14

37 1 0
                                    


It's my two days here and I feel so boring, Namimis ko na si Alyana at ang night out namin.

Naisip ko na puntahan si Ford at yayain kumain ng makasalubong ko si Drake hindi ko alam na nandito rin siya.

"Sunshine."
Makatawag ng full name ko, Akala ata niya close kami. Lumingon ako at ngumiti lang sa kanya.

"Nice meeting you here again."
Nakipagkamay siya kaya naman inabot ko yung kamay ko.

Umubo si Ford bigla kaya napabitiw agad ako. Papasok siya sa unit niya.

"Ms. Chaves will you please bring the papers about Grand Velas resort kailangan ko ng ireview yun."

"Okay Sir."
Sabi ko, pumasok na siya sa loob. Nagulat ako ng nasa harap ko pa din si Drake.

"He's always like that, Ang mangistorbo ng taong nag uusap."
Sabi ni Drake.

"Ganyan lang yun pero mabait naman yun."

"May something na ba kayo ni Ford?
Halos maubo naman ako sa tanong ni Drake. Ano namang naisip nito at nagtatanong ng ganyan out of the blue.

"Wala no, Wish ko lang hindi man lang nga naaakit sakin yun."

"Bakit hindi na lang kasi ako ang akitin mo."
Natatawang biro ni Drake.

''In your dreams."
Sabi ko.

Iniwan ko na siya at naglakad na pabalik sa kwarto ko ng may iabot siya.

"By the way Ms. Chaves, Here's my calling card, Pwede mo kong tawagan kung gusto mo magparty dito."

"Seryoso? Meron dito? Bigla akong naexcite.

"Oo naman no, Itext mo lang ako sasamahan kita."

"Sure."
Sabi ko at nagpaalam na dahil kukunin ko pa yung inutos sakin ni Ford. Okay naman pala si Drake hindi naman pala ganun kayabang.

Nakangiti akong bumalik sa unit ni Ford. Bukas ang pintuan kaya dumiretso na lang ako, makapagsalita na hindi ako naglolock ng pinto siya rin pala.

Asan kaya siya, Nag ikot ako sa unit niya at nakita ko sa couch ang cellphone niya. Bigla akong nacurious sa laman nun kaya pinakialamanan ko. I know this is violating his privacy pero makikiusisa lang naman ako sa gallery niya.

Nakita ko ang mga pictures, Halos lahat out of the country at siya lang mag isa. Siya na ang palaging nalabas ng bansa, Mahilig pala siyang mag explore sa labas ng bansa. Bakit ba ang gwapo niya sa mga pictures niya tapos hindi man lang siya naaattract sakin baka nga bakla talaga. Pero may isang pictures akong nakita may kasama siyang babae pero nakatalikod yung girl at nasa sunset sila. Ang sweet, So may girlfriend na pala talaga siya. Inenext ko pa sana ng narinig kong palabas na siya ng cr kaya mabilis kong inexit yun at nilapag kung saan niya nilagay yung cellphone niya.

"Ford.. I mean Sir."
Bungad ko sa kanya.

Nakatuwalya lang siya, Basa yung buhok at katawan niya. Napatingin ako sa katawan niya parang bigla tuloy akong napaso ng madaanan ng mata ko yung biceps niya. Ford body is really perfect my god.

Don't tell me Shine, Naaakit ka sa katawan ng sir mo. My god tumino ka Sunshine Chaves."

Naglakad siya palapit sakin at kinuha yung mga papers na dala ko.

"Where's the calling card?"
Nagulat ako sa tanong niya, pero hindi na ako nagabala pa na sagutin siya dahil busy ako kakatitig sa katawan ng lalaking ito. Hindi ko mapigilan talaga at napapalunok ako ng sunod sunod habang pinupunasan niya yun.

"I think you should go, bago pa matunaw yung mga pinaghirapan kong muscles."
He smirked at me.

Ang yabang dahil ang ganda ng katawan. Nilapitan niya ko kaya napaatras ako pakiramdam ko hindi ko kakayanin kapag lumapit pa siya ng bongga. Bigla ko siyang naitulak naalala ko bigla yung tinatanong niya.

"Bakit mo hinahanap? You want to go with me!?"
Nilabas ko yung calling card ni Drake. Nagulat ako ng bigla niyang agawin yun kukunin ko na sana pero nilukot niya yun at hinagis sa basurahan.

"Ba..Bakit mo nilukot? Hindi naman sayo ito, Hindi ko pa nga nakukuha number ni Drake dito eh."
Kinuha ko ulit yung calling card, Isasave ko na sana sa cellphone ko ng bigla niyang agawin yun calling card.

"Give me that calling card."
Pilit kong inaagaw sa kanya yung calling card pero pilit niyang itinataas sa hindi ko maabot.

Oh my god. Nagseselos ba siya."
O nag aassume lang ako. Tyaka bakit naman siya magseselos. May girlfriend nga ata siya di ba.

My god naman hindi ako makahinga sa katawan ni Ford lalo na ng madikit sakin yun dahil sa pagpupumilit ako na makuha sa kanya yung calling card.

"Akina na yan, Hindi yan sayo."

"No Sunshine, You can't have this stupid calling card."
Nagulat ako first time niya kong tawagin sa first name ko.

"Bakit ba kasi?
Nararamdaman ko na yung biceps niya dahil pilit ko talagang inaabot yung calling card at pilit naman ding niyang itinataas yun.

"You can't have this shit."

"Pero bakit nga? Magpaparty lang naman ako with him." Sabi ko at ngumisi.

I think he's jealous. Ano naman kung magparty ako kasama si Drake tyaka may girlfriend na nga ata siya eh. Tapos hindi nga siya naaakit sa mga pinag gagawa ko bakit ngayon ayaw niyang makiparty ako kasama si Drake.

Seryoso niya akong tinignan at alam kong napipikon na siya sakin dahil hindi ko siya tinitigilan hangga't hindi ko nakukuha yun.

"Aminin muna kasing nagseselos ka at hindi ko na kukuhanin pa yan."
Ngumisi ako. Pero imbis na sungitan niya ko dahil sa pang aasar ko sa kanya ay hinila niya ko sa bewang at hinalikan ng madiin sa labi. Hindi ko alam pero halos hindi ako makahinga sa halik na yun at nanghihina ako dahil dun.

"Ang kulit mo kasi eh."
Sabi niya habang hinahalikan ako, sasagutin ko na sana yung halik niya ng bigla kong makita na pinupunit niya ng pino yung calling card habang hinahalikan ako kaya napabitiw ako at kinuha sa sahig yung punit punit na calling card.

Kahit yata pagdikit dikitin ko eh hindi ko na makukuha pa yung number ni Drake.

"I hate you."
Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya. Habang naglalakad ako pabalik sa unit ko ay hindi ko maiwasang hindi maisip yung halik niya sakin.

Bakit bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko sa ginawa niya. Gusto ko lang naman eh asarin siya para maka score ako sa pang aasar ko sa kanya, hindi para makascore siya sakin.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, Bigla akong nalungkot ng maalala ko na naman yung calling card. Namimiss ko pa naman ng uminom. Aissh!

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon