Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang ginagamot niya yung sugat ko pero naaattract ako. Kahit naman pala masungit siya, He's concerned. Kahit palagi siyang galit gentleman naman pala.
My god. Ano bang iniisip ko, Ang mission ko ay galitin siya para tanggalin niya ko sa trabaho. Yan ang isipin mo Shine."
"Come on, Ihahatid na kita sa kwarto mo."
What the---...
Ipapasan niya ba ko? Kinuha niya yung sapatos ko at lumuhod sa harapan ko.
"Kaya ko pa naman maglakad."
Kahit hindi ko naman talaga kaya, Naiilang lang akong sumakay sa likod niya.
"Halika na..
Sabi niya ng hindi tumatayo sa harapan ko.
"Sige na sir, Okay na ko, kaya ko na."
Nagulat ako ng nilapag niya yung sapatos sa tabi ko at iniwan na ko. Problema nun? Kinuha ko yun at naglakad na papasok ng hotel. Kahit na nakapaa pa ako ay naglakad na ko, paika ika nga lang at ramdam na ramdam ko ang kirot ng sugat ko.
Dahil tapos na ang pagfinalize ng site ay umuwi na kami, It's Sunday so makakapagpahinga ako ng bongga. I really hate office work, Pero wala akong magawa dahil ito ang gusto ni dad.
Mabuti naman at wala si daddy pagdating ko, Mabilis akong pumunta sa ref at kumuha ng beer. This is my stress reliever, Kahit si Ate ay hindi ako napipigilan dito. Lalo na't alam niyang kararating ko lang from Batanggas.
"Bakit hindi ka na lang magpahinga sa kwarto mo instead of drinking that beer."
"Ate, Will you please let me do this? I'm so tired, at wala kong oras makipag bangayan sayo."
Sabi ko, kumuha pa ako ng isang bote ng beer at paakyat na sana ako ng magsalita si ate.
"Alam mong lalo kang hindi titigilan ni daddy sa gusto niyang mangyari kapag naabutan ka na naman niyang nag iinom Shine."
"Dalawang bote lang naman, Hindi naman siguro ako matatagalan sa pag inom para maabutan ni dad!" Iniwan ko na siya at umakyat na sa kwarto ko. Palagi na lang kontra.
Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Liam sa kwarto ko.
"Hindi ka ba marunong kumatok?
"Namiss kita e, Bawal ka ng mamiss?
Kinuha niya yung iniinom ko at ininom din niya yun.
"Kamusta ang plano kay sir? Nakascore ka na ba?
"Feeling ko malapit na niya ko tanggalin, Konting pang aasar na lang."
"Good luck, Ford is a kind of person na hindi basta sumusuko."
"Kapag ako nanalo? Anong gagawin mo?
"Edi wala, Magsasaya tayo kasi magiging malaya ka na naman."
"Tss! Walang kwenta!
Sabi ko habang umiinom.
"Pero seryoso Shine, I know Sir Ramirez very well. Mabibigo ka lang sa gusto mong mangyari."
"I don't care, Tignan natin kung hanggang saan ang pasensiya niya."
Natawa ko pero inirapan lang ako ni Liam.
"Pahihirapan mo lang ang sarili mo baka nga mahulog pa kayo sa isa't isa sa ginagawa mo." Nagulat siya ng hampasin ko siya ng unan.
"Eh ano naman? I'm single right, Or baka nagseselos ka lang?
Pang aasar ko sa kanya.
Natahimik ako ng batukan niya ko.
"Lasing ka na, Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas.
Lumabas na siya ng kwarto ko kahit talaga kailan yun bibisitahin lang ako kapag makikibalita. Tss!
Alam kong nahihilo na ko kaya hindi na ko uminom pa, Sinilip pa ko ni Ate at sinabing umuwi na si Liam.
Nagising lang ako kinabukasan ng tumunog yung alarm clock ko. Napabalikwas ako at halos madapa na sa kakamadali dahil late na ko. Sigurado akong umuusok na naman yung ilong ni Ford dahil wala pa ko.
Dali dali akong pumasok ng opisina ko.
"Ms. Chaves!"
Napahinto ako ng marinig kong tawagin ako ni Ford.
"Yes, Good morning sir..
Nakangiti kong bati kahit na alam kong nagagalit na siya.
"What is good in the morning especially when you are late?
"Sorry sir traffic po kasi."
Pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga traffic.
"We have a meeting right now, Pero dahil late ka ay nacancel. Gusto mo na ba talagang tanggalin kita? Ang sungit ng mokong pero parang biglang naging maganda sa pandinig ko yung sinabi niya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Talaga sir? Tatanggalin muna ko? Tuwang tuwa kong sabi sa kanya.
"Hindi ako nakikipaglokohan Ms. Chaves!
Tinulak niya ko.
"Dahil nacancel kanina, Pupunta kang mag isa sa Batanggas at makikipag meeting kila Mrs. Mendoza mag isa ngayon!" Sabi niya at naglakad na palabas.
"Pero sir..
Hahabulin ko pa sana siya para sabihing samahan niya ko pero malakas niyang sinara yung pintuan ng opisina ko.
Hindi ako makapaniwalang dinadanas ko lahat ng ito. Kahit sa panaginip hindi ko naisip na mahihirapan ako ng ganito sa propesyong napili ko. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak at mabilis kong pinunasan yun luha ko ng pumasok si Betty.
"Yan daw yung mga details na kailangan mong idiscuss sa meeting..
Iniabot niya sakin yung mga papers.
"Teka umiiyak ka ba Shine?"
"No, Sige na you may go." Sabi ko at inayos na yung sarili ko.
"Pero---..
"Okay lang ako."
Sagot ko, Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng opisina. Kailangan ko makapagbyahe ng maaga papunta sa Batanggas para hindi matraffic.
Ayoko pa naman ng nagdadrive ng malayo kasi napapagod talaga ko at wala akong pasensiya sa mga driver na kaskasero. Nakikipagsabayan talaga ko kapag nakakasalubong ako ng mga driver na wala sa ayos magmaneho.
Mabuti na lang at walang traffic ng makarating ako ng Batanggas. Mabilis kong hinanap si Mrs. Mendoza pero dahil hindi ko agad siya nakita kinailangan ko pa magpunta sa bandang gitna ng resort dahil alam kong nandun siya. Ang init init pa naman at pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng laway sa sobrang init. Hindi ako ready sa mga ganitong pangyayari. That damn Ford, Bakit kasi hindi na lang siya ang nakipag usap kanina at hinintay pa ko. Alam naman niya kung ano yung details ng proposal ko.
Napahinto ako ng makita ko na si Mrs. Mendoza.
"Ms. Chaves, Tamang tama ang dating mo, Kararating lang din ni Mr. Ramirez."
Para naman akong tanga na halos mabulunan sa sarili kong laway ng marinig kong nandito din si Ford sa resort.
BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.
