23

46 0 0
                                        

Napabangon ako ng makita kong tinititigan ako ni Ford. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi, Tinulak ko siya pero niyakap lang niya ko. Ramdam na ramdam ko yung pagtibok ng puso niya at kinikilig ako dahil dun.

"Huwag mo sanang isipin na porke may nangyari na agad sa atin eh hindi na kita rerespetuhin."
Niyakap ako ni Ford at hinalikan sa forehead. Biglang gumaan yung pakiramdam ko, feeling ko kasi napaka easy to get ko para gawin na naman namin yun ng ganung kaaga.

Napatingin ako sa oras kaya pinilit ko ng bumangon. Nagpunta ko ng cr para mag ayos ng sarili dahil alam kong hinahanap na ko ni daddy, nakita ko naman si Ford paglabas ko ng cr na inaabangan ako.

"Are you going to go home? Tanong niya at pupungay pungay ang mata.
"Oo eh, Sigurado akong hinahanap na ko ni daddy."

Nagulat ako ng yakapin niya ko.

"Ihahatid na kita Shine."
Tumango lang ako at naglakad na kami palabas ng bahay nila. Wala pa rin ang mommy niya wala na naman siyang kasama mamaya.

"You sure you be okay?
Tanong ko. Nginitian naman niya ko at sinabing okay na siya because of me. Inalalayan niya kong bumaba sa kotse at hinatid sa gate namin.

Pagkaalis na pagkaalis niya ay pumasok na ko sa loob. Salamat naman at mukhang wala si Ate walang manenermon sakin. Malakas kong ibinagsak ang sarili ko sa kama ko, Pakiramdam ko pagod na pagod ako pero ang saya ko lalo na kapag paulit ulit kong naiisip yung nangyari samin ni Ford.

Ilang araw na rin simula nung maging kami ni Ford at halos araw araw pinapakilig niya ko dahil sa oras oras na pagcheck niya sakin sa opisina ko.

Katulad na lang ngayon na kalalabas ko lang ng opisina. Sinalubong ako ni Ford at lumapit siya sakin, Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko namang binawi yun.

"Ford stop it, Nakakahiya."
Tinatanggal ko yung kamay niya pero hindi niya inaalis.

"I don't care, I owned this company so nobody can stop me." Ngumiti siya at hahalikan niya na sana ko sa labi ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"Kahit ako?
Napatigil siya ng may dumating na babae at biglang kumalas sa pagkakahawak sa bewang ko.

"Mauna ka na, Susunod na lang ako."
Bulong niya sakin kakain kasi dapat sana kami sa cafeteria ngayon.

"Pero..
"Sige na, I just need to talk to her."
Sabi niya at hinila yung babaeng dumating papasok sa opisina niya.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko kung paano siya tignan nung babae.

"She is Trish, Ford ex girlfriend."
Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at bumaba na lang ako mag isa papunta sa cafeteria.

Pero makulit si Drake at sinundan niya pa rin ako hanggang sa cafeteria.

"Ako na oorder para sayo."
Nagulat ako ng pauupuin niya ko at nagpunta siya magisa para kumuha ng pagkain.

"Kung nandito ka para kulitin ako huwag muna ngayon, Baka sa ospital ka pulutin."
Sabi ko habang kumakain.

"Siguro naman ngayon aamin ka na kapag tinanong kita kung kayo na ba ni Ford!?"

"Bakit ba kating kati ka malaman kung kami na ni Ford? Bakit may gusto ka ba kay Ford!?"

"Paano kapag sinabi kong sayo ako may gusto?"
Napatigil ako sa kinakain ko. Akala ko nagbibiro lang siya pero seryoso siyang nakatingin sakin.

"Anong gusto mo? Magpaparty ako dahil may gusto ka sakin?

"Masyado namang sweet yung party para sakin, Makipag date ka lang sakin okay na ko---..

"Huwag ka ng umasa, Kami na ni Ford at wala ka ng magagawa pa." Tatayo na sana ko pero pinigilan niya ko.

"Tss! Okay lang yun, Sigurado naman akong magbibreak na kayo after niyang makita yung ex niya pustahan!"
Sabi niya at inunahan akong mag walk out.

Walang hiya yun, lalo pang dinadagdagan yung sama ng loob ko. Tss!

Matatapos na lang ako lahat lahat kumain pero wala pang Ford na sumusunod.

Sinubukan kong silipin sila sa opisina niya pero wala na sila. Sabi ni Ana lumabas daw si Ford kasama si Trish, parang bigla akong nawalan ng pag asa. Pakiramdam ko pagbalik ni Ford sakin makikipaghiwalay na siya dahil bumalik na yung pinakamamahal niyang ex girlfriend.

Pabalik na ko ng opisina ko ng masalubong ko na naman si Drake.

"See? I told you."
Sabi niya at dinaanan lang ako na para bang nang aasar dahil nakita niya kong galing sa opisina ni Ford.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso lang ako sa opisina ko. Pinilit kong huwag tumulo yung luha ko dahil ayokong makita nila lalo na si Liam dahil alam kong mag aalala siya sakin kapag nakita niya ko.

"Hey, You're not going home?"
Speaking of the devil.

"No, I need to finish this."
"Hindi ba kayo sabay uuwi ni Ford?"
"Hindi, nauna na siya may inasikaso lang, you can go first tatapusin ko lang ito."
Pagkukunwari ko habang pinipindot ko kuno yung laptop sa harapan ko at binuksan yung solitaire.

Pero dahil kilang kilala na ko ni Liam eh hindi niya kinagat yung dahilan ko. Lumapit siya sakin at iniharap sa kanya yung laptop.

"Ah you need to finish that!? Hindi naman siguro urgent yan? Kaya tumayo ka na dyan at ihahatid na kita."
Kinuha niya yung bag ko at hinila ko palabas ng opisina ko.

"I'm not going to go home, Hatid mo na lang ako sa Coal."

"Coal? Alam ba ni Ford na pupunta ka dun?
"Bakit ka ba Ford ng Ford? Tyaka konti lang naman ang iinum---..
"Nag away kayo ng boyfriend mo?
Ito na nga ba sinasabi ko, Kahit anong gawin kong iwas malalaman at malalaman pa rin ni Liam na hindi ako okay.

"He's with ex girlfriend!"
"Ex? What do you mean?
"Trish..
Sabi ko, natahimik bigla si Liam.

"You mean nasa Pilipinas na si Trish?
"Hindi ko alam, Hindi ko nga kilala yang Trish na yan ang alam ko lang ex girlfriend siya ni Ford."

"So please hatid muna ko sa Coal."
Dugtong ko at ibinigay ko ng lahat ng pagpapacute para lang ihatid niya ko.
"Coal? No, sa bahay kita ihahatid, Mag usap kayo ni Ford."

"Sige na please..
Pagmamakaawa ko.
"Pwede ba Shine, Tumigil ka nga!"
Ayan na naman tayo eh tatay mode na naman si Liam. Tss!

"Kung ayaw mo okay lang naman, I'm going to drive my self."
Iniwan ko na siya at sumakay na sa kotse ko.

Nakita kong umiling lang si Liam at hinayaan na lang ako makalabas ng parking lot.

Mabilis akong nagdrive papunta sa Coal. Himala atang wala si Alyana ngayon, bakit naman ngayon pa siya nawala. I need someone to talk, Feeling ko sasabog na yung dibdib ko kaiisip kung ano ng nangyayari kay Ford at sa ex girlfriend niya ngayon.

Umorder ako ng shot ng JD, alam kong mabilis akong tatamaan dito at yung ang gusto kong mangyari.

"Oh mag isa ka lang? Nasaan na yung boyfriend mo? Enjoying the moment with her ex girlfrie---..
Napahinto siya ng mag walk out ako pero sadyang makulit siya at sinundan ako.

"Leave me alone Drake."

"Bakit kita iiwanan? You need someone to talk and I'm here to listen."

"To listen or to pissed me off!?"
Naiirita kong sabi sa kanya. Iinumin ko na sana yung nasa shot glass ko ng biglang may umagaw nun at hinila ko palabas ng Coal.

Things Happen UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon