28

65 2 0
                                        


"Shine are you ready?"
Hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya. Lalo akong kinabahan nung nasa loob na kami ng bahay nila.

"Let's go? Tumango ako at naglakad na kami papasok sa loob. Nakangiti yung mommy niya paglapit namin sa table.

"Hello son."
Hinalikan siya ni Ford sa pisngi. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Ford yung kamay ko.

"Mom I know you meet Shine once but I want you to meet her again in a nice way. This is Sunshine my girlfriend, Shine this is my mom."

"Hello Sunshine. It's nice to finally meet you."

"Good evening po, Tita."
"Huwag ka ng mahiya, Sige na have a seat hija."

"I need to go to the rest room. I'll be back."
Tumayo si Ford at iniwan ako dito sa mommy niya. Pinagpapawisan ako sa kaba bakit naman iniwan pa niya ko.

"You're really beautiful bagay na bagay kayo ni Ford."

"Thank you po Tita."
"Nga pala nasa garden ang daddy ni Ford.

Tinuro niya yung garden nila nandun nga at may kausap sa cellphone. Bigla akong kinabahan huwag lang sana nila kong makilala bilang anak ni daddy. Hindi pa kasi alam ni dad yung tungkol samin ni Ford.

"Pasensiya ka na, He's always like that business first very hands-on sa Artreum. But don't worry sasaluhan niya tayo dito maya maya."

"Okay lang po, Baka nga po nakaka abala pa ako."
Aish! Bakit ba nahihiya ko.

"Okay lang, Gusto ka rin namin kasing makilala talaga lalo na't ikaw na ang nagpapatibok ulit sa puso ng anak namin."

"I'm really glad, Ford have a girl like you mukhang napakabait mong bata."

Kamuntik mutikan ko ng maibuga yung iniinom kong tubig sa sinabi ng mommy ni Ford, Kung alam niyo lang po sakit ako ng ulo ni daddy.

"Are you okay?"
Tumango lang ako bilang sagot. Mabuti na lang at medyo madaldal yung mommy ni Ford medyo nawala yung kaba ko. Sakto naman ding nakabalik na si Ford galing sa cr.

"Mom baka kung ano-ano ng sinabi mo kay Shine ha."
Pagbibiro niya sa mommy niya.

"Not really son, But I like you're girlfriend, She's very beautiful."
Ngumiti lang si Ford at bumulong sa mommy niya. I told you she's cool."

Ang dami ng nakwento ng mommy ni Ford sakin ng makabalik yung daddy ni Ford sa table. Bigla na naman tuloy akong kinabahan ulit.

"You must be Sunshine? My son's girlfriend."
Jusko naman boses pa lang kinakabahan na ako. Halos malunok ko muna yung lahat ng laway na naipon sa bibig ko bago ko nakapagsalita.

"Yes po."
"Masaya ko na nakilala ko ang bagong nagpapatibok ng puso ng anak ko.
"Ganun din po ako."

"Oh Ford. You're looking good huh, Inspired with this girl?"

"Good evening dad. But ofcourse mana lang ako sayo good looking."
Pagbibiro niya na dahilan ng pagtawa nilang mag ama. Buti pa sila may bonding na ganyan kung sana si daddy din nakakasabay namin ng ganyan sa pagkain.

Nagulat ako ng hawakan ni Ford yung kamay ko sa ilalim ng table. At bumubulong ng relax. Dahil dun nabawasan yung kaba ko.

Kumain lang kami ng tahimik halos hindi ko malasahan yung pagkain dahil sa kabang nararamdaman ko nababawasan man yung kaba pero still kinakabahan pa rin ako. This is my first time na ipakilala sa magulang ng boyfriend ko.

May mga ex ako dati pero hindi kami umaabot sa ganito kaya hindi ako sanay. Hindi naman kasi ako nagseseryoso dati, Tss! Nagulat ako ng biglang magsalita yung daddy niya.

"So gaano na kayo katagal ni Ford?"

Whooh! Alam ko na ito parang interview lang ito sa trabaho kaya relax Shine. Kaya mo yan."

"Last two weeks pa lang pong official, Pero almost months na po kaming magkakilala ni Ford."
I smiled kahit na kinakabahan ako. Nginitian naman ako ni Ford habang hawak pa rin niya yung kamay ko.

"How are things going for the both of you?"
"Dad.. Awat ni Ford siguro dahil alam niyang kinakabahan ako.

"Dad huwag mo ngang takutin si Shine."
Nginitian ako ng mommy ni Ford.

"Oh I'm sorry. Tinatakot ba kita? Sorry hindi ko sinasadyang takutin ka."
Natatawang sabi ng dad ni Ford.

Gustong gusto ko sagutin ng oo kung hindi lang ako kinakabahan. Pero dahil gusto kong maging totoo sa kanila ay nagsalita pa rin ako.

"Uhm medyo lang po."
Tumawa yung dad ni Ford.

"Okay You've past. I like people who are honest infront of us unlike her past-..
"Dad stop it."
Awat ulit ni Ford. Bigla akong napatingin sa kanya. Si Trish ba yung tinutukoy ng daddy niya.

"Relax hija, I want you to be comfortable in our family. Ituring mo kaming pangalawang pamilya mo."

Nagkatinginan kami ni Ford. Nakita kong ngumiti siya kaya naman yung puso ko na naman ay malapit ng lumabas sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Gusto ko siya para sa anak natin, Sa tingin ko nakapili na siya ng tamang babae para sa sarili niya."
Ngumiti sakin yung mom ni Ford.

"I feel the same way honey. Bagay nga sila ni Ford."
Tinapik ng dad niya yung braso ni Ford.

Para kong nakahinga ng maluwag ng marinig ko yun sa magulang ni Ford. Feeling ko naman maayos yung relationship nila as a family. Buti pa sila hindi katulad ng family na meron ako.

"Sobrang namiss kong may ipakilalang babae si Ford. Akala ko tatanda ng binata yan eh."

"Mom enough with that akala. That's not going to happen."
Sabi ni Ford bigla naman nagtawanan ang dad at mom niya.

"Just kidding son."
Natatawa ko sa ekspresyon ng mukha ni Ford.

"Again thank you for making our son happy again."
Napatingin ako sa dad niya na nagsalita.

"Wala naman po yun Tito, Ako nga dapat magpasalamat kay Ford because this is my first time na ipakilala sa magulang ng taong mahal ko."

"That's good to hear hija, I think we should meet your parents too, para mapag usapan na yung kasal."
Sabat ng mom ni Ford na halos mataranta ako.

"That's a good idea honey."
Mabilis namang singit ng daddy ni Ford.

"A-ano po?"
Tinitignan lang ako ni Ford at tinatawanan alam kasi niyang kinabahan na naman ako.

"Dad kasal agad?
Pagsingit ni Ford.

"Well syempre hindi pa naman ngayon, Gusto lang namin mapagplanuhan na."
Sabi ng dad niya.

"I'm glad you're thinking of helping us with these things pero hindi po ba masyado pa pong maaga para pag usapan po yan sorry po."
Nahihiya ko sa sinabi ko, hindi ko tuloy alam kung tama bang sumagot ako.

Pero imbis na inis or what yung marinig ko sa daddy niya eh narinig kong tumawa ng malakas yung daddy niya.

"Bakit po kayo tumatawa?"
Tanong ko, Kahit kasi si Ford eh tinatawanan rin ako.

"I admire people like you, Sobrang hindi nahihiya magsalita kaya siguro nagustuhan ka ng anak ko."

"Sorry po for being taklesa."
"No hija. Tama naman talaga yung sinabi mo. Pero seryoso kami sa kasal lovers, Just let us know kung kailan niyo gusto."
He smiled. Then Ford winked at me. Whoa!!

My god. Hindi ko akalain na kasal na agad yung pag uusapan dito hindi ako nainform ng mokong na Ford na ito. Sinadya siguro talaga niyang ma-on the spot ako. Halos mamatay na ko sa kaba pagkatapos kikindatan niya lang ako.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon