27

38 1 0
                                    


"Tell me nasaan ka kagabi!?"
Napahinto ako. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya eh. Tss!

"Na kila Alyana."
Sinubukan kong halikan siya sa labi pero umiwas siya.
"So lumabas ka pa kagabi with her? Nag bar ganun!?
Matigas na sabi niya. Salubong ang kilay at parang tatay na nagagalit ngayon.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na wala ako sa bahay pero sana pinapatapos niya muna ko sa pagsasalita.

"Hindi kami nagbar! Will you please listen to me first Ford."

"So saan kayo nagpunta? Di ba sabi ko sayo magpahinga ka na bakit lumab-..

"Okay hindi na ko magpapaliwanag , Hindi ka naman makikinig at galit ka na."
Pinutol ko yung pagsasalita niya at umupo na swivel chair ko.

"I told you stop flirting with other guys Shine. May boyfriend ka na iba na ang sitwasyon ngayon!"

Pakiramdam ko imbis na magalit ako sa sinabi niyang flirting with other guys eh kikiligin na lang ako sa salitang may boyfriend ka na.

Okay I'm being foolish with this man. This is what you call pag ibig.

I smiled pero hindi ko pinahalata kay Ford. Narinig ko na lang tumunog ang pintuan ko ibig sabihin lang nun ay lumabas na siya ng opisina ko. Alam kong nainis siya dahil hindi ko pinapansin yung galit niya. Tss!

Tinapos ko lang ng mabilis yung trabaho ko at pinuntahan siya sa opisina niya. Kanina ko pa nilalambing pero hindi ako pinapansin ng loko, kanina pa ko nagsasalita sa harapan niya para ayain siyang kumain pero dinidedma lang ako.

"Ayaw mo talaga kong kausapin!? Sige kay Drake na lang ako sasabay kuma-..

"Halika na."
Tumayo siya at hinila na ko palabas ng opisina niya. Kung hindi ko pa lolokohin hindi ako papansinin.

"You're being childish Ford..
Sabi ko habang naglalakad kami pababa sa cafeteria.

Sakto namang nasalubong namin si Drake pero dinaanan lang siya ni Ford.

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Drake!?"
Nagulat siya sa tanong ko pero hindi niya ko sinagot.

"I don't see any problem with him." Dugtong ko.

"Bakit ba si Drake yung pinag uusapan natin Shine!? What?You want to be with him?"
Naiinis niyang tanong.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Tinalo mo pa ko kapag meron eh."

"I just want to know kung lumabas ka pa kagabi with Alyana."
So yun naman pala hindi pa kami tapos sa issue ng pagtatanong niya kung nasaan ako kagabi.

Lumapit ako sa kanya habang kumakain siya. Niyakap ko siya sa bewang niya at tyaka nagsalita.

"Alam kasi ni dad nasa Batanggas ako kaya hindi ako pwedeng umuwi sa bahay!"

"And?
Seryosong tanong ni Ford.

"Pinaalis ako ni Ate kasi malalaman daw ni dad na nagsisinungaling siya kapag nakita ako ni daddy."

"Why didn't you tell me!?"

"Because I don't want you to be worried.

"Then you should called me atleast!
Tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa bewang niya at tumayo.

"Sa bahay ka na muna umuwi mamaya."
Nagulat ako sa sinabi niya parang bigla akong natuwa pero alam ko sa sarili ko na hindi magandang tignan yun.

"No hindi na okay na ko kay Alyana."

"Kasi nagagawa mo lahat ng gusto mo kaya ayaw mong sumama sakin di ba?"

"No it's not like that, nakakahiya lang lalo na sa parents mo."

"Ngayon ka pa talaga nahiya ah? Ilang beses ka ng nakakatulog sa kwarto ko. Isa pa mom already know about us."

Hindi ko alam pero mabilis na tumibok yung puso ko lalo ng sabihin niyang alam na ng mommy niya yung tungkol samin. Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil dun.

"Pero Ford-..
"Enough okay? It's final you're going with me later."
Wala na kong nagawa mukhang hindi na ko makakatanggi pa. Since isang araw na lang naman at pwede na kong umuwi sa bahay. Kasalanan na naman talaga ni ate ito eh, Ang dami daming pwedeng idahilan kay dad yung pang mahihirapan ako umuwi sa bahay. Tss!

Mga ilang oras lang ay hinila na ko pauwi ni Ford kahit wala pa namang oras ng uwian. Huwag na daw akong magreklano dahil nagluto daw ng dinner yung mommy niya. Bigla akong kinabahan this is the first time na makikita ko yung mommy niya at sobrang natatakot ako.

"Men are attracted to women who have a timely sense of humor."
Bigla akong napatingin sa kaya habang nagmamaneho siya.

"And why are you telling me this all of a sudden?
Nagtataka kong tanong.

"Because I want you to add some kind of that when you are with my mom, Magugustuhan niya rin yun sigurado. And  I know you're expert for being like that."

"Ofcourse I have that. I'm super confidence about that."

"Tss! He smirked at me,
Pero nagsalita pa ulit siya.

"What humor do you have? Tell me..
Sabi niya magsasalita pa lang sana ko pero pinutol niya na at tyaka dinugtungan yung sinasabi niya.

"What? For always pissing me off? Walking in a beach wearing a rubber shoes, breaking things. That's is attitude problem not humor." Dugtong niya.

WHOA!! WHOA!!
Nakakagigil yung mga pinagsasabi sakin. Halos tawanan ako ni Ford sa reaksyon ko sa sinabi niya gusto kong bawiin niya yung sinabi niya dahil naiirita ako pero hanggang ngayon eh tinatawanan pa rin niya ko.

"Alam mo ikaw ano ka eh. Imbis na icheer mo ko about that humor eh nilalait mo pa ko!"
Sabi ko ng hindi tumingin sa kanya.

Kinukuha niya yung kamay ko pero paulit ulit ko lang binabawi yung habang nagmamaneho siya.

"Mas kailangan mo ng motivation kesa papuri babe."
Naramdaman ko ang labi niya sa mga palad ko kaya hindi ko na nagawa pang bawiin yun. Okay kinikilig na ko pwede na kong atakihin. Jusko!

"Don't worry mabait naman sila mommy you've nothing to be worry Shine."
Hinawakan niya ko sa kamay habang naglalakad kami papasok sa bahay nila.

Nagulat si Ford ng huminto ako.
"Balik mo na lang ako kay Alyana babe, Hindi ko pa ata kaya humarap sa kanil-..

Nagulat ako ng halikan ako sa labi ni Ford kaya hindi ako natapos sa pagsasalita.

"Relax okay!? Humor babe Humor!! I know you can do it."
Nakangisi niyang bulong. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya sa kotse. Tss!

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon