to do that for your self!!"
Mabilis akong hinila ni ate palayo kay daddy bago pa ko makasagot ulit.Hindi ko talaga maintindihan, Bakit kailangang tutulan ni daddy yung relasyon namin.
"Shine enough! Hindi ka na dapat pa sumasagot kay daddy."
"At ano hayaan na lang si daddy sa ginagawa niya? Ate ano pa bang kailangan ko gawin? Sinusunod ko naman lahat ng gusto niya bakit pagdating para sa sarili ko hindi ako mapagbigyan ni daddy!!"
Umiiyak na pala ko, Bukod kasi sa kirot na nararamdaman ko sa pisngi ko eh hindi ko matanggap na hindi ako kayang suportahan ni dad pagdating sa kaligayahan ko.
"Shine, Alam mong hindi ka tututulan ni daddy kung wala siyang dahilan."
"Alam mong hindi ko susundin si dad ate, I'm sorry but I need to do this."
Kinuha ko yung malaking bag ko sa ilalim ng kama ko at nilagay lahat ng damit ko at mga kailangan ko.Pero paulit ulit lang din nilalabas ni ate yung mga gamit ko para pigilan ako.
"Shine ano ba! You don't need to do that!!"
"Please hayaan mo naman muna ko magdesisyon para sa sarili ko."
"Pero Shine alam mong mas lalo lang magagalit si daddy kapag ginawa mo yan, Kaya gawin mo na lang ang gusto niya."
"Hindi ko gagawin ang gusto ni daddy, Mahal ko si Ford at nararamdaman kong mahal rin niya ko."
Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto ko habang si ate naman ay sinusundan ako para pigilan."Saan ka pupunta? Makikipagtanan ka kay Ford ha!!
Sigaw ni ate, Halos magpantig yung tenga ko sa narinig ko pero hinayaan ko lang, pasakay na sana ko ng kotse ko ng marinig ko si daddy."Let her go! Hayaan mo siya! Bakit mo pipigilan ang taong hindi naman marunong makinig!!"
Napatingin ako sa kanya mabilis na naman na pumatak yung luha ko."Pero dad, Please pigilan mo naman ayusin niyo na lang yung pinag awayan niyo!"
Narinig kong pakiusap ni ate kay dad."I will cut all your credit card Shine tandaan mo yan! Huwag kang umasang magagamit mo yan sa pagrerebelde mo!"
Pakiramdam ko mas lalong sumama yung loob ko kay dad pero hindi ko yun pinansin at pumasok na sa loob ng sasakyan ko."Babalik din yan Summer, Hayaan mo siya."
Narinig ko pang sigaw ni dad bago pa ko makaalis.Kaya kong mabuhay kahit wala lahat ng galing sayo dad at patutunayan kong kaya ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero wala akong tinawagan para ipaalam kung anong sitwasyon meron ako.
Ayokong malaman nila yung nangyayari sakin at ayokong pati sila ay magalala para sakin. Diniretso ko yung kotse ko sa isang hotel. This time wala akong choice kung hindi magcheck-in muna dahil wala naman akong ibang pupuntahan.
Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama. Ang sakit pa rin ng dibdib ko dahil sa pagiyak ko.
Paulit ulit akong tinatawagan ni ate pero hindi ko sinasagot.Inayos ko ang sarili ko dahil may pasok ako ngayon. Kailangan kong patunayan kay daddy na kaya ko at hindi ko bibiguin ang sarili ko.
Pagdating na pagdating ko sa trabaho ay sinalubong agad ako ni Ford. Pero napahinto siya at tinititigan ako.
"Umiyak ka ba?
Nalilito niyang tanong, mabilis naman ako na umiling."Medyo inaantok lang."
Pagdadahilan ko."Inaantok? Maaga naman tayo natulog kagabi babe."
"Aish! Sige na babalik na ko sa opisina ko, Kita na lang tayo mamayang break."
Kailangan ko iiwas ang sarili ko para hindi niya mahalata na may problema ako. Ayokong pati ako ay problemahin niya pa."No ihahatid na kita sa office mo."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatid ako sa opisina ko. Parang bigla naman gumaan yung pakiramdam ko ng halikan niya ko sa forehead."You sure you'll be okay?"
Tumango lang ako at iniwan na niya ko. Isinandal ko ang sarili ko sa swivel chair ko. Iniisip ko pa rin yung pinag awayan namin ni daddy.Hindi tuloy ako makapagfocus sa ginagawa ko.
"Shine, May gusto daw po makipag usap sayo."
Nagulat naman ako ng pumasok si Betty."Ha? Sino daw?
Bigla naman akong napatayo ng makita ko si Ate. Iniwan na kami ni Betty at pinapasok na si ate."Kung pauuwiin mo lang ako ate, Alam mo na ang isasagot ko dyan!"
Napatigil ako ng may ilapag si ate sa table ko."No, Hindi kita pauuwiin. That's my credit card you can use that anytime."
Binalik ko yun kay ate.
"May ipon naman ako, Hindi mo kailangang gawin yan.""Accept it. Para man lang kahit dyan mapanatag ako na okay ka."
Iniwan ni ate yung credit card at lumabas na ng opisina ko.Susundan ko pa sana siya pero pumasok si Betty at sinabing pinapatawag daw ako ni Liam. Tss! Bakit naman ako ipapatawag ni Liam, Kahit na naiinis ako ay pinuntahan ko pa rin siya sa office niya.
"Pinapatawag mo raw ako?
Umupo ako sa harap ng table niya. Nagulat naman ako ng bigla niya kong batukan."Akala mo hindi ko alam?
"Aray naman! Ano ba yun?
"Akala mo hindi ko alam na naglayas ka? Tito Wilson called me."
"Liam please. Huwag mo ng dagdagan yung sama ng loob ko."
"Where are you staying?
"I can't tell you sorry."
Sagot ko at iniwan na siya para bumalik sa opisina ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/137345170-288-k839354.jpg)
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.