53

36 1 0
                                        


"Wala isa inyo ang maiiwan. Tatawagan ko kayo once na magising na siya, but please huwag na muna kayong mag away sa harapan niya."

"Pero ate..
Sabi ko.

"Sorry Ford, Tatawagan ko na lang kayo."
Iniwan na kami ni ate.

Maging si Alyana at Liam ay nagpaalam na rin kay ate Summer.
"Please ate, Tawagan mo ko agad kapag nagising na si Shine."
Narinig kong pakiusap ni Alyana.

"Kahit naman magising siya, Hindi rin kayo agad makakapasok or makakapunta dahil may visiting hours sa ICU guys."
Paliwanag ni ate Summer at pumasok na sa ICU.

Nakita kong umalis na sila Alyana at Liam. Napansin ko namang lumapit sakin si Drake, Iiwanan ko na sana siya pero nagsalita siya.

"What happened to you and Trish?
Seryoso niyang tanong.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi yung magaling mong babaeng mahal na mahal ang tanungin mo."

"Tinawagan ako ni Tita at pinapahanap siya. Hindi pa siya umuuwi ng bahay, Nag away ba kayo?

"Me and Trish are done."
"Done? Bakit magaling na ba siya? Alam mong may usapan tayo Ford for Trish and Shine."

"You know what Drake, Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag sayo."
Iiwanan ko na sana siya pero pinigilan niya ko.

"What?
Sabi ko.

"So you're not coming back with her?

"There no reason para samahan ko pa siya, Yung deal natin? Na aalagaan ko siya for you and aalagaan mo si Shine for me is done! Tapos ng lahat Drake! Niloko niya ko napakatanga ko lang kasi nagpaloko ako sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo? What do you mean?

"The girl you cherish, That Trish,..
That damn girl who makes my life miserable is not sick, That's Lung cancer thing is all a fucking lies."
Sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak ni Drake.

Pero hindi para umalis sa ospital, Bumaba lang ako para magpalamig. Hindi ko kayang kumalma na alam kong nasa ICU si Shine.

Nakita ko yung sasakyan ni Drake na umalis na, Alam kong hahanapin niya yung babaeng mahal niya na halos gawin ang lahat makapangloko lang sakin.

Pagkakuha ko ng kape sa vending machine ay naupo ako sa tapat ng ICU, masaya na ko na nandito lang ako sa tapat kahit hindi na makapasok.

Isinandal ko ang ulo ko at pumikit pero nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"It's true that Trish is not sick?
Napatingin ako sa katabi ko, Hindi ko alam na narinig pala ni ate Summer yung usapan namin ni Drake.

"Sorry ate kung hindi ako umuwi, I just want to make sure that Shine is okay."

"So It's true?
Tanong ulit niya. Tumango ako, hindi ko alam kung bakit umiiyak si ate.

"Liam told me everything, And I confirmed it to Canada, I received all the email and medical records from them and It's all normal."

"Liam told you?
"Yes, but he doesn't know na gagawin pala talaga ni Trish yun.

Mas lalong napahikbi si ate.
Nalilito pa rin ako at hindi ko napigilang hindi magtanong.

"What? You also know all about this?
At halos manikip na naman yung dibdib ko sa pagtango ni ate Summer.

"Pero hindi yung sa pagpapanggap niya, Alam ko may sakit siya at dad told me about that."

"Alam ko nag usap sila ni mommy at daddy, Na gustong makausap ng nanay namin si Shine because she want's to please her just to give you for her daughter Trish.

"I know that, Tito Wilson told me about that."

"That is not a reason why I'm being emotional Ford, Isa ako sa nagpush kay daddy to talk to you para hiwalayan si Shine dahil sa takot ko na baka yung nanay pa namin yung makiusap sa kanya at alam kong mas lalong masasaktan si Shine kapag yun ang nangyari."

Parang pakiramdam ko napagkaisahan kami ni Shine, Pakiramdam ko nakarma ako dahil pinangunahan ko yung mararamdaman niya at magiging desisyon niya.

Hindi ko napansin na tumulo na pala yung luha ko.
"I'm sorry Ford for putting you in a hard situation, naiintindihan mo naman di ba dahil alam kong alam mo kung gaano kasabik si Shine sa ina."

"No ate, ako dapat ang magsorry for putting Shine in a situation like this. Sana hindi siya nasasaktan because of me."

"I'm hoping na hindi pa huli ang lahat for the both of you."
"And alam kong lalaban ka naman for her di ba? And I want you to know that I'm always on your side what ever happen."
Nagulat ako ng tapikin ni ate yung likod ko.

"May pupuntahan lang ako, Maybe tommorow morning na ako makakabalik. Tawagan mo ko agad ako once na gumising na siya ha."
Iniabot niya sakin yung hospital gown for ICU.

Hindi na ko kumontra pa, I want to see her. I want to take care of her. Bakit ko pa pipigilan yung sarili ko na ngayon ay binibigyan ako ng chance ni ate na gawin yun.

Pagkaalis na pagkaalis ni ate ay pumasok na ko sa ICU, Gusto pa sana kong harangan ng nurse na nasa loob dahil bawal pa ang bisita pero ate introduce me to her.

"He is Sunshine Chavez boyfriend."
Mabilis akong napatingin kay ate, Namiss ko bigla yung salitang boyfriend ni Sunshine. Hays!

Ate Summer wink at me bago pa siya lumabas ulit ng ICU.

I hate my self. I hate to see Shine like this, Naka oxygen nakaswero at nakamonitor ang hearbeat.

Pakiramdam ko napaparanoid ako sa bawat tunog ng aparato to check her hearbeat. Ni hindi ko tinatanggal yung paningin ko sa monitor.

Bawat may ituturok sa kanya, I ask all the details of the medicine and kung para saan yun. Dahilan para mairita sakin yung mga nurse na nakabantay samin sa ICU.

"Sir, Pwede ka pong maidlip habang nakaupo ka dyan. Huwag po kayong mag alala, Gigisingin ka namin once na may ii-inject kami ulit to tell you all the details..
Natatawang biro nung nurse pero hindi ko siya pinansin.

Tinititigan ko pa rin yung monitor, alas kwatro na ng madaling araw pero wala akong balak matulog. Everytime na bumababa yung rate ng heartbeat niya ay tinatawag ko yung nurse.

"Sir, Kalma lang okay? That's normal. Stop watching it, Instead of looking that monitor bakit hindi niyo po tignan si Ms. Sunshine na ngayon ay nakatingin po sayo."
Napatigil ako at mabilis na napatingin kay Shine.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon