4

63 2 0
                                        


"Congrats Ms. Chaves, You made it."
Tuwang tuwa naman akong niyakap ni Betty.

"Congrats Shine, One-zero."
Pang aasar niya. Tinulak ko siya at lumapit kay Ford.

"So pwede na tayong magdate!?"
Pang aasar ko kahit na inis na inis na ko dahil napili yung presentation ko.
"Tss! Bakit ba ako yung kinukulit mo ng kinukulit?! Sa dami ng empleyado dito? Huwag ka ng umasa Ms. Chaves masasaktan ka lang." Sabi niya at naglakad na pabalik sa opisina niya.

"Wala kang isang salita..
Sinundan ko siya hanggang sa loob ng opisina niya.
"Wala akong sinasabing idadate kita."
"Dinner is okay for me."
"Enough Ms. Chaves, You may go."
Pumunta siya sa pintuan ng opisina niya at pinalalabas na ako.

"Mag thank you ka man lang sana sa nagawa ko."
"Why? It's your job to do that and pinapasahod ka ng company para ayusin ang trabah---..

Hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil lumabas na ko at bumalik na ng opisina ko. Napaka yabang porke't siya ang may ari ng Artreum.

Kung hindi dahil sa design ko baka lumipat na ng ibang firm yang Grand Velas Resort na yan.

"Congrat's Shine." Bungad ni Liam pagpasok niya ng opisina ko.
"I don't like to work here,  At alam mo yan."

"Tanggapin mo na kasi ng maluwag yung trabaho mo dito, Sigurado kong matutuwa si Tito Wilson nyan."

"Enough Liam.
Sawang sawa na ko marining yung bat hindi mo na lang kasi tanggapin ng maluwag na yan. Kung hindi si Ate ang magsasabi si Liam. Nakakaumay alam naman nila ang sagot ko d'yan.

"Alam mong hindi maganda tignan ang palaging kang nakikita sa bar Shine at nagwawalwal gabi gabi kasama ang iba't ibang lalaki."

"Si Alyana ang kasama ko at hindi iba't ibang lalaki, Enough Liam okay." Sagot ko.

"Still, Napapalibutan ka pa rin ng mga lalaki dun."

"I said enough."
Lumabas ako ng opisina at umakyat sa roofdeck. Naiinis akong sinisermunan ni Liam minsan talaga kakampi madalas naman parang tatay ko kung magsalita.

Napahinto ako ng makita ko si Ford na may kahalikan sa roofdeck. Nakita niya ko kaya mabilis niyang tinulak yung babae.

Wala naman akong pakialam kahit maghapon pa sila maghalikan sa harapan ko. Dumaan ako sa harap nila at umupo sa gilid kung saan hindi nila ko makikita.

Sinandal ko yung sarili ko dun at huminga ng malalim. I need some fresh air baka hindi ako makapagtimpi e masampal ko si Liam sa sinabi niyang iba't ibang lalaki. Palagay niya sakin nagbebenta ng laman kapag nag iinom kasama ni Alyana. Tss! Parang hindi niya ko kilala kahit na nag iinom ako e hindi ako nakikipag one night stand o kahit makipag usap sa mga nakakasalamuha ko sa bar.

Nilingon ko kung nasaan sila Ford pero wala na sila. Kaya naman pala hindi umuubra yung pang aasar ko, May girlfriend naman na pala.

Pagbaba ko nakasalubong ko si Liam pero hindi ko siya pinansin at alam kong alam niyang galit ako sa kanya.

"Shine, pinapatawag ka ni Sir Ramirez."
Pagtawag sakin ni Betty.
"Ha? Bakit daw?
"I don't know.
"Sabihin mong busy ako at marami akong ginagawa."
Sabi ko at dumiretso na sa opisina ko.

Alam kong siya ang may ari nitong Artreum pero hindi sa lahat ng oras na tawagin niya ko ay susunod ako. Hindi niya ko secretary at mas lalong hindi niya ko utusan.

Sumandal ako sa swivel chair ko, Naiistress ako alam kong malapit na umpisahan yung construction sa Grand Velas kaya kinakabahan ako. Magiging busy na ko at malamang bihira na ko makakasama kay Alyana.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon