11

42 1 0
                                        

Sunshine**

Aissh! nalasing na naman ako, Pasalamat talaga ko at hinatid ako ni Alyana.  Ang sakit ng ulo ko pag gising ko pero kailangan ko ng pumasok dahil nagtatanong na si dad kung bakit two days na kong hindi pumapasok.

Kahit na masama pa loob ko sa mokong na yun eh kailangan ko sundin ang ama ko. Okay lang malapit na yung pinakakahintay kong pagtanggal sakin. Konting push na lang at alam ko makakawala din ako sa gusto ni daddy.

Habang nagdadrive ako eh naalala ko yung sinabi ni Alyana about kay Liam and Ford. Tss! Ang tagal na namin magkaibigan ni Liam pero kahit minsan eh hindi niya nabanggit sakin na may pinsan siyang Ford.

Bukod sa kanila eh may napasok pa sa utak ko, Pakiramdam ko nakita ko si Ford kagabi sa bar. Oh baka lasing lang ako, Kasi nakikipaghalikan din siya eh baka naman nagflashback lang sakin yung madalas niyang ginagawa. By the way I don't care about that, Nagdrive na ko papunta sa Artreum at halos yakapin naman ako ni Betty ng makita niya ko.

"Akala ko hindi ka na papasok Shine..
"Akala ko din eh, Try mo kayang maging tatay yung daddy ko."
Pagbibiro ko at nagtawanan kami. Pumasok na ko sa opisina at sinundan ako ni Betty, Tss! Here we go again facing the paper works everyday is really sucks.

Napaka walang kwenta talaga ng lalaki na ito. Kahit magkasalubong o magkabanggaan kami eh hindi man lang talaga humihingi ng sorry. Sa bagay hindi naman siya marunong humingi ng sorry, yan ang balita dito. Ano bang aasahan ko kung hindi lang dahil kay dad hindi ako magtitiis makasama yang nuknukan ng sama ng ugali. Tss!

"Shine, Papirmahan mo naman ito kay sir oh."
Nagulat naman ako ng utusan ako ni Betty.

"Bakit ako? That's your job..
"Ang dami ko pa kasing kailangan papirmahan, Yan lang naman sana please..
Tinignan ko siya ng masama. Pero iniwan lang niya sa table ko yung inuutos niya.

"I need that urgent Shine, Thanks."
Wow hiyang hiya naman ako sa kanya, Kung utusan ako akala mo ako yung secretary niya.

Mukhang wala na akong choice kundi harapin si Ford. Kung hindi ka lang napagalitan nung nakaraan ng dahil sakin hindi kita susundin Betty.

Nasa tapat na ako ng opisina niya ng batiin ako ni Ana.

"Ma'am Shine, Do you need anything? You want me to call Sir Ford?

"Ah no,  Ako na I'm going to give this paper..
Natataranta ko namang awat kay Ana ng makitang tatawagan niya sana si Ford na nandito ako. Kinakabahan ako, Binuksan ko yung pintuan ng opisina niya at pumasok sa loob.

"Good morning Sir."
Tinignan niya ko pero agad din siyang umiwas.

"What do you need?
Malamig niyang sabi habang nakatutok siya sa laptop niya.

"I need you to sign this..
Nilapag ko yung folder sa table niya.

"Bakit ikaw ang nagpunta? Hindi yung secretary mo?"
Kinuha naman niya yun at pinirmahan.

"Inutusan ako eh."
Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Tss! Inuutusan ka na lang ngayon? O talagang gusto mo lang akong makit---..

"Paano kung oo? May reklamo ka?"
Pagpuputol ko sa pagsasalita niya.

Halos masapok ko na naman yung noo ko sa pinagsasabi ko. Kailangan ko isaksak sa utak ko na galit pa ako sa kanya.

He just smirk at me pagkatapos kong magsalita hindi ako makapaniwalang narereject na ng paulit ulit yung beauty ko sa lalaking ito.

"Here.
Iniabot niya sakin yung folder ng hindi tumitingin sakin. Mabilis ko yun kinuha at tumalikod na sa kanya palabas ng opisina niya ng tawagin niya ko.

"Wait..
Tumigil ako pero hindi ako humarap sa kanya.

"About what happened last time..
Halatang nahihirapan siya sabihin yung sinasabi niya.

"I'm sorry."
Bigla akong napaharap sa kanya. Totoo ba ito? Nag sorry siya? Tss! Bigla naman akong nadisappoint ng makitang hindi pa rin siya nakatingin at nakatutok pa rin sa laptop.

"Kanino ka nagsosorry? Sa laptop?
Sabi ko, nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at halos magkadikit na yung mga labi namin ng magsalita siya.

"Fine. I'm sorry..
Sabi niya at tinignan ako sa mata.

This time hindi siya galit pero sorry. I need to do this right here in he's office.
Hinawakan ko siya sa mukha at bigla biglang hinalikan. This is really insane, Why do I feel hot everytime na magdidikit yung labi namin.

Nagulat ako ng isandal niya ko sa pintuan ng opisina niya at sinagot ng malalim yung halik ko. Halos kapusin ako sa paghinga dahil dun.


"You really drive me crazy Shine!"
Bulong niya at mabilis na umiwas sakin, Bumalik siya sa lamesa niya kaya mabalis din akong lumabas. Pakiramdam ko pulang pula ako sa nangyari, Anong kaharutan yung ginagawa ko. Hindi naman ako ganito kapag lasing or nakakainom sa bar, Ewan ko ba nagiging ibang tao ako sa harap ni Ford lalo na kapag nagagalit siya.

"Napapirmahan mo na Shine?
Salubong sakin ni Betty.
"Opo ma'am. Ito po oh."
Pagbibiro ko at inabot sa kanya yung folder.

"Teka nga, Sinadya mo bang utusan ako dun para makausap yung mokong na yun?

"Eh kasi naman, Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit kayo nag away.
Sagot ni Betty.

"Well he said sorry, And stop saying na kasalanan mo okay."

"Talaga Shine, First time yan in the history na mag sorry yan."

"Enough Betty atleast nag sorry siya, Papasok na ko baka mapagalitan na naman tayo."
Pumasok na ko sa opisina ko, Bakit kinikilig ako? Tss! Bigla akong natuwa lalo na ng malaman kong hindi naman siya mahilig mag sorry.

Para na akong tanga na sinasampal ang sarili ko dahil lutang kakaiisip kay Ford. Kulang na lang mapagkamalan akong nababaliw dahil sa kahibangan ko.

Dahil lunch break na eh bumaba na ko sa cafeteria. Malas naman dahil nakita ko ni Drake at lumipat siya sa table ko.

"Long time no see..
Hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Are you okay now?
Tanong ulit niya, Tumango lang ako bilang sagot.

"Buti naman,  Akala ko nag back out ka na."
"Hindi uso kay dad ang salitang back out." Sabi ko at sabay kaming natawa.

Nagulat naman ako ng umupo si Liam sa table namin.
"Ehem, I can't believe na kinakausap ka nitong siraulo na ito."
Pagbibiro ni Liam kay Drake.

"Nag eenjoy ka yatang kausap ang Sunshine ng Artreum..
"Wala naman sigurong masama kung eenjoyin ko di ba? Tinignan ako ni Drake pero umiwas ako.

"Wala naman, But I think you should stop talking to her." Seryoso na si Liam.

"Why would I do that? Tanong ni Drake kay Liam.
"Because this is office not a dating area!"
Natawa naman ako bigla, Parang natatandaan ko kung kaninong linya yun.

Hindi ko alam na tumatawa rin pala silang dalawa.  At sinadya pa lang gayahin ni Liam si Ford.

"Pero seryoso Drake I know you and please stop playing games with Sunshine." Hinila na ko ni Liam at umakyat na sa office.

Nakatingin lang si Drake samin pero napangiti siya ng lumingon ako sa kanya. I don't see any problem with Drake, Or baka naman kasi hindi ko pa kilala si Drake kaya nasasabi ko. Tss! Whatever.

Nagulat naman si Liam ng apakan ko yung paa niya.

"Aray naman! Inaano ka ba?
"Bakit hindi mo sinabi sakin na magpinsan pala kayo ni Ford?
Napatigil ako ng takpan niya yung bibig ko.

"Huwag ka ngang maingay,  Ayokong ipaalam na isa ako sa board member ng Artreum. I don't like special treatment."

"Board member? Nang Artreum? Bakit ngayon ko lang nalaman ito?
Nagulat ako ng malaman kong isa siya sa may ari ng Artreum. Ni hindi man lang niya kasi nababanggit yan.

"Will you please stop asking me Shine, Importante alam mo na okay, Go back to your work."

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon