"Para ka kasing babaeng bayaran kung magsayaw sa gitna kaya nababastos ka."
Halos magpantig yung tenga ko sa sinabi niya. Pero hindi ko na lang pinansin yun dahil pasalamat ako at dumating siya kanina."Huwag ka na ngang mag iinom kung alam mo namang hindi mo kaya!"
"Hindi pa naman ako lasing."
Sabi ko at isinandal yung ulo ko habang nagmamaneho siya."Hindi ka pa lasing kung makapagsayaw ka sa gitna akala mo wala ng bukas."
Tinititigan ko siya habang nagmamaneho.
"Bakit ba palagi ka na lang dumadating kung saan ako nag iinom? Sinusundan mo ba ako?"Bakit naman kita susundan? Ikaw lang ba may karapatang uminom sa bar!?"
Tss. Whatever, Kalalaking tao napaka bungangero.
"Saan ka ba nakatira ihahatid na kita."
"No hindi na, Stop the car magtataxi na lang ako.""Ihahatid na kita..
"Hindi nga pwede, Okay lang ako."
Sabi ko at bumaba na ng ihinto niya yung sasakyan. Mabilis lang naman akong nakauwi pero sinalubong ako ni daddy."How's my Architect?
Inayos ko ang sarili ko at lumapit kay daddy. Mabuti na lang at hindi ako lasing dahil kapag nagkataon masasampal ako ni dad sigurado."Stressful syempre but I need to bear with it, Dahil yun ang gusto mo."
"That's good to hear that. Congrats nga pala sa presentation mo about Grand Velas Resort."
"Napanood mo?
"Yes, And I'm so proud of you."
"Dad please let me go, Gusto ko sanang enjoyin muna ang---..
"No hija, I want you to do it!
Pagpuputol niya sa pagsasalita ko."But why do you keep insisting your plans dad? Naiirita kong sagot kay daddy.
"Because that is for your future, my decision is final, You will be working in Artreum weather you like it or not!"
Sabi ni dad. Feeling ko narindi ako kaya iniwan ko siya at mabilis na umakyat sa kwarto ko."Come back here, I'm not done talking to you Sunshine!"
Narinig ko siya pero wala akong panahong pakinggan ang paulit ulit na gusto niya.Tss! Wala nga siya sa trabaho alam naman niya lahat ng nangyayari. Bakit niya pa ko nilagay sa ibang kompanya kung babantayan lang din niya ko. Pinahihirapan lang niya ang sarili niya. Sa bagay konting tiis na lang sigurado akong papalitan din ako ni Ford lalo na kapag pinagpatuloy ko lang ang pang aasar sa kanya.
Bigla akong nakahinga pagpasok ko sa kwarto. Mabuti na lang kahit papano ay nawala ang pagod ko kasama sila Alyana kanina. Kung hindi lang ako binastos ng manyak dun malamang hanggang ngayon ay nandun pa ko at nagwawalwal.
Ilang linggo na rin nung umpisahan yung Grand Velas, Halos hindi na kami maghiwalay ni Ford dahil kaming dalawa ang Architect na nakaassign dito.
Ewan ko ba, Natutuwa ko na yung dinisign ko e nakikita kong itinatayo na at sa isang resort pa. Dahil nga Batanggas itong resort kinailangan namin mag stay dito iwas pagod sa pagmamaneho at traffic. Kasama naman yung buong team para sa Grand Velas.
Dahil tapos na ang trabaho ay naglakad lakad muna ako sa tabi ng dagat. Napakalamig ng hangin at sobrang nakakarelax, Pakiramdam ko nawawash out lahat ng stress ko kay daddy.
Napahinto ako sa paglalakad ng madaanan ko na naman si Ford na may kahalikan. So ginagawa niyang libangan ang pakikipag halikan ha. Pero nung hinalikan ko siya hindi sinagot, Sarap ko kayang humalik no! Natawa ko sa pinag-iisip ko.
Nakita niya yata ko kaya tinulak niya yung babae, Nagulat naman ako ng makita kong si Betty yun.
Hindi ko alam na may something pala sila ni Betty. Tinignan lang ako ni Betty at naglakad na palayo kay Ford. Nagkunwari na lang ako na hindi ko sila nakita at nilagpasan siya.
"Why are you always following me?
Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likuran ko, sinundan niya pala ko."Ha? Are you out of your mine? Bakit naman kita susundan aber!?"
"Hanggang kailan mo paninindigan yan?" Sabi niya.
"Ang alin? This?!
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya labi this time hindi ko hinayaan na itulak niya ko. Ako ang kusang bumitaw.Iiwanan ko na sana siya ng magsalita siya.
"For always pissing me off!"
Inaano ko ba siya? Kasalanan ko bang mapadaan palagi kung saan siya nakikipaghalikan, Kasalanan ko bang gusto ko siya halikan sa tuwing inaaway niya ko. Nababaliw na ata ako lalo na pag hindi niya pinapansin yung halik ko kaya mas lalo ko lang siyang ininis."Oh there you are, Are you really pissed now? I'm very happy to know that Sir."
Sabi ko at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto ko. Kaya ko naglakad lakad sa labas ay para magbawas ng stress. Hindi para dagdagan niya. Aissh!Kinabukasan ay maaga kong kinatok ni Betty. Dahil mag iikot daw kami sa site ni Ford ngayon.
"Look at me, It's okay."
Hindi kasi makatingin sakin si Betty ng diretso.
"Hindi mo naman sinabi na may something pala kayo ni Sir.. Pang aasar ko kay Betty."Hindi ka rin dapat nakikipagchismisan sa oras ng trabaho mo." Napalingon ako sa nagsalita. Mainit na naman dugo? Tinalo pa may regla araw araw sa sobrang dalas magalit sakin.
Hindi ko naman alam na sobrang laki pala ng Grand Velas. Kung bakit ba naman kasi nag rubber shoes pa ko, Ang sakit na ng paa ko pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil mainit ang dugo ni koya.
"Napaka bagal, Kaya natatagalan tayo eh."
"Ang sakit na kaya ng paa ko!"
"Sino ba kasing may sabi sayong mag rubber shoes ka."
Sabi ko na hindi ako pwedeng magreklamo.Iika-ika akong naglalakad habang pinipicturan yung site at inaaral kung ano pa ang pwedeng idagdag to make Grand Velas Resort better.
Halos maiyak na ko sa kirot na nararamdaman ko sa may paa. Paano ba naman kanina pa kami naglalakad hindi yata napapagod ang mokong.
"Pwede bang magpahinga mun-..
"Gagabihin tayo kapag huminto tayo!
Sabi niya at pinapagtuloy lang ang paglalakad."Teka nga, Gumaganti ka ba?
Naisip ko kanina pa kami pabalik balik pero hindi kami matapos dahil sa sobrang dami ng suggestion niya. Balik doon sa kabila, balik sa kabilang side ng resort pabalik balik lang. Pero sa sampung plano na yun iilan pa lang ang sinasabi niyang dapat gawin."Why? Nagagalit ka na ba?
Nakangising niyang sabi.Ewan ko pero naiyak ako sa sobrang sakit ng paa ko at hindi ko na lang siya pinansin. Nauna kong maglakad sa kanya kahit na iika-ika pa akong maglakad. Babalik na ko ng hotel sa ayaw at sa gusto niya. Kung gusto niya siya mag isa mag ikot at solohin na kung ano mang plano niya gustong gawin.
Halos bumilis naman yung tibok ng puso ko ng bigla akong buhatin ni Ford. Hindi ko alam na kasunod ko lang pala siya.
"Ibababa mo ako o sisigaw ako."
Sabi ko pero hindi niya ko pinansin nilapag niya ko sa lobby ng hotel at pinaupo doon."Bakit hindi mo sinabing may sugat na pala yung paa mo?
"I told you, pero hindi mo naman ako pinapansin di ba."
"Sabi mo masakit lang! Tss!
"Okay lang ako babalik na ko sa kwarto ko."
Tumayo ako pero pinigilan ako ni Ford.
Tinawagan niya si Ana at pinagdala ng medicine kit. Kinuha niya agad yun ng dumating si Ana at mabilis na lumapit sakin. Tinanggal niya yung rubber shoes ko at pinunasan ng betadine yung bandang taas ng sakong ko. Hindi ko naman alam na may sugat na pala at nagdudugo na yun, Akala ko naman masakit lang.

BINABASA MO ANG
Things Happen Unexpectedly
RomanceKaligayahan mo o kaligayahan ng iba, Choice mong piliin kung anong alam mong makakabuti para sa lahat.