48

59 3 0
                                    


Napatingin ako sa tumawag kay Drake.

"Tss! Speaking of the devil."
Tumayo siya at iniwan na ako kasama si Ford.

Papasok na rin sana ko pero hinawakan ni Ford yung kamay ko.

"Hindi ko alam kung anong dahilan mo at nandit-..

"Tang ina Shine! Yung mga mata mo! Hindi ko kayang makitang ganyan."
Galit na galit siya at malamig ang boses niya.

"Umalis ka na, Hindi ko kailangan ng kahit anong awa mo!
Pumasok na ko sa loob. Susundan niya pa sana ko pero nahinto siya ng magsalita ako.

"Alam mo mas okay pa kung hindi na kayo nakiramay! Dahil imbis na makabawas kayo ng sakit na nararamdaman namin lalo lang nadagdagan yung bigat dahil sa inyo."
Mabilis akong naglakad papasok kaya wala siyang nagawa para pigilan na naman ako.

Naupo ako sa gilid, Maraming tao pero alam kong may nag aasikaso naman sa kanila. Nagulat ako ng tabihan ako ni ate.

"Okay ka lang ba?
Tanong niya.

"Ikaw okay ka lang?

"Hindi ko naman sinabing ibalik mo sakin yung tanong ko Shine..

"Tss! Kung anong sagot mo sa tanong ko, Ganun din ang sagot ko sa tanong mo."

"Shine yung about kay Trish..
Napahinto si ate ng tignan ko siya. Hindi pa siya natatapos sa sasabihin niya pero pakiramdam ko alam ko na kung ano yun.

"What? Ako lang ba ang hindi nakaka alam na anak pala ng nanay natin yung dahilan kung bakit ako iniwan ni Ford?
Napalakas ang boses ko, dahilan para pagtinginan na naman kami ng tao.

"Shine, Alam kong kapatid natin si Trish pero hindi ko alam na ex girlfriend siya ni Ford."

"So ako lang yung walang contact kay mommy at kayo meron ganun ba?

"Yun ay dahil ayaw ni daddy na iwan mo siy-..
"Sino ba nagsabing iiwanan ko siya?
Pagpuputol ko sa pagsasalita niya.

"Kilalang kilala ka ni dad Shine, At alam niyang once na malaman mo kung nasaan si mommy aalis at aalis ka para puntahan siya."

"Aalis ako para puntahan siya, Pero hindi ako aalis para tumira sa kanya. Ang hirap naman na ngayon ko pa nalaman to' bakit ganun."
Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi at magsunod sunod ang pag iyak ko.

Nilapitan na kami ni Tito Caloy, Akala niya nag aaway kami magkapatid.

"You both are exhausted, Umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako ng bahala muna sa daddy niyo."

"Pero Tito..
Si ate, Ayaw pa sana niyang umuwi.

"Sige na, Ihahatid na muna kayo ng driver ko.
Hinalikan kami sa forehead ni Tito Caloy, Sinabi niyang bukas na ang libing ni dad at magdadatingan ang mga kapatid ni daddy pati na rin ang lola namin kaya kailangan namin magpahinga ngayon.

"Shine, I'm sorry."
Si ate habang nasa sasakyan kami.

"Anong gagawin mo kay mommy ngayon? Sigurado hindi papayag yun na hindi makipaglibing kay daddy."

"Sinabihan ko na mga security na duduty para sa libing ni dad bukas na huwag siyang papasukin, Mahiya nga siya kay da---..

"Let her be ate, Sa tingin mo ba matutuwa si dad na ganyan ang ginagawa mo sa mga taong gusto siyang makita sa huling pagkakataon?

"Shine, Bakit ba pagdating sa nanay natin ang bilis mong lumalambot!"

"Ate, Hindi para sakin yun. Para kay daddy yun, Isa pa after naman ng libing ni daddy wala na tayong magiging koneksyon sa kanya pangako yan."

"Hindi ako papayag."
Malamig na sabi ni ate.

"Tinawagan ko kanina pa mga security na papasukin siya incase na dumating."

"Tigas talaga ng ulo mo, Huwag ka ng umasang magpapakita pa yan pagkatapos ng libing ni daddy!"
Pagbaba niya ng sasakyan ay dumiretso siya sa kwarto ni daddy.

Doon din sana ako matutulog pero hinayaan ko lang muna si ate, Since nakatulog na rin naman ako dun at nakaiyak.

Pero matigas talaga ang ulo ko, Mababaliw ako kung dito lang ako sa kwarto ko. Ni ayaw tumigil sa pagtulo ng luha ko dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari ngayong wala na si daddy. Bukod dun ay natuturet ako kapag naiisip kong kapatid ko si Trish na naging dahilan kung bakit ako iniwan ni Ford.

Lumabas ako at nagdrive papunta sa Coal. Wala si Alyana malamang puyat din dahil kauuwi lang din kanina galing sa lamay ni daddy.

Madaming tao pero hindi ko ininda yun, Halos maka isang bucket na ko ng beer ng hindi ko napapansin. Gusto kong mamanhid at wala ng maramdaman, Gusto ko pag gising ko wala na yung sakit.

Nagulat ako ng may humila sakin.
Nakita kong si Ford yun kaya mabilis akong bumitaw sa pagkakahila niya.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit nandito ka?

"Alam kong makikita kita dito, That's why I'm here."
Sagot niya, Hinawakan niya yung kamay ko para hilahin sana ulit pero kumalas ako ulit.

"Stop doing this Ford, Anong akala mo? Magkukumahog ako dahil nandito ka na? Stop dreaming!

"Dreaming? Ako ba talaga yung nanaginip o ikaw? I'm not here because of you. I'm here because of your father."

"Talaga? So anong ginagawa mo dito ngayon? Waiting for me? Nasaan yung babaeng pinagpalit mo sakin?

"This is not all about Trish, Pwede ba Shine your drunk so please go home!"

"Uuwi ako kapag gusto ko na at hindi dahil gusto mo!"

"Hindi ka pa rin nagbabago, Palaging sarili mo pa rin ang iniisip mo. Libing bukas ng daddy mo tapos heto ka't nagpapakalasing!"

"Ako hindi pa rin nagbabago? Bakit ikaw? Nagbago na ba? Wala ka pa rin ibang alam gawin kundi ang husgahan ako."
Sagot ko at lumabas na ng Coal, Hindi ko na tinignan pa ulit si Ford. Masyado na niyang pinasasakit yung puso ko at ang sakit sakit isiping nandito siya sa harapan ko, nag aalala pero wala akong karapatan tanggapin yung pag aalala niya dahil alam kong may masasaktan akong tao kapag ginawa ko yun.

Pasakay na sana ko sa kotse ko ng bigla akong hilahin ni Ford.
Magpupumiglas pa sana ko pero napahinto ako ng halikan niya ko sa labi.

Pakiramdam ko nanlalambot na naman ang tuhod ko, Kung anong nararamdaman ko dati kapag ginagawa niya sakin to ganun parin yung nararamdaman ko ngayon.

Pilit ko siyang tinutulak pero hinawakan lang niya yung kamay ko.

Niyakap niya ko at tyaka nagsalita.
"Sa tingin mo may nagbago ba sa nararamdaman ko?

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon