Tulog na ba siya? Ganun na ba siya kapagod at nakatulog na.
"Ford, Come on let's go home."
Lumapit ako sa kanya pero hindi siya nagsasalita. Nagulat ako ng hawakan niya ko sa kamay parang mainit.Natataranta ko naman siyang hinipo, Hindi ko alam ang gagawin ko dahil inaapoy siya ng lagnat.
"Nilalagnat ka, Bakit hindi mo sinabi sa secretary mo."
Itinayo ko siya palabas ng opisina niya."Because I want you to take care of me."
Bulong niya habang akay-akay ko siya. Bilis naman agad ng tibok ng puso ko, Akala ko iniwan na niya ko akala ko nakalimutan na niyang may naghihintay sa kanya."Ma'am ano pong nangyari?
Natatarantang tanong ni Ana."Ford has a fever, Pero ako ng bahala makakauwi ka na Ana." Sabi ko, tinulungan niya kong maisakay si Ford sa sasakyan ko.
"Can I take you home?
Tanong ko sa kanya tumango naman siya kaya nagdrive na ko papunta sa kanila.Bakit parang walang tao. Bago pa ko makababa ay ibinigay niya sakin yung susi ng bahay nila.
"Bakit parang wala tao?" Tanong ko.
"Nasa business trip sila..
Napatingin ako sa kanya at alam kong gusto niya ng magpahinga at mahiga.Binuksan ko yung gate nila tyaka ko binaba si Ford. Nagulat naman ako ng humawak siya sa balikat ko habang naglalakad kami.
Diniretso ko siya sa kwarto niya at pinahiga muna doon.
"Don't leave me please..
Hinawakan niya ang kamay ko ng makita niyang papalabas ako ng kwarto niya."Kukuha lang ako ng towel pangpunas sayo."
Lumabas na ko at naghanap ng towel pati na rin lagayan ng tubig. Hays bakit ba naman kasi ang laki laki ng bahay nila nasaan din ba kasi yung maid nila para man lang sana may natatanungan ako. Tss!Halos tumakbo naman ako pabalik sa kwarto niya ng makarinig ako ng malakas na kalabog mula doon.
"Ford!
Natataranta kong sigaw nahulog kasi siya sa kama niya at wala siyang malay sa sobrang taas ng lagnat niya."Kasi naman bakit ba hindi ka nagsabi agad kay Ana kanina!
Sermon ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman niya ko naririnig. Nahirapan akong buhatin siya pabalik sa kama niya pero binaliwala ko dahil sa sobrang taranta ko at hindi ko alam ang gagawin ko."Ford you need to change your clothes, Basang basa sa pawis ang damit mo."
As if naman maririnig niya ko, Pumunta ko sa damitan niya at kumuha ng t-shirt para sa kanya. Mukhang wala na akong magagawa kundi bihisan siya.Aissh! Makasalanan talaga itong mata ko, Kahit na iniiwas ko na yung tingin sa katawan ni Ford eh kusang bumabalik para titigan yun.
My god shine, Hindi ko akalain na pagnanasaan mo ang katawan ni Ford lalo na ngayon na nilalagnat siya. Itigil ang kamanyakan Sunshine.
Bago ko pa ibihis sa kanya yun ay pinunasan ko siya ng towel sa buong katawan niya. Halos paluin ko na yung noo ko ng paulit ulit dahil sa paulit ulit din ng pagdaan ng palad ko sa abs ni Ford.
Hello may towel oh Shine, Hindi palad mo ang ipapamunas sa katawan ni Ford. Baka lalo lang lagnatin yan sa ginagawa mo."
Sinuot ko na yun t-shirt niya bago pa ko magkaroon ng kasalanan at nilagay sa forehead niya yung towel. Bumaba ako sa kusina nila para maghanap ng pwedeng lutuin sa kanya bago man lang siya uminom ng gamot.
Tss! Lahat ng hindi ko ginagawa sa bahay ginawa ko ngayon for you Ford. Ganyan ka kalakas sa puso ko. Swerte naman na nakahanap ako ng cup noodles. Mabuti na lang din at nakita ko yung emergency kit nila. Taray ang yaman talaga, Kami nga walang ganyan eh. Hindi naman kasi uso kay daddy ang magkasakit.
Pag akyat ko nakita kong tulog na tulog si Ford umupo ako sa side niya. Ang gwapo pala talaga niya kahit sino naman siguro mafafall sa kanya ng ganung kabilis lalo na sa isang katulad niya na sungit sungitan ever.
"Ford wake up you need to eat para makainom ka ng gamot." Nagising siya at sumandal sa headboard ng kama niya. Mataas pa rin ang lagnat at paulit ulit na tinatawag ang mommy niya.
Mabuti naman at mommy niya ang tinatawag niya ngayon dahil kapag si Trish na naman yun iiwanan ko talaga siya.
Dahan dahan ko siyang sinubuan kahit na nakapikit pa siya at hinang hina dahil sa lagnat niya. Tinatablan pa pala siya ng sakit. I smiled habang tinititigan ko siya.
"I'm glad you're here mom."
Sige lang mas gusto ko ang tawagin mo kong mom kesa Trish."Here baby..
Parang tanga lang ako pinaninindigan ko talaga ang pagiging mommy niya. Inabot ko sa kanya yung gamot mabilis lang naman niyang ininom yun. Nahiga na ulit siya sa kama at nilagyan ko ulit siya ng towel sa noo.Parang nanay lang ako na nag aalaga ng anak ko na may sakit. This is my first time na mag alaga ng may sakit at sa lalaki pa, Pasalamat siya mahal ko siya.
Sana ganito na lang palagi ako kalapit sayo yung hindi mo ako sesermonan or hindi mo ako susungitan. I sighed hoping na ganito rin yung nararamdaman niya for me."
Yumuko na lang ako sa kama niya at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Ford**
Pinilit ko ng magising dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. I saw Shine on my side.
Unti unti kong naalala na nilalagnat pala ko kahapon. Na sa dinami dami ng araw na lalagnatin ako eh bakit ngayon pa na kailangan kong daanan si Shine sa opisina niya dahil sasamahan ko siya kay Alyana.
Ganito kasi talaga ako. Konting lagnat lang hindi ko na kinakaya, kaya ayokong nagkakasakit lalo na kapag nasa ibang bansa sila mommy dahil walang mag aalaga sakin.
Nahihiya naman akong tawagin si Ana kaya mas pinili ko na lang na yumuko sa table ko. I want Shine on my side, I need her. Sa kanya lang ako comfortable pero hindi na ko nakatawag pa dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
At ngayon nasa tabi ko siya. So she's the one who took care of me, I smiled na kahit hindi ko sabihin na kailangan ko siya eh nararamdaman niya. Ito siguro yung dahilan kung bakit nafall din ako sa kanya lalo na nung nasa Batanggas kami. Pinilit kong labanan yung nararamdaman ko dahil alam ko namang inaasar lang niya ko but I failed.
I think I love her, Hindi dahil kay Trish or what. Sinabi ko naman na dati na nakamove on na ko sa kanya kung natatawag ko man yung pangalan niya sa ibang tao yun ay dahil nasanay lang siguro ko but it doesn't mean na mahal ko pa siya.
I feel a lot better now unlike yesterday na kahit maglakad eh hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomantikKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.